Prologue

25 1 0
                                    

"Now, where are we?" pagdadabog kong tanong habang lumalabas sa NOVA A2R7 also known as little nowhere na umuusok pa. Talagang dadalhin ka sa hindi mo malamang lugar. Ugh! This is unbelievable!

but not bad for the second time.

muntik lang naman kaming namatay the last time we used this e.

NOVA A2R7 is like a jet capsule, but can be use even in land. We only use this during an emergency. It's a hidden machine inside our Van, at pag ginamit mo ito ay lilipad kayo sa kung saang lugar na malayo sa pinanggalingan niyo and now here we are, lost in the woods. Kung hindi ba naman kami hinabol ng sandamakmak na mukhang palakang hindi mo madrawing, e malamang nasa pool party pa rin kami ngayon at kumakain.

It's almost midnight, tapos napunta pa kami sa kalagitnaan ng kagubatan na hindi namin alam kung nasaan. Ang Nova rin ang nagsisilbi naming liwanag dito.

"This is all your fault Naiah, I told you to hurry up" pagsisisi naman sa'kin ni Chase. Napaka reklamador talaga nitong lalaking 'to, he should be thankful kasi ligtas kami. "Wow, so the blame was on me now? hindi ba't ikaw ang may ayaw gamitin ang NOVA? Nag paiwan ka nalang sana ro'n" pagtataray ko namang sagot at agad naman akong tinitigan nito ng masama na animo'y kakainin ako ng buhay. Kung hindi namin ginamit ang nova, malamang ay katalk ko na si San Pedro ngayon.

Kasalanan naman talaga namin 'tong lahat. Makakaalis nga kaming ligtas dito, for sure wala naman na kaming mauuwian na matinong bahay.

"Calm down you two, kanina pa kayo nagbabangayan, hindi naman 'yan makakatulong" pag-aawat naman sa'min nang kakalabas palang na si Sloane, sumunod naman si Exon. Sloane is my childhood bestfriend, parang kapatid ko na rin siya kung ituring, and Chase is my ridiculous identical twin brother na never kong nakasundo sa isang bagay dahil pareho kaming ayaw mag patalo. He talks nonsense all the time at sobra talagang nakakairita, lagi pang pinipilit yung opinyon niyang wala namang sense at kwenta. Buti nalang at nand'yan si Sloane para awatin kami kasi kung wala, matagal na kaming nagpatayan.

Napalinga linga ako, bago ko napagtantong apat lang kami. "Holy shit, where's Astor?" nag-aalala kong tanong, at maging sila ay nagtataka rin. Agad agad kong chineck ang loob ng nova habang palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. "wala.." nanlalaki ang mata kong lumingon sakanilang tatlo. "Exon, where's Astor?!" sigaw naman ni Sloane kay Exon. "Exon...don't know where Astor is.." he replied with an irregular pitch with a robotic voice that's too slow. Ramdam ko na rin ang panghihina nito.

Exon and Astor is a humanoid alien robot, a really clever and skilled one. They are from the other universe na napadpad sa likod ng bahay namin sa hindi malamang dahilan. Mamamatay na ito nang matagpuan ng great grandpa ko na kinwento lang din sa'min ng lolo ko. My great grandfather is a scientist, and he's the one who helped them to recover and gain more power, kung kaya't mas malakas na ito ngayon kumpara noon kaya naman nakuha niya ang loob nila. Marami rin silang kayang gawin, one of them is they can transform to whatever they want to, kahit mukha ng tao ay kaya nilang gayahin, maging ang buong pagkatao nito.

They became our family and also our bestfriend. We haven't met our real parents yet, si lolo lang ang kasama namin bata palang kami, siya na rin ang nag-alaga at nagpalaki sa'min but ever since he died, our life turns upside down, "miserable" is not enough to describe how messed up our life was. But luckily, Exon and Astor was there for us, hindi nila kami iniwan kahit gaano pa kagulo yung buhay namin before. But we're better now and still working on it.

About our parents? wala kaming alam kahit niisang detalye patungkol sakanila, kahit mukha o pangalan ay wala. Ayaw na ayaw ni lolo na pinag-uusapan namin sila, lagi rin siyang nagagalit 'pag tinatanong namin, kaya nasanay nalang kami na 'wag nalang pag-usapan. He just hate them, we also do, and we still do. They abandoned us, i'll hate them to death.

Dark InvasionKde žijí příběhy. Začni objevovat