Chapter 20: Home Visit

Start from the beginning
                                    

"Ay hindi po! HAHAHA. Magkaibigan po kami ni Pao, matagal na."

"Ahh. Kung ganun pala, ikaw si Darlene. Nakukwento ka na rin niya sa akin."

Kaibigan na magiging magka-ibigan, to be precise.

"Kung ganun pala, ito namang makisig na binatang 'to ang nobyo mo. Pasensiya na, kay gwapo mo namang binata, iho..." Aniya at nasa akin na ang atensyon. I gulped because of what he stated. Elderlies are elderlies.

Bigla kong naramdaman ang bahagyang pagsiko sa'kin ni Darlene. I look at her and she's eyeing me, telling me to give a response.

"Pasensiya na po at dumalaw kami ng walang pasabi." I said at nagmano na rin. 

"Pagpalain ka. Naku ayos lang, mabuti nga't may dumadalaw sa anak ko." Ang sabi niya at nilingon si Paolo na abala pa rin sa paglilinis sa babuyan.

"At hindi ko ho nobya ang babaeng 'to. Ano... M-magkakaibigan po kaming tatlo." A short but a big word.

Natawa na ng tuluyan ang dad ni Paolo. It seems like he has a joke inside his head that I can't get at all.

"Nagbibiro lang ako iho. Kung gayun, salamat sa pagpapatuloy kay Paolo sa apartment mo. Nataon talagang nagkasakit pa ako kaya't nagipit ng kaunti. Pasensiya na..." At ngumiti sa akin. I guess I know now kung saan si Paolo nagmana.

"Maliit na bagay lang 'ho iyun. Mabuti po at nakatulong ako kahit papaano." Even though he just insisted what he wanted to do, but I really don't mind.

"Malaking bagay na iyun sa akin, kaya maraming salamat sa tulong mo. Maraming nakwento ang anak ko pagkauwi niya tungkol sa inyo." 

In my peripheral view, I noticed Darlene staring at me with a smile on her face. 

"What?" I mouthed but she just stuck her tongue out.

"Kung magkataong lisanin ko ang mundo ng maaga, kahit papaano ay mapapanatag ako dahil may maiiwanan ako sa kaniyang mga totoong kaibigan..." Mahinang sambit niya na ikinabahala ko.

In that say, wala rin naman akong pinagkaiba. Pareho kami ng sitwasyon na kung lalala ang lagay ay maaaring mamaalam na, but him, leaving a son alone in life doesn't seem right.

"Gabi! Tara dito!" Tawag ni Darlene na nakapagpaputol sa pag-iisip ko.

"Pa, pumasok ka na po sa bahay. Kapag nabinat yang katawan mo, naku naman po..." Aniya at pilit na inaagaw ang lagayan ng pagkain ng mga manok. Lumapit na ako sa kanila para tumulong. 

"Pasok na ho kayo. Ako na pong magpapakain sa mga manok niyo." I offer so he can rest.

"Ayos lang ba sa'yo? Kung gayun wala akong magagawa. O siya, gusto niyo ba magkape? Maghahanda ako sa loob." Sabay abot niya ng lagayan ng mais sa akin.

"Pa naman, magpahinga na kayo." Pero natawa lang ang dad ni Paolo at mabagal na naglakad pabalik sa ancestral house. I started feeding the chicken that started to crowd in front of me.

"Tigas talaga ng ulo. Mga matatanda talaga hindi makatiis na walang ginagawa..." Halos pasukong pagkakasabi ni Paolo. 

"Mas mabuti ng gumagalaw kaysa naman nakaratay sa kama. Sa ganoong paraan baka ayaw niyang maramdaman ang panghihina..." 

"Pero sa katawan pa rin ang balik non..." Halata ang sobrang pag-aalala niya.

"Isipin mo na lang na may kakambal na manok si Darlene." Sabay turo ko sa maliit na inahing manok na pinapakain ko. Kaagad na humalakhak si Paolo ng makita ang tinutukoy ko.

"Chinese chicken yan. Huwag niyo lang galawin sisiw niyan, matapang 'yan." Paalala niya bago pumunta sa mga alaga nilang itik.

I just silently watched the chickens finishing eating what I gave to them. If I can paint again, I'll be rooting to paint this place, just a momento of my visit here.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now