Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced

Beginne am Anfang
                                    

"Son, I already arranged the private jet for your honeymoon. You don't need to worry about our company because I already arranged my schedule so I can take care of it while you are away," saad ni William.

"Thanks, dad," saad ni Evo.

"P-pasensya na kayo, wala kaming dalang regalo," nahihiyang saad ni Darius.

"Hindi niyo kailangang magdala ng regalo," magalang na saad ni Evo, "your blessing for our wedding is the best gift for both of us," pagpapatuloy ni Evo habang hinawakan ang kamay ni Tamara at mahinahong hinila ito palapit sa kanyang dibdib.

Bahagyang napangiwi naman si Tamara nang maramdaman ang malakas na pagpisil ni Evo sa kanyang kamay na para bang binabalaan siyang huwag gumawa ng kalokohan.

"It's getting late," sabat ni Eva saka unang nagpaalam.

Sunod-sunod namang nagpaalam ang ibang panauhin. Bilang pagpapakita ng paggalang, sinamahan ni Evo ang mga ito palabas ng mansyon.

"Habaan mo ang pasensya sa anak namin," bilin ni Tina bago pumasok sa kanilang sasakyan, "minsan immature at nagrerebelde si Tamara."

"Don't worry about it," ngiting saad ni Evo saka dinagdag ang, "I love everything about her."

Bahagyang niyakap ni Tina si Evo habang tinapik naman siya sa balikat ni Darius.

"Take care of her, son," saad ni William habang niyakap si Evo.

Tango lang ang isinagot ni Evo saka ibinaling ang atensyon kay Ellena na naghihintay na yakapin siya.

"I am so happy for you, Evo," bulong ni Ellena sa apo.

Hindi na nagsalita si Eva bagkus ay niyakap si Evo saka pumasok sa sariling sasakyan.

Napangiti't napailing na lang si Evo habang pinanood ang pag-alis ng mga sasakyan ng kanyang mga panauhin. Natutuwa siya dahil lahat ay napaniwala niyang totoong mahal niya si Tamara. Nakapamulsa siyang pumihit saka naglakad papasok sa mansyon.

"Now, going back to our business," saad ni Evo nang marating niya ang harden kung saan naiwan si Tamara, ngunit napahinto siya nang marinig ang sagot ni Tamara.

"Fhine! Lez gow to our business" lasing na tumayo si Tamara at nilapitan si Evo ngunit dahil sa sobrang kalasingan nito ay nawalan ito ng balanse kaya mabilis na hinawakan ang kanyang magkabilang braso.

Nilingon ni Evo ang alak na regalo ng kanyang lola at nakitang halos ubos na ito.

"Ano pa ang hinihintay mo, mylabs? Gawin mo na ang gusto mo," lasing na saad ni Tamara saka dinagdag na, "I am all yours tonight. Gawin mo sa akin lahat na gusto mong gawin kay Shawn."

"You're drunk," walang emosyong saad ni Evo.

"So what?" nakangiting saad ni Tamara habang mapupungay ang kanyang mga mata, "nadisappoint ba kita? Ano ba ang ginagawa ni Shawn kapag nalasing siya?"

Tiim-bagang tumingin si Evo kay Tamara. Hindi ito ang binalak niyang mangyari ngayong gabi. Umatras si Tamara saka kumawala sa kanyang pagkahawak saka sinabing, "handa na ako, Evo. Handa ko nang pagbayaran ang kasalanan ko at ng aking ama sa'yo."

Nakatingin lang si Evo habang tinanggal ni Tamara ang veil na suot kaya nalugay ang kanyang buhok. Namumula ang kanyang mga pisngi habang mapupugay ang kanyang buhok na tumingin si Tamara kay Evo. She was indeed very seductive pero pinigilan ni Evo ang sarili. He wanted to see what else Tamara can do.

"Saan mo gustong gawin ang paniningil mo?" saad ni Tamara na kahit lasing ay sinusubukang tumayo ng maayos.

Hindi sumagot si Evo kaya inabot ni Tamara ang zipper ng kanyang damit. Alam niyang nasa harden pa sila pero tila sinaniban siya ng lakas ng loob dahil wala siyang pakialam kung may makakakita sa kanila.

The CEO's Temporary BrideWo Geschichten leben. Entdecke jetzt