Prologue

34 0 0
                                    

Lahat ng estudyante na tulad ko gusto ng bakasyon. Sino bang hindi? I'm 100% sure na lahat ng estudyante gusto ng bakasyon dahil hindi na nag iisip kung pano papasa o paano masasagutan ang exam.  Pero may disadvantages, madalas kang bored. Oo, sa una masaya pa pero habang tumatagal at paulit-ulit na lang ang routine mo ay mabo-bored ka na. Scroll dito, scroll doon, umaga't hapon. Walang tigil kaya sa huli mabubugnot ka.

Tulad ng iba na nagbabakasyon, bored na ko sa araw-araw kong ginagawa kaya napag desisyunan kong magala na lang sa park. Lumipas na ang kalhating oras na paglalakad kaya napagdesisyunan kong umupo sa isang bench. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at humanap ng bakanteng pedeng maupuan pero ni isa wala dahil lahat okupado ng mga pamilyang masayang nagkakatuwaan dahil siguro weekend ngayon, family time.

Bumuntong hininga ako at agad kong pinawi ang mga pumasok sa isipan ko. Sinubukan kong humanap ulit ng pedeng maupuan at nakakita ako. May nakaupo pero sa tingin ko ay nag iisa lang siya kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya pero may distansya parin kami sa isa't isa.

Nagulat siguro sa pag upo ko sa tabi nya kaya iniangat niya ang ulong kanina pang nakatungo kaya napatingin din ako sa kanya. Nginitian ko siya at nagsalita "Okay lang bang maupo ako?" pero hindi niya ako sinuklian ng ngiti at hindi siya tumugon sa sinabi ko. Muli siyang tumungo. Nagpaalam pa ako eh nakaupo na ko. Anu ba  naman yan Laine! Umimik muli ako sa lalaking katabi ko.  

"Mahirap bang ngumiti? Para sa akin hindi kasi nakakangiti naman ako pero mahirap kung hindi na iistrech yang mukha mo. Paalala, sayang ang gwapo mong mukha." Wika ko. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi na naman siya nagsalita.

"Are you mute? Marunong akong mag sign language. Makakausap mo ko." Matapos kong magsalita iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa direksiyon ko na may nanlilisik na mata sabay tayo at alis nito pero hinabol ko ito. Lumakad ako sa likod nito at pinagmasdan ang likod ng tainga niya. Wala siyang hearing aid. Kaya sure na sure akong hindi siya pipi. Pag kasi pipi ka bingi ka na din. Di ba?

Sinabayan ko ang paglalakad niya at umimik ulit ako. "You don't have a hearing aid so I'm positive that you're not mute neither deaf. So can I ask you something?" I said still walking. He stop walking and stare at me.

"I don't talk to strangers so please leave me." he said and start walking again. Parang isang aso, sinundan ko ulit siya.

 "Apparently you just talk to me and I'm a stranger."Tumigil siya at napasabunot sa buhok niya.

"Would you please shut up?!" I just shrugged my shoulders. Nanlisik ang mga mata niya sa naging tugon ko pero naglakad na lang siya at umalis. Hindi ko na siya sinundan dahil pansin kong pinagtitinginan ako or kami ng mga tao kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang.

"LQ ata sila. Anu sa tingin mo?" nilingon ko ang paligid ko at hinanap kung saan nagmumula ang usapan at nakita ko ang dalawang babaeng kasing edad ko lang na nakaupo sa isang bench at may hawak na inumin. LQ kami? Pft. Eh hindi ko nga kilala. Wika ko sa sarili ko sabay iling at umalis na ako.

Nakarating na ko sa amin at bumungad ang tahimik na bahay sa akin.

"SHANE?" I called out my sister's name but there's no response. Maybe she's outside with her nanny playing. For my parents, well they are still busy working to earn money and don't have time for us. Nagbuntong hininga na lang ako at umakyat papunta sa kuwarto ko.

I change into something I usually wear in home and lay in my bed. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaki kanina sa park. When he first stare at me, I saw how sore his eyes was maybe because of too much crying. Nung tumungo ulit siya at hindi ako pinansin naisip kong broken hearted yung guy kaya in the end nilagyan ko siya sa bulsa niya ng Band-aid ng hindi niya namamalayan. That Band-aid is not just an ordinary band-aid. I called it BAND-AID FOR BROKEN HEARTS.

 ~~~~~~~~~~~  

  Thanks for reading guys! Hope you enjoy! 





Band-aid for Broken HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon