32

20K 431 7
                                    


It doesn't matter where you go in life. It's who you have beside you.

* * * * * * *

Marco


"ANONG ibig sabihin nito, Marco?!"

Kampante lang akong nakaupo sa sofa habang nililintanyahan ako ni mommy. They just caught me and Cassie making out here in our living room.

"What's the problem, mom? Bahay ko naman to, I'll do whatever what I want to do." kibit balikat ko lang na sagot. Hindi ko pa rin naisusuot ang tshirt ko kaya lukot ang mukha ng mommy kong nakatingin kay daddy.

Mas inaalala ko lang ngayon ay si Cassie. Halos ipasok na niya sa blouse niya yung mukha niya habang papaalis kanina at idinahilang hahanapin si Jazsmine.

"Nagkabalikan na pala kayo ni Cassiedy, bakit hindi mo man lang nabanggit ito sa amin hijo?" malalim na tanong ni daddy.

"Dad, matanda na ako, hindi ko na kailangan na i-konsulta pa ang lahat ng desisyon ko sa buhay sa inyo." nakakainis, my body still in heat at wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang palayasin ang mga magulang ko at ipagpatuloy ang naudlot na ginagawa namin ni Cassie. This time, in our room.

"Kahit na ba, Marco! At sino iyong batang babae sa may garden?" bigla ang pagtigil ni mommy sa kakaputak, "That little girl reminds me of someone." Nahulog sa malalim na pagiisip si mommy.

"Kaya ba hindi ka na namin mahagilap, anak? Eto ba ang pinagkakaabalahan mo?" nilingon ko si daddy. Parang hindi naging maganda sa pandinig ko ang tunuran niya.

"Dad, hindi sa ganon yon." Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat-lahat. Ang tungkol sa amin ni Cassie at si Jazsmine. But knowing my parents, hindi iyan makatiis na hindi makielam, better to shut my mouth hanggang sa dumating ang kasal namin ni Cassie.

"Yung bata? Anak ba yon ni Cassiedy?" Napapikit ako ng mariin. Shit. Maagap talaga ang ama ko, parang hindi ko na yata maitatago.

"Yes, Dad," pagsasabi ko ng totoo.

"You are a decent man, anak. I know how much Cassiedy mean to you, pero kung may anak na siya the-"

"Stop there dad, I don't want to hear it." naging matalim ang boses ko. Naiirita ako at hindi ko maipaliwanag ang galit sa dibdib ko.

Ganito ang tingin ng lahat kay Cassie. Damn it. Hindi ko kayang tiising ganito pala niyang hinarap ang mga pangungutya ng tao sa maraming taon. At wala ako ni isa sa mga laban niyang iyon.

"Oh, my God, again!" sabay pa kaming napatingin kay mommy ng bigla na naman itong napasigaw. Tumingin ito sa amin habang may hawak na picture frame. "That child, Marcus, that pretty little girl. She looks...she looks like-"

"Me. She looked like me." agad kong sinalo ang sasabihin pa ni mommy. Napahugot ako ng hininga ng makita ko ang panlalaki nila ng mata sa akin saka kusang tumaas ang dulo ng labi ko.

"Yes, I have a daughter with Cassie and her name is Jazsmine,"

Naging tahimik at seryoso si daddy, sa tabi naman nito tahimik lang na humihikbi si mommy. I blew a bomb, of course what would I expect from them?

"Apat na taon, Jed Marco! Natiis mo ang mag ina mo?" Puno ng pang uuyam na sabi ng mommy ko. At some instances gusto kong matawa dahil kanina lang, ang dumi-dumi ng tingin niya kay Cassie but now, hearing this words from him nakaka gago lang.

Medical Batchelor Series 3: A Love to Last Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon