"Prez! Nakikinig ba ikaw?" tanong ni Eriella sa tabi ko na kanina pa pala ako kinakausap, dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Ha? Oo, ano uli 'yun?"

"Doon kayo uupo, pres. Sa harap daw lahat ng running for presidents," sabi naman ni Claire. Napatango ako at tumayo na sa dating upuan at tumungo roon. Nagpaalam na rin ako sa ibang mga kasama ko. Nag-iwan din kami ng Goodluck sa isa't isa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba pero kahit gano'n ay pinapakalma ko ang sarili ko. Magsisimula pa lang, Hera!

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Napaigtad ako nang maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at napagtanto ko na ito ang lalaking umagaw ng atensyon ko kanina na katunggali ko para sa posisyong pagkapresidente.

"Hi! Ikaw ang tatakbo bilang presidente sa inyo?" Nakangiting tanong ko kahit ang obvious naman no'n. Hindi naman siya uupo sa tabi ko kung hindi. Hindi ko rin pinahalata na kinakabahan ako.

Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung nagkaroon na kami ng interaksyon noon. Mukha naman kasi siyang hindi palaimik at talagang tahimik lang.

Tinignan niya lang ako nang seryoso at hindi niya ako kinibo. Nag-iwas lang din siya ng tingin agad. Ang sungit naman nito, hindi ko na nga sana iboboto sarili ko kung siya iboboto ko, e! Char. Ano kaya pangalan nito?

Siya panigurado ang pumalit kay Monica dahil si Monica ay nasa posisyong bise-presidente na ngayon ng grupo nila. Napakagat labi na lang ako at sinubukang manahimik. Naupo rin sa hilera namin ang iba pa naming kalaban para sa pagkapresidente. Ang iba sa kanila ay kakakilala ko rin at masasabi kong magaling din.

Nagpakilala kami isa-isa. Mabuti na lang din kumalma na rin ako sa kaba ko. Nang ako na ang sunod, tumindig ako at pumunta sa harapan upang kunin ang mikropono. Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko agad ang hiyawan ng mga estudyante mula sa likuran.

"A pleasant morning to each of us. It's truly an honor to stand before you today, not as just another candidate, but as someone who genuinely cares for everyone's welfare and its future," panimula ko at ngumiti.

Pinaliwanag ko lahat ng plano ko sa eskuwelahan. Isa na rin doon ang Comprehensive Sexuality Education, kung saan saklaw nito ang pagsugpo sa Teenage Pregnancy at layunin ding magsulong nang pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian.

"As we gather here today, I am reminded of the profound impact that leadership can have on shaping our collective destiny. Leadership is not just about holding a position; it's about inspiring others, fostering growth, and driving positive change," sambit ko at tumingin sa kanilang lahat.

"And I know a one woman who has these characteristics and that woman is right infront of you because the last man standing is a woman. Once again, I'm Hera Levine, running for SSC President!" I said as I closed my persuading speech infront of everyone. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang palakpakan at hiyawan ng lahat.

Nakangiting bumalik ako kung saan naroroon ang mga upuan. "May I call on our next presidency candidate?" pagtawag ng Campaign Manager ng lalaking katabi ko. Tumayo siya nang maayos at pumunta sa harapan.

Parang wala siyang kaba-kaba sa katawan. He was like, he's really into public speaking kahit pa mukha siyang tahimik. Mas matangkad din siya sa akin. Ang lakas ng dating niya kahit wala pa siyang sabihin at kahit nakatayo pa lamang siya ay kuha na niya ang atensyon ng lahat.

Escaping the chapters (Manila Series #1)Where stories live. Discover now