CHAPTER THIRTY-SEVEN

297 21 13
                                    

Sabi nila kapag mahal mo, palalayain mo.

Siguro nga totoo ang sinabi nila, kaya mas pinili ni Cassandra na palayain si Cris.

Kung tulad lang ito dati, malamang sa pagtalikod pa lamang ni Cassandra ay hinabol na siya ni Cris.

Malamang ngayon ay nagmamakawala pa rin ang binata na balikan siya nito.

Pero iba na ngayon.

Sa pagkakataong ito, tanggap na ni Cris ang nangyari sa relasyon nila.

Siguro nga ay isa lang si Cassandra sa mga taong makikilala at mamahalin niya pero sa dulo ay magiging bahagi at aral lang ng buhay niya.

Sa pagtalikod ni Cassandra at paglakad palayo sa kaniya, lungkot lang ang nadama niya.

Lungkot, dahil alam na niyang hanggang dito na lang talaga sila.

Lungkot, dahil kailangan na nilang pakawalan ang isa't isa.

Lungkot, dahil kahit anong laban ang gawin nila, kahit pa tinalikuran niya ang pamilya niya para sa pag-iibigan nilang dalawa ay dito lang pala hahantong ang lahat.

Maghihiwalay lang rin pala sila.

Pero may isang bagay na pinagpapasalamat si Cris sa paghihiwalay na ito at yun ang pagiging malaya.

Malay na siyang mahalin ang taong gusto niyang mahalin.

Kaya't matapos niyang pagmasdan ang paglalakad palayo ni Cassandra sa kaniya ay agad niyang hinanap ang taong kanina niya pa gustong makita.

Halos madapa na siya sa pagtakbo para lang mahanap ang taong totoong dahilan kung bakit siya nandito.

Sa dami ng taong nandoon, mas nahirapan siyang hanapin ang taong iyon.

Agad niyang tinawagan si Jian upang itanong kung nakita na niya ba ito.

"Nakita mo na ba siya?" agad na bungad niyang tanong

"Kanina, oo. Nasa harap lang siya ng stage kanina kasama si ate Karylle." nilingon niya ang mga taong nagkukumpulan sa harap ngayon ng stage. Sa dami ng tao halos hindi na niya mamukaan ang mga ito kaya lumakad siyang papalapit at tinignan kung nandoon ang taong hinahanap niya.

"Nasaan na siya ngayon?" muling tanong niya nang hindi niya ito nahanap.

Muli siyang lumingon-lingon sa paligid, pilit na naghahanap sa dagat ng tao.

"Hindi ko na alam. Umalis kasi siya kanina habang nagsasayaw kayo ni ate Cassandra." para bang gusto na lang niyang magwala. Sa lahat ba naman ng taong makakakita sa kanila ni Cassandra kanina, bakit siya pa?

Natatakot siya na baka may isipin siyang iba. Ayaw niyang magselos siya. Ayaw niyang isipin niya na may namamagitan pa sa kanila ni Cassandra.

Gusto niya sa paghaharap nila, maipadama niyang siya lang ang gusto niya. Siya lang ang mahal niya.

Mahal.

Ang sarap isiping sa panahong iniisip niya siya ang kasunod ay pagmamahal.

Mahal niya siya.

Yun ang sigurado siya.

Muli siyang nagmasid at hinanap ang taong gusto niya.

At sa wakas nakita na niya siya.

Malapit na itong lumabas ng maabutan niya.

Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan niya upang patigilin sa pag-alis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya na bakas ang pagkahingal.

"Anong nangyari sayo?" tanong naman nito sa kaniya at pinunasan ang kaniyang pawis.

"Kanina pa kita hinahanap, kung saan-saan na ko naghanap dito lang pala kita makikita." saad niya

Bakas ang pagdadalawang-isip nito kaya bago pa man ito sumagot ay hinila na niya ito at nagsimulang tumakbo.

"Hoy! Saan ba tayo pupunta? Dahan- dahan lang, baka madapa tayo." ani nito sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang kamay.

Nang makarating sila sa lugar kung saan inihanda nila ni Jian ang kaniyang surpresa ay agad niyang binuksan ang pintuan nito at nakangiting tinignan ang kaniyang kasama.

"Ano to?" agad na tanong ng kaniyang kasama habang papasok sila sa loob ng kwarto.

Nakangiti niya lamg itong tinignan habang namamangha ito sa itsura ng kaniyang paligid.

"May I have this dance?" tanong niya nang makalapit siyang muli sa taong iyon.

Sa kaniyang hudyat ay nagsimula nang tumugtog ang isang malumanay na kantang nagpapaalala sa kaniya sa taong ito.

"Ano na namang pakulo to Antipatiko?" nakangiting tanong nito sa kaniya habang inilalagay niya kaniyang mga kamay sa beywang nito.

Nagsimula silang sumaway. Lumamlam ang mga ilaw. At tanging ang musika lang at mga pintig ng puso nila ang naririnig.

Sa pagkakataon ito lahat ng pag-aalinlangan niya ay nawala na. Tila ba napasama na ito sa agos ng kanta. O kaya naman ay nadala na sa ningning ng mga mata ng taong mahal niya.

"Totohanin na natin 'to, Alexander Perez," nakangiting ani niya kasabay ng paghina ng tugtog at pagbigay niya ng mga rosas kay Alex.












Author's Note:

Buhay pa ba kayo? HAHAHAHAHAH
Sorry na sa matagal na update. I will update soon. Votes and Comments are appreciated. Thank you!




You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon