“You want more?”

“Boss, ipalinis mo na rin sa kanya 'yung buong likuran ng bahay para sulit. At saka kailagan din natin ng alalay sa mga trabaho sa labas. Kahit tagabitbit lang ng mga gamit pwede na 'yan.” Halatang inaasar lang siya ni Leo ngunit hindi niya inaasahang kakagatin ni Ali ang mga pinagsasabi nito.

“Okay. Do those works as well. And also, you should do the cooking and groceries too.” Tumalikod na ito pagkasabi ng mga 'yon.

“T-Teka wait—” Pumasok na sa kwarto si Ali at hindi na nakaangal pa si Honey sa mga pinapagawa nito.

“HAHAHAHAHAHAHA.”

“Kasalanan mo 'to walangya ka!!”

“Oh ba't ako??” tumatawa nitong depensa. “Para nag-suggest lang ako para sulit naman ibabayad sa 'yo ni Boss.”

“Ang sabihin mo epal ka lang talaga kahit kelan! Bwisit ka!!”

Lumabas ulit ng kwarto si Ali at akala niya aalis na ito ng bahay pero umupo ito sa sofa nang nakatingin ng nakakatakot sa kanya.

“Simula mo na ang mga trabaho mo.”

“B-Babantayan mo 'ko?”

“I have to see it first if you can do the works propely.” Humalukipkip ito sa sofa habang nakatitingin pa rin sa kanya. Imbes na magawa niya ng maayos ang mga trabaho ay hindi yata siya makakakilos sa ginagawa nito.

“Shet dapat pala nagdala ako ng popcorn!” Excited na umupo si Leo sa kabilang couch at pinagkikiskis pa ang mga palad sa sobrang excitement nito.

“Get out.”

“Panood lang, Boss!”

“Why? Is it a movie for you to watch?” Malamig na tinitigan ni Ali si Leo at tuwang-tuwa naman si Honey sa itsura nito. Buti nga! Nakaganti rin siya!

Pagkalabas ni Leo ay muling bumaling sa kanya ang atensyon ni Ali. Napatuwid siya ng tayo.

“M-Magsisimula na nga ako heto na oh,” taranta niyang saad. Unang hinanap niya ang walis pero limang minuto na yata siyang paikot-ikot sa buong bahay na hindi naman kalakihan pero hindi niya pa rin ito makita.

Shit! Where the heck is his broom?!

“To your right, in the left cabinet.”

Napahinto siya sa paghahanap. Damn—did she say it out loud?! Dahan-dahan siyang umatras. Tumigil siya sa tapat ng cabinet na tinutukoy ni Ali at binuksan ito.

“Ha ha ha.” She awkwardly laugh. “I was actually looking on this corner already. Sabi ko na nga ba nandito lang 'to, eh.” She tried to smile at him even though she thought she looked stupid. Blanko pa rin ang ekspresyon sa mukha ni Ali na tila ipinagsisigawang kumilos na siya.

“Do you know how to cook?” tanong nito pagkatapos niyang maglinis. Napaupo siya sa sahig sa sobrang pagod dahil makailang ulit siyang inutusan ni Ali na ulitin ang natapos niya na. Anong klaseng linis ba ang gusto ng lalakeng 'to?! Tsk.

“Uh...” Hindi siya nakasagot agad. How could she answer that question kung sa pagmulat pa lang ng mata niya sa umaga ay nakahain na ang lahat ng gusto niya? Gosh—this is getting hard for her. Lumunok siya at binasa muna ang mga labi gamit ang kanyang dila. “I think...I can.”

“You think you can,” mabagal na pag-uulit nito sa sinabi niya habang tumatango-tango. “That means you're not sure.” Lalo yatang bumilis ang pagtibok ng puso ni Honey.

“I-I can learn naman. Hehe.”

“How about doing groceries?”

“That one is easier!” mayabang na sigaw niya. “Just give me the list I need to buy and I swear I can do it with no sweat.” Finally may sinabi rin itong bagay na kaya niyang gawin!

In Love with the Beast [ABWC Spin-Off]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon