Chapter Two

15 1 2
                                    

Laine's Pov

Tulad kahapon nandito na naman ako sa park. Baka isipin niyo sinusubaybayan ko si Mr. Stranger. Hindi kayo nagkakamali diyan. Sabi nga nila curiosity kills the cat. Kasi naman nakakacurious si Mr. Stranger kasi umiiyak siya SIGURO dahil sa pag-ibig pero kung tama nga ako na broken hearted siya eh aba sa panahon ngayon wala ka ng masyadong makikitang lalaking umiiyak at nagdurusa ng todo ng dahil sa pag-ibig.

Bilang isang kasapi ng modernong panahon, masasabi kong puno ito ng mga taong hindi marunong magseryoso sa buhay at puno rin ng mga taong hindi naniniwala sa forever. Pero back to Mr. Stranger. Lucky si Girl na minahal at iniiyakan ni Mr. Stranger dahil aba kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano  siya kamahal ni Mr. Stranger iyon ay kung pag-ibig nga ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

Pero dahil sa dakilang observant ako ay napapansin kong ang mga matang tulad ni Mr. Stranger na natitigan ko kahapon ay mga mata ng nasaktan ng todo.  Kung ikaw ba naman sa tanang buhay mo ay nakakilala ng mga 10 tao na umiiyak sa iisang dahilan ay madali mo ng matutukoy o masasabi kung ano ang pinagkaiba ng mga taong umiiyak dahil sa pag-ibig at ang taong umiyak ng may ibang rason.

Napansin niyo bang ang gulo ko? Siguro mapapansin mo kung observant ka rin tulad ko. Diba una sabi ko na hindi pa ako sigurado kung pag-ibig nga ang dahilan ng pagiyak ni Mr. Stranger pero sa huli nabawi ko at nasabing pag – ibig nga. Masasabi niyong hindi ako makipagbigay ng kasiguraduhan sa sagot ko. Alam niyo bang parang love rin yan?

Sa pag-ibig laging walang kasiguraduhan. Kasiguraduhan sa ano? Una, wala tayong kasiguraduhan kung sa relasyon mahal niyo ang isa't isa kasi baka one sided love lang (na sobrang sakit maranasan). Pangalawa, wala tayong kasiguraduhan kung hindi ka niya sasaktan o ipagpapalit. At pangatlo, walang kasiguraduhan kung may Forever kayo kasi sabi nga nila WALANG FOREVER.

 Tulad ng ginawa ko kahapon ay naglibot-libot lang ako. Nakita ko ang isang swing na bakante kaya nilapitan ko ito at nagswing. Sana palagi na lang bata. Isip-isip ko. Kasi pagbata ka wala kang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi mo pinapansin ang mga taong nakapaligd sayo dahil bilang isang bata mahalaga lang sayo ang magsaya at maglaro. In short wala kang pinoproblema. Pagbata ka aba madali lang ang lessons, one plus one lang. At sa lahat ng inaral ko sa kasalukuyan ay yun ang isa sa mga mahahalagang aralin na hindi na dapat pang mag evolve.

Pero pag teenager ka nandiyan na yung mga teenage hormones at puppy love na laging karugtong ang salitang sakit.  At pag teenager ka nandiyan din ang secondary level na kapatid ang x2+y5. Pagbabibili ka ba ng mga pagkain o kahit ano ay x2+y5 ang sasabihin mo. Di ba hindi? Ang hirap sa tao pinapahirap ang mga madadaling bagay. Kaya mas gusto ko ang maging bata.

Patuloy lang ako sa pagswi-swing. Napansin kong may umupo sa katabi kong swing. Nilingon ko ito at napansin kong si Mr. Stranger. Hay, tadhana nga naman mapagbiro at mabait. Mabait kasi hindi na ko mahihirapang hanapin si Mr. Stranger para subaybayan siya.

"Are we destiny to be in each other side?" I asked out of the blue. Hindi siya umimik. Kung may powers lang ako na paimikin tong lalaking to.

"Pede bang sakyan mo naman yung trip ko. Imik ako ng imik sayo tapos ikaw panis na lahat lahat ang laway mo hindi ka parin na imik. Sasabihin mo lang naman ang salitang bakit. Kaya sakyan mo na trip ko. Please" tumingin siya sa direksiyon ko at nagpuppy eyes ako. May nakita akong kakaiba sa mga mata niya na hindi ko matukoy pero siguradong akong hindi yun lungkot.

"Bakit?" ang masculine ng voice niya na hindi ko napansin noong una siyang nagsalita pero sinasayang niya lang. Tao nga naman. Tsk. TsK.

"Kasi naman lagi tayong nagkakatagpo ng hindi natin namamalayan at sabi ng friend ko na si tadhana ay nangyayari daw yun sa mga taong itinadhana para sa isa't isa." Wika ko sabay taas baba ng dalawa kong kilay at ngumiti ako ng nakakaloko. Tulad kahapon ay nanlilisik na naman ang mata niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Band-aid for Broken HeartsWhere stories live. Discover now