Chapter Five

2.8K 106 50
                                    


AIRA



"Bebe, pinakialaman mo ba 'yong eyeliner ko dito sa bag? Hindi ko makita kanina pa ako hanap nang hanap dito sa kwarto."



Napahinto ako nang marinig ko ang sigaw na 'yon ni Popsy number one. Hindi naman iyon pagalit pero tonong nagmamadali. Mag a-alas diyes na kasi ng gabi at male-late na sila ni Popsy number two sa work.



Tumayo ako sa harap ng nakabukas na laptop ko at bitbit ang Pringles na kanina ko pa nilalantakan ay bumaba ako sa unang palapag ng bahay namin kung saan naroon ang kwarto ng dalawang Popsy ko.



Pagpasok ko nga sa kwarto nila ay naabutan ko si Popsy number one na halos baliktarin na ang buong kwarto mahanap lang ang nawawalang eyeliner. Popsy cannot leave the house without his eyeliner. Kung ang ibang tao hindi makakaalis ng bahay nang hindi bitbit ang cell phone at wallet, si Popsy naman ay eyeliner ang must have sa bag.



"Nakita mo ba, bebe?"



Mula sa garter ng pajamang suot ko ay pasimple kong dinukot ang hinahanap niyang eyeliner at saka iyon iwinagayway sa ere. "Dyaraaaan!"



Nakabusangot na lumapit sa 'kin si Popsy at kinuha sa kamay ko ang eyeliner at pagkatapos ay nagsimula na itong maglitanya. "Susme! Kanina pa ako halos magkandahilo-hilo kakahanap nasa sa 'yo lang pala!"



"Popsy, bilhan mo na kasi ako niyan. Gusto ko ng color blue at violet na eyeliner, please?"



"Ba't hindi na lang ikaw ang bumili? Binigyan na kita ng pambili, ah?" ani Popsy na nakaharap na sa salamin. Nakita ko naman na dumungaw sa pinto ang ulo ni Popsy number two.



"Wala na kong pera, eh. May binili akong wig last time. Nag abono pa nga ako, eh." Pero 'yong pinang-abono ko ay pera rin naman nila. Haha.



Lumapit sa 'kin si Popsy number two at inakbayan ako. "Aanhin mo na naman 'yong wig, bebe?"



"Dagdag sa collection ko, Pops," sagot ko sabay lahad ng isang palad ko sa kanya. "Pengeng pera."



"Pati ba naman summer may baon ka pa?" natatawang saad ni Popsy number two pero kumuha rin naman ng pera sa bulsa at nilagay sa palad ko.



Sa tuwa ko ay nayakap ko ng mahigpit si Popsy number two habang si Popsy number one naman ay naramdaman kong pinalo ako sa pwet.

NAT CANLAS: The Brokenhearted Heartthrob [On Hold]Where stories live. Discover now