Chapter 44

2.3K 43 2
                                    

Chapter 44

"Leonora.." nagising ako sa boses na iyon. Hindi ko namalayan na dahil sa kakaiyak ko kanina ay agad akong nakatulog.

Tumingin ako sa wall clock at 7pm na. Napatingin naman ako sa kay Henry na nasa gilid ko. Siya yung tumatawag sa pangalan ko.

"H-Henry, bakit?" tanong ko.

"Kakain na tayo ng dinner." sabi ni Henry.

"K-Kumain na ba yung mommy mo? Paunahin nalang muna natin siya." sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"No! Sasabay ka samin, huwag kang mag-alala hindi na yun muling magsasabi ng masama tungkol sayo." mariing sinabi ni Henry.

Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Namumugto yung mga mata mo, Leonora. Sorry." sabi ni Henry at hinalikan ako sa noo. Pinilit ko nalang ngumiti para sa kanya.

Bumaba na kami papunta sa dining room ng magka-holding hands. Mahaba ang mesa nila at naka-upo ang mommy niya sa may pinakadulo. Umupo naman kami sa medyo kabilang dulo at magkatabi kami. Nakahain na ang mga pagkain, inihain iyon ng kasambahay nila. Tahimik kaming kumain. Pero nakikita ko sa peripheral vision ko ang mommy ni Henry na matalim na nakatitig sakin. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay halos mapatalon ako sa sumigaw.

"TITA!" patiling sinabi nung babae.

Napatingin naman ako sa kanya at nanalaki ang mga mata ko at halos mailuwa ko ang kinakain ko sa sobrang gulat.

"Andito ka na pala hija, have a seat at kumain ka na muna." sabi ng mommy ni Henry kay Joanna.

"What are you doing here?!" sigaw ni Joanna sakin ng makita niya ako.

"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan, anong ginagawa no dito?!" mariing tanong ni Henry.

"Well, ako ang fiancè mo at balang araw dito na rin naman ako titira kaya naman mamadaliin ko na ang pagtira ko at ngayong araw na iyon. Para masanay naman ako. Nagpaalam na naman ako kay tita at pumayag na siya." sunod-sunod na sinabi ni Joanna.

"Bakit naman hindi sinabi sakin agad mommy?!" sigaw ni Henry.

Nagkibit-balikat lang ang mommy ni Henry at itinuloy ang pagkain niya.

"So, Leonora anong ginagawa mo dito?!" sigaw sakin ni Joanna.

"Dito siya mag-iistay." mariing sinabi ni Henry.

"WHAT?! NO WAY!" sigaw naman ni Joanna.

"Anong no way? Sayo bang pamamahay ito?" sabi ni Henry.

"I think alam ko na kung bakit ka mag-iistay dito. Balita ko ninakaw mo yung kwintas ng anak ni Sarah De Guzman, am i right? Ewww, inampon ka na nga ganyan pa ugali mo. Wala kang utang na loob." sabi ni Joanna.

Napalunok ako sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman iyon? Paano?

"What? Isa na ngang basura, magnanakaw pa. Ohmygosh." sabi naman ng mommy ni Henry.

Parang may namumuong bukol sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Napagbintangan lang siya! Hindi yan totoo! At paano niyo naman nalaman yan?!" sigaw ni Henry sa kanila.

"Actually, friend ko si Ashley at ikinuwento niya sakin yun." sabi naman ni Joanna.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Kaibigan niya si Ashley? Baka pinlano nila ito? Pero hindi ko alam, ayoko naman kasing magbintang.

"A-Akyat na ako." bulong ko kay Henry.

"Samahan na kita." aniya.

Tumayo kami at hinawakan niya ulit ang nga kamay ko at patungo na kami sa hagdan ng biglang pinaghiwalay ni Joanna yung mga kamay naming magkahawak.

"Saan siya natutulog Henry?" tanong ni Joanna.

"Sa guest room." tipid na sagot ni Henry.

"Good, kasi sa kwarto mo ako matutulog." sabi ni Joanna.

"What?! Hindi puwede. May ibang guest room pa at doon ka matulog." sabi naman ni Henry.

"Bakit pa? Magiging mag-asawa din naman tayo kaya dapat masanay ka na katabi mo ako sa kama at iisa lang tayo ng kwarto." sabi ni Joanna.

"Oo nga naman Henry. Hayaan mo na si Joanna na doon matulog sa kwarto mo." singit ng mommy ni Henry.

"No! Kung gusto niyo kayong dalawa nalang ang magsama sa iisang kwarto." sabi ni Henry at muli kinuha yung kamay ko at pinagsalikop niya ito sa kamay niya.

"Henry!" tawag ni Joanna sa kanya pero hindi niya ito pinansin.

"Sorry." sabi ni Henry nang makarating na kami sa guest room kung saan ako natutulog.

"O-Okay lang." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Bibili na talaga ako ng condo para sating dalawa lang, or kung gusto mo bibili ako ng panibagong bahay at doon na tayo bubuo ng pamilya." sabi ni Henry.

"Please Henry, wag na. Masyadong abala iyon sayo at okay naman ako dito. Pipilitin kong hindi nalang sila pansinin." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"P-Pero mahihirapan kang makasama yung mga yun." sabi ni Henry.

"Henry, wag mo na akong alalahanin pa. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko.

Iniangat niya ang mukha ko at hinalikan niya ako sa labi ko pero mabilisan lang.

"Masyado ka ng pagod ngayong araw. Magpahinga ka na." sabi ni Henry at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din naman siya pabalik.

Sana nga makayanan kong makisalamuha doon kay Joanna at sa momny ni Henry. Hahanap na talaga ako ng trabaho para makahanap ako ng matutuluyan kahit mag bed space nalang ako or kahit sa maliit na apartment lang muna ako tumira, okay na sakin basta may matutuluyan ako.

Soulmate (WR Book 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt