18.

2.1K 159 41
                                    

NARDA's POV.
( a bit of a long chap !! )

Magiisang linggo na akong hindi pinapansin ni Ma'am Regina. Isang linggo na din akong ginagambala ni Noah. Buti nalang papaalis na siya at babalik na siya ng Boracay.

Anyways, biruin mo 'yon? Nakayanan niya akong hindi pansinin ng ganon katagal. Hanggang magisang buwan ata ako dito ay hindi parin siguro ako papansin ng maldita na 'to.

Naalala ko tuloy yung nang-ghost sa akin sa Tinder nung isang taon. 'Wag niyo na itanong kung bakit ako andon. Desperada na kasi ako kaya naisipan kong tumambay  sa app na 'yon.

Anyways, nanghingi nalang ako ng advice kay Brian bago ako pumasok sa trabaho.

" Ayaw ako pansinin ni Ma'am Regina. Wala naman akong ginawang masama sakanya. " pagmumukmok ko.

" Ganyan talaga yang si Ma'am Regina! Hayaan mo na, papansinin ka ren niyan... papansin ka naman eh. " Binatukan ko siya atsaka nagwalk-out ako para pumunta sa office ko. Tse! Wala talagang matinong lumalabas sa bunganga neto.

Hindi ko alam bakit masyado akong affected sa ginagawa ni Ma'am Regina sa akin. Hindi ko rin alam bakit ba gustong gusto ko na pansinin niya ako.

Baka papansin talaga ako ? This silent treatment she's giving is killing me so I am gonna confront her later. Pero una, kukuha muna ako ng courage at kakapalan ko muna yung mukha ko.

Hirap kaya kausapin ni Bossita. Pag nakita niya ako, automatic na mainit na agad ulo niya. Ang hot ko siguro kaya umiinit ulo niya sa akin. Joke !

Nagtrabaho muna ako tapos mamayang uwian, doon ko na siya kakausapin o kaya mamaya pag nagkafree time ako. Bahala na !

Payapa lang akong nagtytype ng kung ano ano sa laptop ko nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

" Pasok po! " hiyaw ko naman. Binuksan neto yung pintuan at pagka-angat ko ng ulo ko, nakita ko nanaman siya.

Si Noah. Ano nanaman kaya gagawin niya dito ?

" Hey, before I go back sa Boracay. I just wanna drop this. It's for you. " sabi nito matapos ilagay ang isang maliit na box sa taas ng table ko. Nagpaalam na siya and then he left. I waved goodbye pero parang hindi naman niya napansin.

Binuksan ko yung loob tapos may nakita akong bracelet. Tinignan ko ito. Rose gold siya tapos may parang charm na rose, ewan ko. Maganda naman pero hindi kasi ako mahilig magsuot ng jewelry kaya inilagay ko muna sa gilid.

Sa wakas, nagparamdam na din si Bossita sa akin. Nagkasalubong ata sila ni Noah dahil pagpasok niya sa loob ng opisina ko, nakakunot nanaman yung noo niya at parang bad trip pa siya.

" Scan these for me, Custodio. " Biglang lumamig yung kwarto dahil sa tono ng pananalita niya. Ang cold. Mukhang may sasabihin pa siya pero dumapo yung mata niya sa bracelet na nakapatong sa taas ng table ko. Napataas yung kilay niya and then she scoffed.

Without saying anything at all, lumabas na siya ng office ko.

What the fuck ?

Mamaya ka talaga sakin, Ma'am Vanguardia.

Atat na atat na akong matapos yung shift ko. 2 PM palang kasi kaya medjo matagal pa yung hihintayin ko.

Para magpass ng time, naisipan ko nalang na guluhin sila Mara. Bumaba ako sa floor kung saan sila nagtratrabaho.

Nakita ko na masaya silang nagkwekwentuhan at dahil bored nga ako, nakisali naman ako.

BOSSITA. [ DARLENTINA ]Where stories live. Discover now