Dahil marahan din naman kaming naglalakad ni Tross, bumabati sa ibang naroon, mabilis na nakalapit sa amin si Crowell. Mabilis niya akong niyakap na ikinabigla ko noong una pero pagkuway tinanggap ang yakap niya.

Mahigpit iyon, parang nagsusumbong.

"I really hate everything, Hollis. Dad, Mom, that girl, the situation..." hirap na hirap niyang sambit.

Tross didn't leave my side pero pinakawalan niya ang baywang ko. Mga ilang sandali pang hindi bumibitaw si Crowell sa yakap ay nakatawag na iyon ng pansin. Dahil nakayuko siya para maabot ang height ko, kita ko ang grupo nila Crosson at Carden na nakatingin na rin sa gawi namin. They exchange signs with Tross, at nang tuluyan ngang bumitaw sa yakap si Crowell, inaya niya kami sa lugar na 'yon.

"I want to talk to her, Tross. Can I?" Crowell never called Tross 'Kuya'.

Tross looks at me, ang mga mata ay nagtatanong. Tumango ako.

"Mag-uusap muna kami..." paalam ko.

Iginiya ako ni Crowell palabas muli. Sa garden yata sa harap niya gusto kaming mag-usap. Hinatid muna ako ng tingin ni Tross at saka siguro nagtungo kela Crosson nang makaalis na kami.

Nang mapag-isa, sinimulan ko ang usap.

"Hindi mo ba talaga kayang bigyan ng pagkakataon ang kakambal mo?" malamyos at marahan ang paraan ng pagtatanong ko.

Umismid siya at sabay tingin sa akin. Huminto siya at pinakatitigan ako bago dahan-dahang umiling.

"Don't you feel it, Hollis?" tunog asang-asa si Crowell sa magiging sagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang kaniyang pinatutukuyan. Hindi ko siya gustong biguin kahit na ang mga mata niyang tinititigan ko ay puno ng pag-asa. Ngunit 'di ko rin kayang magsinungaling sa kapatid kong halos karugtong na rin ng buhay ko.

Matipid ang naging pag-iling ko. Bumagsak ang mga balikat niya at saka bumuntong-hininga.

"I have a bad feeling with that girl, Kelly.  She is comfortable using my twin's given name. Hindi man lang nailang. It feels like handang-handa siya sa lahat which is I find suspicious. Hindi ko rin maramdaman ang pagkasabik sa kaniya bilang kapatid at..." umiwas siya ng tingin at humarap sa madilim na langit.

"Hindi lang ako ang ganito..." Sandali siyang natahimik bago nagpatuloy.

"Miski sila Kuya... na sabik na sabik sa kaniya ay walang naramdaman." Bumuntong-hininga siya at ginulo ang buhok. 

"At first I thought they are okay. They hugged the girl the moment Dad introduce her. They're all smiled and that but you know..."

Umusbong ang pagtataka sa akin. I understand if Crowell is like this because I thought that he is just denying his feelings for his twin. Kaya lang... ang marinig na miski si Crosson at Carden na hindi lingit sa kaalaman ko ang pagkasabik sa bunsong kapatid ay hindi nasasabik sa natagpuang babae ng kanilang ama, hindi ba at sobrang nakapagtataka?

Bumalik ang tingin sa akin ni Crowell.

"They didn't tell Mom and Dad unlike me, but I did hear them talk about that," pagbibigay alam niya sa akin.

Humugot ako ng hangin para kahit papaano ay makalma din ang sarili sa mga narinig. Pagkatapos noon ay binigyan ko pa rin siya ng magandang payo.

"Baka naman dahil sa tagal lang ng panahon, Crow. I think your brother's will do their best to give C-ciara a chance. Dapat... ikaw rin."

Ciara Serene... Tita Selena's chosen name to her daughter whom she always tells me everytime we're together. 

Umihip ang malamig na hangin. Inayos ko ang coat ni Tross na nasa akin pa rin. Pabalik kami ni Crowell kung saan ginaganap ang nasimulan ng kasiyahan.

Nang marinig ko ang boses ng emcee, yinakag ko na si Crowell pabalik. Batid ko na hindi niya gusto ang ginawa ko pero ayokong pagsisihan niya ang mga ginagawa niya. Kakambal niya 'yon at sakali man na hindi sila magkapalagayan ng loob sa paglipas ng panahon, hindi ba at hindi maganda tignan iyon?

I am already married. Ako ang kaedad niya at wala na sa bahay. Kailangan niyang tanggapin ang kakambal niya sa buhay niya para naman hindi siya maiwang mag-isa. I did him wrong when I agree to this marriage. This is the only thing I can do to make up with  leaving him alone.

Tross immediately spotted us. Tumayo siya at nagpaalam sa mga kaibigan, sa grupo nila Crosson. Muli, bumaling ang mga 'yon sa amin. The difference is, naroon na rin pala ang mga pinsan niya at ilang pinsan nila Crowell both mother and father side.

The emcee continues speaking and I already saw Tita Selena and Crisosmo sa tabi ng mini stage, waiting for their long lost daughter to reveal herself to the crowd.

Tross managed to come near me and asked if I am okay. Hindi ko na nga lang nasagot 'yon dahil natutok na lang sa harapan.

"As we all know, the lost Princess of De Guia's has been found! Please, welcome..." The emcee laughed for a bit before breaking the his silence.

"Welcome back, Miss Ciara Serene De Guia..."

A round of applause filled the air as a girl of my age, wearing a light pink trumpet shape gown, walk elegantly until she reached her parent's side. Kumikinang ang mga 'yon sa pagtama sa kaniya ng mga ilaw. Her straightened hair is styled in a high ponytail, giving her a soft look, which is a contrary to her aura and face features.

I felt Tross's arm hugged my waist and pulls me gently to lean on him. Crowell stayed still beside me. Lahat ng mga mata ng mga bisita ay nasa harapan kung saan inalalayan ni Crisosmo at Tita Selena ang dalagang may matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Thank you..." the woman's soft voice made the emcee smiled and blushed.

"What a gorgeous lady in the making..." the emcee complimented her.

The girl, Ciara stood beside Crisosmo while Tita Selena chooses to stay beside her husband instead of standing on the other side of her long lost daughter. There is a small forced smile plastered on her lips that made it look like she's uncomfortable. That made me asked why?

"Thank you, Daddy..." Ciara laughed politely. "You never gave up until you find me..."

She leaned on Crisosmo's shoulder. Crisosmo look pleased on the other hand. 

"And to Mommy and my brothers who didn't lost hope and continuously wait for me until I came back... Well, I am home now..." she said that made the crowd's applause again.

Tita Selena didn't even look at her daughter. She scanned the crowd and her eyes stops at our side. At first, I thought she is looking at Crowell beside me, but when she smiled and mouthed 'you came', I realized that she is looking and pertaining to me.

Crowell turned to look at me. Maybe he's making sure who his mother is looking to. Tita Selena didn't tear her eyes off of me at medyo nailang na rin ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi sinasadyang dumako iyon sa grupo nila Crosson at Carden. Nahigit ko ang hininga ko nang mapansing lahat sila roon, including his friends and Tross's cousins... sa akin nakatingin.

Bakit?

Del Rico Triplets #1: Bound By Dutiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن