Chapter Seven

2.2K 84 26
                                    



NAT




I've always imagined that this moment like this: screaming fans, loud music, ecstatic feelings and favorite band performing in front of me. And in my imaginations, this moment is awesome. But now that Aira is sitting right next to me, I decided that the word awesome is an understatement. I guess the word euphoric is more appropriate to describe what I'm feeling right now.




Moments later, the whole arena is already filled with a chant of the band's name. The crowd goes wild when Danny started singing Paint the Town Green while they were having their grand entrance with a parade of green flags. What an awesome way to start a concert!




Paglingon ko kay Aira ay nakita kong maging siya ay nakiki-chant na rin habang nakataas ang dalawa niyang kamay. And I noticed that she has long and slender fingers. Ano kaya ang pakiramdam na mahawakan ang mga kamay na 'yon? I bet it would be really nice.




Nagsimulang kantahin ni Danny ang ilan sa mga sikat nilang kanta katulad na lang ng Breakeven, Superheroes at We Cry. At katulad ng ibang mga fans, nakisabay rin kami ni Aira sa pagkanta. Manaka-naka ay nagkakatinginan kami. At sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay awtomatikong napapangiti kami sa isa't-isa.




After the first few songs, marami pang nangyari. Katulad na lang ng paglapit ni Danny sa isang fan na babae para humiram ng cellphone. Inutusan nitong i-dial ang number ng ex ng babae. At nang nasa kabilang linya na ang pobreng ex, eto ang sinabi ng bokalista ng banda, "Hello, this is Danny of The Script. Your ex-girlfriend is calling you to tell you how stupid you are to leave her. Stay on the line, we'll sing to you." At pagkatapos ibalik sa fan cellphone ay kinanta naman ni Danny ang Nothing na isa sa pinakapaborito kong kanta nila.




At some point of the concert, naibahagi rin ng mga miyembro ng The Script na bago sila sumikat. Pare-pareho pala silang mga walang-wala at kung minsan ay natutulog lang sa sofa. Hanggang sa unti-unti ay nakilala rin sila dahil magaganda nilang musika at dala na rin ng pagsusumikap.




Sa parteng iyon ay parang sumikip ang dibdib ko dahil heto ako, isang tagahanga at personal na naririnig ang isang kwento mula sa paborito kong banda. Shet, ang emo ko.




Nakaramdam ako ng lungkot nang sabihin ni Danny na huling kanta na nila ang Hall of Fame para sa gabing 'yon. At habang nakikisabay ako sa pagkanta, unti-unti ay naramdaman kong hinawakan ni Aira ang kanang kamay ko.




Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong nakatitig lang siya sa stage, pero hawak-hawak pa rin niya ang isa kong kamay. Na tila ba pinaparamdam niya sa 'kin na maging siya ay malungkot rin dahil magtatapos na ang concert.

NAT CANLAS: The Brokenhearted Heartthrob [On Hold]Where stories live. Discover now