20.

2.3K 138 18
                                    

NARDA's POV.

Dahan dahan akong kumatok sa pintuan ng opisina niya. Tapos na rin kasi yung shift ko kaya napagisipan ko na dumiretso muna sa opisina niya. Nagpaalam naman ako kay Brian na hindi na ako sasabay sakanya. Sabi ko sakanya magoovertime ako pero eme lang 'yun.

Knowing Regina, hindi niya ito kaagad binuksan. Ano 'yon ? Maglulupasay pa ako sa harapan ng opisina niya ?

Maglilimang minuto na akong nakatayo sa labas kaya napagdesisyunan ko na pumasok nalang sa loob.

" Regina. " mahinang tawag ko sakanya. Nakita kong nakaupo siya sa chair niya tapos busy yung mga mata niya sa computer niya. Hindi niya ako pinansin. Sinungitan lang niya ako.

" Regina Vanguardia. " Medjo tinaas ko na yung boses ko para makuha yung atensyon niya. Padabog naman siyang tumingin sakin tapos nakakunot nanaman yung mga noo niya. Sumandal siya sa upuan niya tapos naghalukipkip siya.

Pinaglihi ba 'to sa sama ng loob ??

I slowly walked up to her tapos tumayo lang ako sa tabi niya. Nagiisip kasi ako kung ano sasabihin ko.

" What? " tanong niya sa akin. Biglang tumaas yung balahibo ko dahil sa tono ng boses niya.

" Hindi ka talaga galit ? " pagtatanong ko ulit. Mas lumalalim pa yung pagkakunot ng noo niya.

" I don't like it when you look at him like that. " Him? Si Brian ba tinutukoy niya? Ang babaw naman ng reason niya para magalit, huhu! Napakaselosa din niya! Kaya ko lang naman nginitian si Brian kasi nga nagpasalamat ako at dinala niya yung lunchbox ko.

" Okay.. sa susunod, pag kausap ko siya magaapoy na yung mata ko. Yung parang sayo! Pag tinitignan mo ako, may namumuong apoy sa mga mata mo. " pangaasar ko sakanya. Nagsquat ako sa harap niya at ngumiti habang kinukuha ko yung dalawang kamay niya para haplusin ito.

Tinarayan niya lang ako at lumawak pa lalo yung ngiti ko dahil sa reaksyon niya,

" Ayan oh! Ganyan ko siya titignan. "

" You are such a child, Narda. Baby ka ba ? " sabi nito sabay irap sa akin.

" Baby talaga ako. Future baby mo— este, baby face kasi ako. " Gaga ka Narda, ayan nanaman ang pasmado mong bibig.

" Narda! " She was flustered with what I said. Napansin ko na tumataas yung corner ng labi niya pero pinipigilan niyang ngumiti.

" B-Biro lang naman e! "

" Oh, so you don't want to be my future baby ? " Biglang nagiba yung expression niya pati yung tono ng pananalita niya. Kung kanina, panicked siya ngayon naman seryoso nanaman siya.

Hays. Kakaiba talaga tong Vanguardia na 'to.

Nagulat ako sa biglaang tanong niya sa akin, " H-ha ? A-ano sabi mo ? " nauutal kong tanong.

Wala pa kaming label. Hindi naman masakit. Slight lang. Gusto ko sana itanong sakanya pero naghahanap lang ako ng tamang oras. Siguro okay na itanong ko sakanya yun ngayon ?

" I mean.. gusto pero Regina.. " Hindi ko alam kung itutuloy ko ba or what. We both became silent and the only thing I could hear was my own heartbeat. Parang nakikipagkarera ito sa sobrang bilis ng pag tibok.

" Ano ba tayo ? We kissed. Three times na. Aksidente yung panguna pero kiss parin 'yon ! " I dropped the question.

" What do you want us to be ? I mean, we can take things slowly. We don't need to jump into anything right now. "

" Ay so ano tayo, kiss buddies muna ganon ? "

Naging speechless siya. She looks so done with me. Ang cute niya talaga.

" You know what, whatever. I haven't even sorted out my feelings.. yet. " Hindi naman masakit. So ano? 50/50 yung pagkagusto niya sa akin?

" Makakatulong ba 'to sa pagiisip mo ? "

Tumayo na ako mula sa pagka-squat ko. Inilapit ko yung mukha ko sa mukha niya tapos I pressed my forehead on hers before leaving a soft kiss on her lips.

I wanted to kiss her some more pero I couldn't since biglang bumukas yung pinto. Pagkatalikod ko, nakatayo doon si Ali.

Yung ngiti niya sa amin ay kakaiba. Para bang may alam siya. Pakunwari pa itong umubo, " Did I interrupt something ba ? " he asked, in a teasing tone.

Umiling naman si Regina tapos inayos ko yung sarili ko. " You came right in time, Ali. "

Ano kaya plinaplano nito ?

" Narda, kami na maghahatid sayo. It's pretty late and it's dangerous kapag nagcommute ka pa. "

Wala naman akong choice kung hindi um-oo. Tama naman kasi siya. Delikado talaga pag gabi na.

Inihatid na ako nila Regina sa amin. Papapasukin ko sana siya pero next time nalang daw since may aasikasuhin pa siya. Bago siya umalis, hinila niya yung kwelyo ng shirt ko.

She then kissed my cheek and waved goodbye, " Sleep well, Narda. "

Pumasok ako sa loob ng bahay namin na nakangiti. Yung ngiting tagumpay ganon.

" Ate, ano 'yang nasa pisnge mo ? " tanong sa akin ni Ding habang nakatutok yung daliri niya sa mukha ko.

Ha? Ano daw ? Tumingin ako sa salamin namin at biglang namula nang makita ko yung marka ng lipstick ni Regina.

" W-wala! Sticker lang 'yan! " Kumaripas ako ng takbo dahil nahihiya ako at pumasok na ako loob ng kwarto ko. I shut the door behind me tapos humiga ako sa kama to scream into my pillow.

Regina Vanguardia, you are driving me crazy!

HI LOVESS!! hope you guys enjoyed this chap kahit medj messy <333 mwamwa 🫶 happy reading mga vadengg!!

BOSSITA. [ DARLENTINA ]Where stories live. Discover now