"okay on count of three sabay nating hahalikan yung isa't-isa 1"


Mga meters pa yung layo namin sa isa't-isa. Nanginginig na kinakabahan talaga ako eh, siguro dapat magpaturo nalang ako sa isang sex expert tulad ni Coco Martin hihi.


Author: Hoy bad ka ha!


Ayy hi po author!


Author: Ambastos mo ah! Idol ko yan wag mong masali-sali


Ayy sige po hihi.


"..2"


Mas lalo pang lumakas yung kabog ng dibdib ko tsk. okay, Nanlalamig yung mga kamay ko na hindi mapakali. Pinagpapawisan ako kahit nanlalamig tsk.


Nilabas ko yung dila ko saka nilawayan yung buong labi ko "Hoy! Wag mong lawayan kadiri ka naman eh" sabi niya! tsk choosy naman eh


Pinikit ko nalang yung mata ko. Bago paman niya ako sunggaban no hahaha. Okay to reality, well yun nga eh nanginginig at at at at at hayyy ewan.


"..3"


At mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan niya yung ulo ko gamit ang dalawang kamay niya with full force.


Nanlaki yung mata ko, naestatwa parin ako at di makagalaw. Habang pinipilit ni Miko na halikan ako. kung sa kiss, di naman yun french kiss yung ginagawa niya sakin.


Kumbaga isang smack na tumatagal ng ilang segundo. Alam mo na hihi, binitawan niya ako at bumuntong hininga.


"Why aren't you kissing me back?" napatingin nalang ako sa kanya na nakayuko, parehong-pareho yung mga sinabi niya sa sinabi ni Marco.


Pinanghihinaan tuloy ako ng loob. "Sorry" mahinang sabi ko, "Okay let's try it again" tumango lang ako sa sinabi niya.


"On the count of three, 1"


Pinikit ko lang yung mga mata ko saka bumuntong hininga


"..2 please this time try to cooperate"


Binuka ko agad yung mga mata ko saka napakunot "Ano to? Group activity? cooperate-cooperate ka diyan" Nagsmirk lang siya. At mariin kong itinikom ang bibig ko.


"seryoso ako ..3" at tulad nang nangyari kanina ay agresibo niya akong sinuggaban at hinalikan.


Nagkabanggaan yung ilong namin kaya patagil kaming pareho at napahawak sa mga ilong namin "Ano ba Miko dahan-dahan naman" sabi ko sabay irap.


"Sorry" sabi niya "masyado ka kasing agresibo eh tsk" sigaw ko.


"Let's try it again" tumango lang ulit ako "On the count of three, but please try kiss back"


"..1"


"..2"


Pinikit ko na naman yung mga mata ko. At pagkaabot ng 3 ay hinawakan niya na ako sa ulo gamit ang dalawang kamay niya kaya pinulupot ko narin yung braso ko sa leeg niya.


Tinutukan muna namin ang mga mata ng isa't-isa, saka kami parehong pumikit. Unti-unti naming pinaglapit ang mga mukha namin.


Passionately


Passionately


Yan nag paulit-ulit kong binabanggit sa utak ko. Nararamdaman ko ang mga hininga niya, ang unti-unting paglapit ng matangos na ilong niya sa ilong ko.


Unti-unti. Unti-unti. Unti-unting naglalapit nang biglang...


*Ding Dong*


Mabilis naman kaming naghiwalay. Atsaka parehong nag-iwas ng tingin letchee, napaka-awkward.


"Uhm.." bungad ko habang di mapakali yung kamay ko at di makatingin sa kanya "Aahh baka iyan na yung inorder ko na pizza" ngumiti lang ako saka siya pumunta sa may pinto.


Kinuha niya yung pizza at nagsimula na akming kumain, pero ang awkward parin ng nangyari tsk. panirang pizza delivery boy! isang beses pa at ikaw na talaga yung pagp-practisan ko. tss


Itutuloy...


a/n: Hi po :) sorry sa scene, napakahirap pong magdescribe eh hihi. fufu. sorry sa malalaking spaces :) in an edit po yung previous chapters nilalakihan ko na yung space. Comment naman po kayo diyan oh pulease.. #SPG #SPGTheKissAttempt

Kung sa facebook po ninyo nababasa to.. eh di wow :) Baka po ang sunod na chapters di ko na mapost dito sa facebook :) unless, magcomment kayo ng "maganda si Author" HAHAHA joki joki lang. yung totoo dapat magcomment man lang kayo any feedbacks tapos gamitan ng hashtag natin yuhoo :)

At kung sa wattpad ang nagbabasa :) comment naman po yung mga silent readers, sorry sa pagfefeeling lovelots pero thanks sa reads :)


Turuan ang IgnoranteWhere stories live. Discover now