02

6.1K 154 111
                                    


"What the fuck..." Mahinang bulong niya nang masukahan ko ang polo niyang suot. Napakurap-kurap ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko para gisingin ang diwa ko. Pinagtitinginan na rin kami ng ibang customers dahilan para gusto kong magpalamon sa lupa!

"Gagi sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya!" Nagpapanic na sabi ko. Napapikit lang siya at tinalikuran ako. Sinundan ko naman siya. Panay ako sorry sa sobrang guilty.

"Uhm sorry talaga! Hindi ko sinasadya, sobrang sorry!" Paghingi ko pa ng tawad habang nasa likuran niya 'ko. Hindi siya umiimik. Ano ba kasi 'tong ginawa mo, Hera?

Pumasok siya sa loob, papasok na rin sana ako nang magsalita siya. "Don't tell me you are going in men's restroom?" He asked with no emotion. Napalunok ako, pucha cr na pala 'to ng mga lalaki. Hindi na lang ako tumuloy at hinayaan siyang maghugas sa loob.

Naghintay ako ng ilang minuto bago siya lumabas. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansing sando na lang ang suot niyang pang-itaas. Naknampucha, ang ganda ng katawan niya pero hindi tamang ayun ang isipin ko ngayon. "Sorry talaga, sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko! Sorry talaga," bungad ko sa kaniya. Nawala na rin yata ang espiritu ng alak sa akin kasi nasuka ko na lahat!

Mahina siyang natawa at umiling-iling tsaka ko lang narealized ang sinabi ko. Mabilis na niyakap ang sarili ko, "Pero- hindi kasama katawan ko! Bata pa ako," Takot na pahabol ko.

"As if you are my type."

Aray ha, napansin kong hawak niya ang nakatuping polo niya, mukhang binanlawan niya na rin. Kinuha ko 'yun sa kaniya kaya nagtaka siya, "Ako na lang maglalaba nito! Ibabalik ko na lang sa school sa monday, bye!" Dali-dali akong umalis doon sa sobrang kahihiyan, tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon.

Niyaya ko na rin sila Freya na umuwi na, sakto namang gusto na rin nila umuwi kasi 1am na rin at lasing na silang lahat, maliban sa aking sober na! Kila Freya kami lahat matutulog, may naiwan pa kaming gamit doon kay Freya noong last sleepover namin. Ako na rin magdadrive pauwi since hindi na rin nila kaya. Fortuner ni Kiva ang gamit namin ngayon. Ipapakuha na lang daw ni Freya yung kotse niya sa bodyguard niya.

"Hahahahaha pucha, tulog na talaga si Nahja!" Pang-asar ni Tivona kay Nahja na nakanganga na. Si Ezra naman sinasaway na sila, " 'Wag na maingay, magpahinga na rin kayo."

"Mommy Ezra, si Kiva kumakanta pa oh," Sumbong ni Tivona kay Ezra. Napahawak na lang ng sintido si Ezra, "Ayaw kitang anak," sabi niya  at natulog na lang din. Kaya tinawanan ko si Tivona at inirapan lang din ako nito. Si Freya naman nakaupo sa tabi ko, nasa shotgun seat at tulog na rin.

"Barabida omsim barabida omsim!" Pagkanta ni Kiva. Kaya ang lakas ng halakhak namin ni Tivona. Napatigil si Kiva nang makita ang polo shirt na nakapatong sa lap ko.

"OMG whose polo is that?" Tsismosa niyang tanong kaya napatingin din si Tivona na gulat. "Gago? May nakatotnakan ka?! Kaya pala nagpaalam mag-cr, malanding 'to," Gulat niyang sambit. Napairap ako.

"May nasukahan ako, happy?"

Dahilan para mas lalo pa silang matawa. Ang bully talaga nitong mga 'to!

Nang makarating kami sa condo ni Freya, lahat sila agad sumalampak sa sahig habang si Ezra ay inaalalayan sila isa-isa sa couch kaya tumulong na rin ako. Si Tivona at Kiva naman, nilatag yung mahabang foam na kasya kami lahat. Nilatagan din nila ng bedsheet at mga unan naming anim. Tinulungan din namin yung si Freya at Nahja na maglinis at magpalit ng pantulog. Nilabhan ko na rin yung polo ni Eros, sinabay ko sa pagshower ko.

Escaping the chapters (Manila Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now