CHAPTER SIXTEEN

334 28 8
                                    

Cris

"Hoy anong ginagawa mo dito?" agad na bungad ko sa kaniya

Dala siguro ng kaba kaya  yan ang una kong nasabi sa kanya.

"Diba dapat ako ang magtanong nyan. Anong ginagawa mo dito?" sabi niya habang tinitignan akong nakahiga sa ilalim ng pagitan ng hita niya.

Tinanggal ko ang earphones na nakasalpak sa tenga ko at umayos ng pagkakahiga sa sahig.

"Ha? Ano kasi... may kaibigan ako dito nakatira." nauutal kong sabi.

Tinignan niya lang na para bang di siya naniniwala.

Shit, paano ba naman paniniwalaan yung palusot ko eh ako tong tangang naghintay sa tapat ng pinto nila at ngayon nakahiga pa sa sahig.

"Oo nga." saad ko at muling sinubukang ayusin ang pagkakahiga para mas makita ko ang mukha niya. "Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko.

"Pwede bang tumayo ka muna?" masungit na tanong niya

Ito na naman kami sa kamalditahan niya. Wala pa nga akong ginagawa, galit na agad siya.

"Pwede bang umatras ka muna? Baka kasi kung saan pa ko tumama." sagot ko naman

Mahirap kasing bumangod sa posisyon ko. Isang maling galaw lang baka tumama na ko sa pagitan ng hita niya.

Umatras siya at hinintay akong makatayo bago ako harapin na nakapamewang.

"Bakit ka nga nandito?" muling tanong niya

"Bakit ilang araw ka nang di umuuwi?" balik na tanong ko.

Tinignan niya lang ako ng masama na para bang ang tanga ko para itanong sa kanya yun.

"Umuwi ka na." sabay naming saad sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit niya sa akin ngayon, samantalang nung huli naming pagkikita nagnakaw pa siya sa akin ng halik.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa pag uwi ko?"  sarkastiko niyang tanong

"Hindi ko na maalala kung kailan." sarkastiko ko ring sagot.

Ano ba kasing problema niya at bakit galit na galit siya sa akin?

Tinitigan niya ako bago muling magsalita.

"Ano ba kasing kailangan mo?" tanong niya habang inuukupa ang espasyo sa pagitan namin.

Balak ko sanang umatras pero tingin ko pag umatras ako at makalabas malamang sasaraduhan niya na ko ng pinto.

"Ikaw." sagot ko at humakbang rin palapit sa kanya.

Masyado kaming malapit pero ni isa sa amin ayaw humakbang palayo. Sa sobrang lapit dama ko na yung hininga niya sa balat ko.

"Well, baka naman gusto mong papasukin yung bisita mo Alexandra." sabay kaming napalingon sa nagsalita sa may likuran niya. Muntikan pa ngang magtama ang mga labi namin kung di ako dumistansya.

"Hindi na tito, aalis na rin naman siya." sagot ni Alex at pasimple akong tinulak para siguro sang-ayunan siya .

"Hindi po." agad kong sagot na may kasama pang pag-iling.

Makahulugan naman akong tinignan ng tito niya, napaayos tuloy ako ng tayo dahil dun.

"Ibig ko pong sabihin, di po muna ako aalis, kakarating ko lang po pinapaalis na agad ako ng pamangkin niyo."

Natawa ang tito ni Alex sa sinabi ko at nilapitan ako.

Parang gusto kong murahin ang sarili ko dahil ngayon ko lang napagtanto na si Franz Marquez ang nasa harap ko ngayon. SI FRANZ MARQUEZ! SIKAT NA FASHION DESIGNER, ISA SA PINAKAMAYAMAN SA BANSA, KILALA SA BUONG MUNDO AT NGAYON NASA HARAP KO.

"Hayaan mo yan, pasok ka." sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko para pumasok sa loob ng condo unit niya.








Hanash ni Author:

Sorry kung natagalan, nagkaproblema sa internet connection, ilang araw na wala. Sorry na wag nang magalit

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon