“There is an email for you. You will receive your paycheck. We’re very sorry…” hindi ko na naintindihan iyon.

Nanlalambot akong napaupo. I love my job! Nandoon ang buhay ko. Sa pagbe-bake.

Hinawakan ni Tross ang kamay ko. Naiiyak akong tumingin sa akin. Kinabig niya ako para yakapin.

“Don’t worry. You can start your own café. In that way you won’t be so tired. You own your time…” pag-aamo niya sa akin.

“Nakapagtimpla na ako ng kape, hindi pa rin kayo naaalis sa lingkisan niyo. Mga ahas na ‘to…”

Lance’s remarks made me laugh a bit. Buong maghapon ay malungkot ako. Salamat na lang at walang pasok si Tross kung hindi ay magiging sobrang boring sa bahay.

Inaya niya akong mag-swimming at mag-jetski. We had alone time. Parang pinaghandaan niya pa nga yata ‘to. Miski nang sumapit ang gabi, Zath and Zohan is here. Nagising ako mula sa pagkakatulog at nakita silang nag-aayos ng bonfire at kung ano-ano sa tabing dagat.

Nang sumapit ang dilim, inaya ako ni Tross na mamili ng maiinom na wine kahit na ang dami niya namang imbak sa bahay. Nagtagal kami ng halos dalawang oras doon. Alas nueve na kaming nakauwi. I keep on telling him na gutom na iyong tatlo.

“What’s with this wine again? Ang mahal na tapos dalawang oras pa nating hinanap,” reklamo ko.

He chuckled at that. When I look at him, the smile on his face didn’t vanish. His hand look for mine. Pinanood ko siya na pinagsalikop ang kamay namin.

“The answer is when we get home…” aniya.

Napangiti naman ako at napailing na lang. I wonder what is it? A new set of clothes? Kaya siya malambing para ‘di ako magalit because of that... or what?

“I’ll take that,” aniya, tinutukoy ang hawak kong wine.

Ibinigay ko ‘yon sa kaniya. He took my hand and we both went inside. Sa bawat paghakbang namin ay nagiging malamlam ang mga ilaw.

“What’s happening with our lights?” pagtatanong ko.

Hindi niya ako binigyan ng sagot. Pinanood ko na lang ang pagpapatay ng mga ilaw. Hindi kami huminto, tila ang patutunguhan ay sa tabing dagat.

Walang kailaw-ilaw ang paligid sa tabi ng dagat. Wala ang bonfire nila Lance at ng magkapatid. Walang makita. Luminga-linga ako. Tross’s took both of my hand and brought it to his lips. Hinanap ng mata ko ang wine na hawak niya kanina. Wala na iyon.

“Nasaan iyong…” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapansing nakapikit siya, nakahalik pa rin sa kamay ko.

“Tross…” 

Nagmulat siya ng mata at ngumiti sa akin.

“I’m sorry for wasting your time earlier. I wanted to do this so bad without you noticing it…”

Umihip ang malamig na hangin. Binitawan niya ang kamay ko at hinubad ang suot niyang coat at pumunta sa likuran ko para ipatong sa akin. Akala ko ay tapos na. Pero nang maramdaman ang malamig na bagay sa leeg ko ay niyuko ko ‘yon. A diamond necklace!

Sinubukan kong humarap sa kaniya pero niyakap niya ako mula sa likuran. We are now facing the sea. Hinalikan niya ang pisngi ko bago bumulong…

“Happy fifth anniversary, wife…”

Umawang ang labi ko. Nakalimutan ko!

Isa-isang sumindi ang ilaw sa buhanginan at ang mga posteng hindi kita kanina dahil sa dilim. Parang arko iyon at kada dalawang dipa ay panibagong poste. Nagdire-diretso ang pagsindi noon at sa dulo ay may sabay-sabay na pumusit na ilaw, nagliyab ang bonfire at lumipad sa taas ang mga maliliit na ilaw na tila alitaptap.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesWhere stories live. Discover now