CHAPTER THIRTY-FOUR

212 18 5
                                    

Halos ilang oras nang nagpapaikot-ikot si Cris, hindi siya mapakali dala ng kaniyang kaba. Titingin siya salamin upang ayusin ang kaniyang buhok at damit at maglalakad-lakad muli upang pakiramdaman kung nakaayos na ba ang kaniyang mga kasama sa bahay.

Ngayon na ang araw na plinano niya. O sabihin na nating plinano ni Jian para sa kaniya.

Ngayon na ang araw na pipiliin na niyang sumaya.

Sumaya na walang nasasaktang iba.

Sa gitna ng labis na pagpapawis ng kaniyang kamay ay nagmamadali siyang magtipa ng text upang malaman kung naayos na ba ni Jian ang lahat ng kailangan nila.

Agad naman sumagot ang dalaga na nakahanda na ang lahat. Sinabi rin nito na siya na lang ang hinihintay upang maisagawa na ang kanilang plano.


Muli siyang naglakad patungo sa salamin sa kaniyang kwarto at tinignan muli ang kaniyang ayos.

"Ayos na yan Navarro, gwapo ka na." ani niya sa kanoyang sarili upang magkaroon siya ng kumpyansa.

Nang makalabas siya sa kaniyang kwarto ay ramdam na niya ang katahimikan. Tanging ang mga kasambahay na lamang ang nakikita niya sa paligid na nagsasaad na nakaalis na ang kaniyang mga kasama sa bahay.

Dahil nga isa sa pinakamalaking charity event sa bansa ang kaniyang pupuntahan, sigurado siyang lahat ng mga kakilala niyang mayayaman ay naroroon rin. Tulad na lamang ng mga magulang ni Cassandra at Alexandra.

Medyo kinakabahan rin siya sa posibilidad na naroon ang kaniyang ama.

Hindi pa siya handa na makita ito muli. Kahiy na ayon sa mga kwento ng kaniyang mga pamangkin tuwing tatawag sila sa kaniya ay naoakabait na raw ngayon ng kanilang lolo.

Muli na naman niyang naalala ang mga bata. Ilang araw na rin kasing hindi umuuwi ang mga ito sa kaniya dahil nga sa kagustuhan nilang makasama muna ang kanilang ina at lolo.

Gusto sana niya na sa gagawin niyang pagpili ngayon ay kasama niya ang kaniyang mga pamangkin na sina Xia at Josh pero alam niya na medyo mahaba-habang explanation pa ang gagawin niya kung saka-sakali. Maiintindihan kaya ng mga bata ang mga bagay na nagawa niya?

Kaya sinisiguro niya sa pagbalik ng mga bata sa kaniya ay kasama na niya ang taong pinili niya.

Nginitian niya ang mga kasambahay na kaniyang nakasalubong at agad na pumasok sa sasakyang kaniyang hiniram kay Billy.

Nang naikwento kasi niya kay Billy ang kaniyang desisyon at plano ay agad itong nagtanong ng maaari niyang maitulong.

Sa tingin niya ay wala namang ibang maitutulong ang kaniyang kaibigan kundi ang masiguradong hindi siya maglalapot sa gabi ng kaniyang plano. Dahil lahay ng bagay na kaniyang kakailanganin ay nagawa na ni Jian.

Mula sa damit na kaniyang susuotin hanggang sa bulaklak na ibibigay niya sa taong pipiliin niya ay plinano na ni Jian at ibinigay na lang sa kaniya.

Isa na lamang ang kaniyang sisiguraduhin, ang maisagawa niya ang kanilang plano.













Sa labas pa lang ng location ng event nila ay napakarami nang tao. Ang ilan sa mga ito ay kilala niya bilang kakumpetensya sa negosyo ng kaniyang ama o mga investors nila.

Agad naman niyang naiwasan ang mga ito nang dumaan siya sa sinabing daanan ni Jian. Kung sana wala masyadong taong dumadaan. Dahil na rin siguro, ito ang likod ng location nila at wala rito ang media na nagkakandarapang makuhaan sila ng litrato.

At alam rin kasi ng dalaga na ayaw niyang makipagsisiksikan sa mga tao. At ayaw niyang mga makakilala sa kaniyang may koneksyon sa kaniyang ama.

Sa loob ng party ay bumungad sa kaniya ang napakaengrandeng disenyo ng lugar at ang mga napakayayamang mga tao.

Hindi siya sanay sa ganitong mga pagtitipon. Kapag isinasama siya noon ng kaniya ama ay agad lamang siyang umaalis at hindi nagtatagal sa event.

Pero ngayon handa siyang isa-isahin ang mga tao dito para oang makita ang taong hinahanap niya.

"Kuya daig mo pa ang dalaga sa tagal mong kumilos," bungad na saad ni Jian nang makita niya ito sa sulok ng party.

Base sa mesa nito ay kasama niya si Patrick na pumunta dito.

"Wag mo nang hanapin yun, malamang nakakita na yun ng bagong flavor of the night niya." ani nito na para bang nahulaan na niyang itatanong ni Cris kung nasaan na si Patrick.

Hindi naman lingid sa kaalaman niyang napakababaero ni Patrick at may kakayahang makuha ang kahit sino mang magustuhan niya ngayon sa event na ito.

"Ayos na ba ang lahat?" tanong niya

Bakas pa rin sa kaniya ang kabang kanina niya nararamdaman. Napansin man ito ni Jian ay hindi na siya nang kumento dahil alam niya ang hirap nang desisyon na gagawin ni Cris.

Mahirap ang magdesisyong tapusin ang isang relasyon at muling simulan ang isa.

"Oo naman po. Kanina pa," ani ng dalaga at tuluyan nang tumayo upang ituro sa kaniya ang kwarto kung saan niya inihanda ang surpresa nila.















"Good luck kuya," huling saad nito bago siya halikan sa pisnge at bumalik na sa loob ng party.

Nang alam na niya kung saan gaganapin ang plano nila aya agad niyang hinanap ang isa sa mga taong kailangan niyang makausap ngayong gabi.

Sa mesa sa harap ng stage ay agad niyang nakita ang kaniyang hinahanap.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at nang maramdaman nito ang kaniyang presensya ay agad siyang nginitian at hinalikan sa pisnge.

"Hi, Cupid," nakangiting pagbati ni Cassandra.











Author's Note:

Any guess kung kaninong relasyon ang matatapos at kaninong relasyon ang sisimulan muli? HAHAHAHAHA

Vote and Comments

Guati kong malaman ang opinions niyo HAHAHAHAH

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon