2: I See His Fear

3 0 0
                                    

“We can’t be together in a same room, Lily,” I make her remember of my sin.

“It was all over na, Noah. Forgive yourself na kasi.”

Hindi ko pa kaya. Masyadong mabigat ang mga salitang binitiwan ko noon kay Shoyo.

You are a weakling.
You can never be like him.
You are just Shoyo Hinata. No accomplishments.

I had said hurtful words to him kaya paano ko malilimutan 'yon? Lalo na at isa ako sa mga nagmaliit sa kanya noong high school? But look at him now, living his dream of being a star athlete.

“Sige na, Noah. I have to go. Hanapin mo na ang klase mo.”

May gusto pa sana akong ipilit pero iniwan na ako ni Lillian. She enters the building at kumaway pa bago nawala sa paningin ko. Again, I was on my feet, sumasabay sa magaan na alon ng mga istudyante sa hallway. Kahit ayoko na mangyari, I spot Shoyo Hinata in the crowd. May ilan na nakapaligid at kumakausap sa kanya. He’s not that popular pero masasabi pa rin talaga na he’s on different standing. Malayo sa payat na volleyball player noon.

Umuusad pa rin ang daloy ng mga istudyante. I keep my distance at inabala ang sarili sa pagtingin sa mga classroom na nadadaanan. Ilang minuto rin na ganoon lang ang ginagawa ko hanggang sa maramdaman ko na may nakatingin sa direksyon ko. Nasa ikalawang palapag na pala at nahuli ko ang mga mata niya.

Tinitigan niya ako na may takot sa mga mata niya. I can’t blame him, though. Ako lang naman ang lumait-lait sa kanya noon. I was probably a nightmare to him back then. Tapos ngayon, magkakasama ulit kami.

Go on, Shoyo. Find another school. Huwag dito sa lugar kung nasaan ako.

“Noah,” he says. Tumango lang ako bago siya iniwan. Nasa tapat na pala kami mismo ng unang subject namin.

I choose the front seat. Ayoko sa likod. Sabi nga nila, only the powerful sits on those chairs at the back.

Nilagpasan ako ni Shoyo. Nagtuloy siya sa likuran. Ilang sandali pa’y dumating ang aming subject professor. He scans his list, pinatayo niya ang dalawang dumagdag sa klase. Nasa magkabilang gilid kami ng propesor, nauna akong magpakilala. I only state necessary information, my name, standing, and my age.

“Ate Noah!” may ilan na sumigaw ng pangalan ko. Napangiti ako. I like being called ‘Ate’. I find out na lima kaming babae na may agwat ang edad sa ilang mga kaklase namin. Nanatili akong nakatayo. Shoyo does not need to say much things about himself. Kilala na kasi siya ng iba at madalas siyang mapanuod sa sports TV.

“Oh! You’re one of our kuyas!” sabi ng isa matapos niyang sabihin ang edad. Mas bata ng dalawang taon sa’kin si Shoyo. He was a sophomore nang una kaming magkakilala.

“I’m happy to be here and to finally meet you guys.”

Uupo na sana ako at alam ko naman na may posibleng tanong pa na ibato sa star athlete pero pinigil ako ng Professor.

“Wait, galing kayo sa same high school?” tumingin siya sa’kin then kay Shoyo.

Bigla akong kinain ng kaba.

Ngumiti lang si Shoyo. Ako, walang makikita sa mukha ko kundi ang pagkabalisa.

“We were. Sir.” nagpasalamat ako sa mga santo at hindi nanginig ang boses ko.

“Magkakilala kayo?” tanong pa ulit.

“Opo.” sabay namin na sinagot.

“Really? Sa nakikita ko parang ayaw niyo na kilalanin ang isa’t-isa.”

May nagsimula ng ingay. Nanunukso. Ngumisi ang Propesor. Peke akong ngumiti sa mga kaklase ko.

“I was his bully. I’d said mean words to him.” sinabi ko na lang para putulin ang umuusbong na speculation.

Tumahimik sila bigla.

Shoyo clears his throat, tumingin pa nga sa akin. Then he says, “it was just a day old act of bullying. Isang araw lang. So, for me hindi iyon counted as bullying.”

Isang beses lang pero alam kong ilang taon niya rin dinala ang bigat sa dibdib niya. Baka nga hanggang ngayon mayroon pa rin.

Tinuldukan na ng Professor ang bahaging iyon ng introduction. Bumalik kami sa kanya-kanyang upuan. Then the class starts. Tahimik lang ako na nakikinig sa discussion. Since kaming dalawa ang huling dumagdag sa klase, nauwi rin kami bilang project partners for the whole academic year.

Bago matapos ang klase, may binigay ang Professor na unang proyekto. It’s a weekend visitation project na dapat i-accomplish as partners.

“Noah,” nakasunod pala si Shoyo. Hinarap ko siya na may pilit na ngiti.

“May kailangan ka?” I try to sound nice. May ilang kaklase kasi na nakatingin sa amin.

Inilabas ni Shoyo ang cellphone niya, “I need your contact number.”

I enter my details sa phone book niya. Nagsalubong bigla ang mga kilay niya. Pinakita pa niya ang ginawang pagbura sa pangalan na ipinasok ko.

“Ate Noah huh?” ngumisi siya. Ayaw niya na tinatawag or ina-addressed ako sa ganoon paraan. Shoyo changed it. Icon ng isang baby then followed by my name.

“Bahala ka nga dyan.” iniwan ko na siya doon at hinanap na ang susunod na subject.




























SUMAPIT ang hapon, hudyat na tapos na ang klase para sa araw na 'yon. Imbis na dumiretso na sa pag-uwi ay dumaan muna ako sa Admin Building upang i-check kung tapos na ang trabaho ni Lillian. Naabutan ko ang kaibigan ko na naka-coffee break sa baba.

“Mamaya pa ako, Noah,” aniya sa stressful na tono.

Naintindihan ko naman kaya tumango lang ako. Saglit pa kami na nag-usap at kung tumagal-tagal pa ako doon ay baka nasabunutan ko na siya. Akala ko ba kasi na ako dapat ang una? Bakit naglihim siya sa’kin na plano rin pala ni Shoyo na magpatuloy sa pag-aaral?

“Patawad na kaibigan,” aniya ulit na nakangisi. “Gusto lang kita biglain.”

Iniwan ko na siya doon at lumabas na. May malalakas na sigaw sa di kalayuan. Sa harapan lang ng Admin Building ay ang open field at dalawang court. Isa para sa basketball at ang isa ay para sa larong volleyball at badminton. Sa kasalukuyan, may ilang lalaking istudyante na masayang naglalaro ng sports ni Shoyo.

Lalapit sana ako para maki-nuod saglit kaso may lumingon sa direksyon ko. Ngumiti siya na akala mo ay may matagal na kaming pinagsamahan. Naroon pala siya at nanunuod din.

Umiling ako, marahas. No way, Shoyo! Tumalikod na lang ako, tinahak ang daan patungo sa main gate at kaagad na pumara ng jeep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Dance on Sunset Where stories live. Discover now