Ayos lang naman siguro, no? Tatlong taon lang naman... I can do that. I can be his wife in papers. Magpapanggap lang naman ako... Magpapanggap lang kami... This isn't a real marriage anyway. I can still have the dream life I want to have in the future after this. It will all be okay after this.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang humakbang palapit sa lamesa. Nagtaas ng kilay si Xaiver sa ginawa ko at nawala ang purong pagseseryoso. His lips twitched while he fought a smile from showing.

Pinulot ko ang fountain pen na nakalagay sa ibabaw ng mga dokumento. I immediately flipped the page and skimmed through the benefits once again bago ko isa-isang tinanggal ang mga ayaw ko. Nilagay ko rin ang mga kondisyon na gusto kong idagdag. Hindi ko 'yon pinirmahan dahil gusto kong i-revise ulit nang mas maayos at mas pormal. I wouldn't risk it. Kahit papirmahan niya pa sa akin ang may mga bura ko, hindi ko gagawin.

"Here." Binalik ko sa kanya ang agreement. "I want it revised that way. Kapag ayos na saka ko pipirmahan. Pero kung gusto mo, ako na lang ang gagawa. Walang problema."

"So... you're finally agreeing now?" he asked.

"I have some amendments to the contract. Basahin mo muna."

While nodding his head, there was a ghost of a smile on his lips as Xaiver picked up the documents. Unti-unti nga lang nagkaroon ng mga linya ang kanyang noo nang makita kung ano ang ginawa ko.

"You removed your monthly allowance and you also don't want a house... and a car?" tanong niya na para bang hindi siya naniniwala sa ginawa ko.

"I don't want your money," I simply told him. "But for now... tatanggapin ko ang alok mo na sagutin ang dialysis ni Mama. Once I found a new job, ako na ulit ang magtutuloy."

"You will work?"

"Nilagay ko rin diyan." Pagkasabi ko no'n ay inilipat ni Xaiver ang mata sa gawi kung saan ko 'yon sinulat. "I don't want to be a housewife. Mababaliw ako kapag nasa bahay lang at walang ginagawa. I will earn my money. Hindi ako manghihingi sa 'yo."

"You don't need to work. I will get you a supplementary—"

"Ang sabi ko, hindi ako manghihingi sa 'yo at hindi ko kailangan ng pera mo," ulit ko bago pa siya matapos. "Babayaran ko rin ang aabunohan mong pang-dialysis ni Mama kapag may trabaho na ako."

"Chantal—"

"You said all conditions will be in my favor. Ayan ang mga kondisyon ko, Xaiver," pirmi kong sabi.

Kung ipapasok ko lang din naman ang sarili ko sa giyera, kailangan ay handa ako. I'd make sure that I wouldn't be completely miserable.

Ilang sandali pa kaming nagkatitigan ni Xaiver. I didn't back down just so he could see how determined I was. I didn't let his daunting gaze intimidate me. Even when my legs were starting to shake, I stood firm on my ground.

Fortunately, Xaiver eventually heaved a sigh and shifted to his seat. Ibinaba niya ang mga dokumento sa lamesa. His eyes didn't leave me, though. He watched me keenly, not letting even the slightest move or change of expression in me slip his attention.

"Very well..." he muttered. "You'll work after our wedding. But for now, I want you to focus on the preparations. I don't want you interrupted, and I want it done fast."

"Preparations? For what?"

Xaiver's jaw clenched, feeling offended. "Our wedding."

I heard him say that pero hindi ko alam kung paanong kasal ba ang binabalak niya. Why do I need to focus on that? Pwede namang magtrabaho ako habang inaayos 'yon!

"Ayos lang sa akin kahit anong kasal. Pwedeng civil na lang tayo para hindi na masyadong magastos at mabilis lang din ang pag-aayos, if you want us to marry right away," huwestyon ko.

Play PretendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang