1: I See A Kiss

3 0 0
                                    

Renoaeh Aguilar
[ pronounced as 'Reney' ]



I need a drink! Halos magwala ako sa isipan ko habang nakatitig sa nahulog na samsung tab. Isang music video ang patuloy na tumatakbo roon. Nang may mahagilap ang aking kamay ay kaagad kong nilunod ang sarili sa magkaka-sunod na paglagok. Gumuhit ang pait sa aking lalamunan kung kaya’t mariin akong napamura. Lumingon ako sa direksyon ng silid ni Lillian, matalik na kaibigan simula pa noong high school.

Ang babaeng ‘yon! Bakit red horse ang laman ng aquaflask niya?!

“Lily!” halos magiba ata ang pinto ng kwarto niya dahil sa lakas nang pagkakabukas niya. May bula pa ang buhok niya at hindi maayos ang pagkaka-ikot ng tuwalya sa basa niyang katawan. “Lintik ka! Bakit red horse ang laman—”

“Noah!” ang lakas ng sigaw niya. Lalo lang kumabog ang dibdib ko. Dinambahan ako ni Lillian, niyugyog at napatingin din sa nakabulagtang tablet sa sahig.

“I–I didn’t know! I promise!” nagsimula siyang magpaliwanag. Iyong mga mata niya, nakikisimpatya sa sakit na pilit kong itinatago. I feel jealous of what I have witnessed doon sa music video. It’s him. The boy I used to like noong high school. Today, I feel differently towards him. Hindi na lang basta crush iyon. Alam ko sa sarili ko pero never kong aaminin kay Lillian.

“Wala siyang nabanggit about dito!” bulalas pa niya. She feels betrayed. Ramdam ko. They’re cousins, wala dapat sekreto sa isa’t-isa since sobrang close nilang dalawa ng lalaking ‘yon.

“Bakit ka ba nagpapaliwanag?” I pretend not to look affected kahit pa nga paulit-ulit kong nakikita sa isipan ko ang pagdulas ng dila niya sa pagitan ng mga labi ng fashion model na kasama niya sa music video.

I pick up the gadget from the floor. Pinagpagan iyon at sinipat kung may gasgas. Kakabili ko pa lamang dito pero dumanas na kaagad ng trahedya. The four minute video ended up with them still kissing. Nagpigil ako na maibato iyon. Bakit ba selos na selos ako? Hindi ako dapat makaramdam 'non.

“Kaibigan mo ako kaya dapat magpaliwanag ako, Noah! I promise na you’ll always be the first in his fandom na makaka-radar ng mga upcoming projects niya!”

“But Shoyo has kept this as a secret to you. Alam niya kasi na tututol ka, e. Feeling mo kasi ikaw ang Talent Manager niya.” I tease her. On some days, lagi ko talaga sinisisi sarili ko kung bakit naging biglang hands on si Lillian sa buhay ng pinsan niya. If only she hasn’t learnt about my feelings, hindi siya magiging asungot sa career ni Shoyo.

This always feels like stalking pero ika nga niya, privileged lang talaga ako at kaibigan ko siya.

Hinila ako ni Lillian papunta sa kwarto niya. Naupo ako sa kama at pinanuod siya na pumasok sa banyo. Hindi siya nagsara ng pinto. Narinig ko na lang na nagpatuloy siya sa naudlot na pagligo.

“I approve of him being an endorser sa kung ano na mga products sa market pero hindi ang pagiging MV actor, Noah. Trust me, the entertainment industry will ruin his career. Mas maayos siya sa sports na napili niya. He’s striving there. I know my cousin. Hindi iyon basta-basta pipirma sa isang deal.”

Pinagdikit ko ang mga kamay ko. Napa-isip nang malalim. Totoo nga naman, star athlete si Shoyo. Kaliwa’t kanan ang mga endorsements. And he’s not the type na mapapa-arte mo sa harapan ng camera, lalo na at ganoon ang eksena.

Again, I feel jealous. Napalingon ako sa full-length mirror. Namumula ang mukha ko. I never imagined he could kiss like that.

“Oh gosh, Renoaeh!” Lillian steps out, bihis na bihis na. “You are blushing!”

Napahawak ako sa mukha, nagtago sa aking mga palad at impit ang ginawang pagsigaw. Nakakahiya!

I remember his tongue and how it slips between that woman’s lips.

Shoyo Hinata is now a man!












Life is not complete without struggles. Napatunayan ko na iyon, matagal na. Lagi akong sinusubok. Sa hindi na nga mabilang na mga pagkakataon, nagtataka ako kung paano ko pa nakakayanan ang tumayo at magpatuloy. Kapag naroon na ako sa punto na gusto ko na lang tumigil, bigla siyang susulpot. Biglang may paalala kung bakit dapat pang magpatuloy.

Just a glance of his face, mapa-larawan o malayuang distanya man, is enough to push me, his existence is empowering.

“Ayaw mo na ba ako maging kaibigan ha?” nagtatampo ang tinig ni Lillian nang huminto ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. I ask her na ibaba ako malapit sa pedestrian. Hindi na ako sasabay pa pagpasok ng University. She has provided much help for me. Sobrang sobra na nga itong pagpapa-sakay niya saakin sa sasakyan niya.

“Bahala ka nga, Lily. Iisang bahay naman inuuwian natin.” tumatawa akong bumaba mula sa sasakyan. First day ko as a college freshman ngayon. It might be late for my age to pursue a degree pero sabi nga ni tiyo, wala naman problema doon.

Lillian works in the Admin. She’s also works as a financial consultant sa isang Insurance Company. Double career talaga ang pinasok ng babaeng 'yon.

Sinenyasan ko na siya na dumirecho na sa University. I will walk my way there. Kailangan ko maging familiar sa daan at ibang pasikot-sikot pa. Sumabay ako sa daloy ng mga istudyante. Tatlong araw pa lang naman simula nang mag-umpisa ang klase. I still have time to catch up. Naka-acquired na rin naman ako ng ilang copies ng mga topics sa ilang minor subjects. Ilan na lang ang hahabulin at aaralin ko.

Habang nasa daan, my phone beeps. Dinukot ko iyon mula sa back pocket ng suot kong denim. May notifications mula sa group page ng fan club ni Shoyo. As of writing, hundred thousands na ang members doon. Kalahati lang ang active sa fan meetings at live game ng team na kinabibilangan ng star player. It has only been two hours simula nang lumabas ang MV ng isang rookie pop rock band. Nagkalat sa page ang screen captures ng eksena kung saan may kahalikan si Shoyo.

I must admit, he performed well.

Sa nakikita ko naman ay puro papuri ang nakukuha niya. Sigurado akong magiging masaya si Shoyo kapag nabasa niya ang mga feedbacks.

Another notification pops out, from one of the six administrators ng group named as Leandro. Kilala ko ang tao sa likod niyon, it’s Lillian.

I was shocked to see what it’s about,

Welcome to Madrid State University, Shoyo Hinata!

The announcement has his photo at ang blurred shot ng kopya ng admission niya sa Unibersidad.

Huminto ako sa paglalakad at hindi makapaniwala sa text message na nabasa ko.

Si Lillian ulit. Puno ng emojis ang unang bahagi bago sumunod ang, kaklase mo siya sa tatlong minor subjects including physical education.

Nanlambot ako sa nabasa. Kung sa iba lang bumungad ang ganitong balita, they’d be happy.

Hindi ako makaramdam ng saya. Kaba ang pumupuno sa dibdib ko ngayon.

Even Shoyo would not be happy to be in the same room with his former bully.






A Dance on Sunset Where stories live. Discover now