Chapter 27: Religion

30 7 0
                                    

27: Religion

August 2023

Abigail

NAG-AASIKASO KAMI para sa OJT namin. Kanya-kanya kaming diskarte kung saang industry partner kami papasok. Kasama ko si Naomi at iba pang mga nakakausap namin. Apat lang kaming magkakasama. Nahihirapan kaming maghanap dahil gusto namin ay magkakasama kami sa iisang company. May isa o dalawa lang kasi ang gusto nila kaya pinupursige namin na makahanap ng naghahanap ng apat. Si Samantha at Dolores kasi ay nauna na silang i-deport dahil priority ng University namin na maunang isalang sa OJT ang mga accountancy students.

Sana all, priority!

"Pahinga muna tayo," request ko sa kanila. Sobrang sakit ng legs ko hanggang paa dahil sa kakalakad namin.

Naupo kami sa tabi at nag-go-google map para mahanap kung saan ang location ng nasa list na industry partners ng University. May uminom muna ng tubig at mga nag-relax. Nagkuk'wentuhan lang kami ng kung anu-ano habang nagpapahinga.

Pagkatapos no'n, isa-isa namin pinuntahan ang mga nasa list. Sa wakas, merong isang company dito sa City namin na tumatanggap ng apat na intern. Mas ayos kasi kapag magkakasama kami para sabay-sabay everyday na pumupunta.

Pagkatapos ng matinding paghahanap, kumain kami sa isang restaurant dito sa malapit na mall. 'Yong pinakamura na kinuha namin dahil nauubos pera sa pamasahe. Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa plaza ng city. Tambay lang muna ro'n para magliwaliw.

"Nakaka-excite na nakakakaba ang OJT," pag-uumpisa ni Naomi ng pag-uusapan. "Pero new experience naman."

"Yeah. Sana maging maayos ang OJT natin," sambit ko sa kanila.

"Selfie naman tayo!" yaya ng isa naming kasama na si Marianne. Siya talaga ang mahilig mag-picture at mag-video kung saan-saan. Siya ang nagsilbeng parang vlogger namin.

"Okay!" masayang sambit ni Irish. Iba't iba kami ng pose sa mga selfie. "Pa-send na lang niyan sa GC natin."

"Yes po, madam." Natawa kaming lahat kay Marianne dahil sa pagtawag nito ng madam kay Irish. Silang dalawa talaga ang close at naging kausap namin ni Naomi last sem.

Naglabas ng pagkain si Naomi sa bag. "Kain," yaya niya pa sa 'min.

"Kakakain lang natin kanina," natatawa kong sambit sa kanya. Natawa rin sila sa sinabi ko. "Eat well." Kumakain siya ng tsitsirya.

"Kuha lang kayo kapag nagbago isip n'yo," sabi niya sa 'min.

"Magandang araw po!" May biglang lumapit na grupo sa 'min. Ang saya pa ng pagkakabati nila.

Tumingin kaming lahat sa kanila. Tatlo lang naman sila. Pinagmasdan ko ang suot nila. Naka-long na palda at medyo mahaba ang hair. Mukhang mga naghihingi ng 5 minutes 'to sa mga tao at se-share-an nila ng gospel.

"P'wede po ba namin mahingi ang ilang minuto ng inyong buhay? Kapalit naman po ay ang security ng eternal life ninyo kapag dumating na ang oras." Damang-dama ko ang sincerity nila sa pag-spread ng gospel. "We will just share Jesus Christ sa inyo if ever hindi n'yo pa naririnig ang gospel."

Tumingin ako kay Naomi dahil alam kong agnostic siya. Lumipat naman ako ng tingin kay Marianne kasi nalaman kong atheist siya at theist naman si Irish. Tumingin ako kay Irish at mukhang masaya dahil ma-se-share sa 'min ang gospel. Sinubukan niya na rin kaming i-invite sa church nila para makarinig ng Word of God at magkaroon ng personal relationship with God pero we respectfully rejected it.

"Sige lang po," magalang na sagot ni Marianne. Nahihiya kaming tumingin ni Naomi sa kanila kaya siya ang sumagot. She's atheist pero hindi niya ugali mangbastos ng beliefs. Ugali lang niya ang magtanong about religion at kung close minded theist ang isang tao, mapagkakamalan siyang anti-Christ.

Religious Environment: Bad Experiences (Completed)Where stories live. Discover now