Chapter 2 : Libro

346 43 62
                                    

- Imelda Pov

Ilang Oras na akong nag-aantay dito, sabi niya babalik siya, sabi niya saglit lang yun,bakit ngayon wala pa din siya? Basta may masabi lang e, biro mo hindi na ako binalikan, hindi ako natutuwa.

Narito ako nakaupo sa sofa habang kumakain, hindi ko pa nauubos yung cake e bakit ba, cake is not enough for me, kaya nagpakuha pa ako ng donuts, cookies, tapos ice cream, tapos apples. Abala akong nagbabasa ng News Papers.

Nakailang basa na ako ng mga iyon ngunit wala pa din si Ferdinand! Iniinis ba niya talaga ako?

Ah, hindi baka siguro busy lang or kaya hindi pa tapos yung usapan nila...

Pero ganun ba talaga 'yon katagal?

Naiinip na ako.

Nakaramdam din ako ng pagkahilo kaganina pa...

Nang kukunin ko sana yung isa pang news paper sa mesa, bigla akong may narinig na nagsisigawan.

"WAHHHHHHH! MOMMYYYY SI ATEEEE!" nakita ko si bongbong na tumatakbo na parang akala mo hinabol ng aso, may dala pa siyang libro ha, ano man kaya nangyayari dito?

Hinihingal pa nga.

Tatayo na sana ako ng marinig ko naman ang sigaw ng panganay ko. Si Imee.

"BONGETTTTTTTTTT!! LUMABAS KA DYAN! LALABAS KA O LALABAS KAAA!" sigaw pa niya. Nagulat ako dahil may hawak siyang...teka itak ba 'yon? Bakit siya may hawak na ganon?

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nangyayaring ito. Dali daling nagtago si bongbong sa likod ko.

"Mommyyy si ate, hinahabol ako ng itak." pilit siyang sumisiksik sa likod ko.

"Ano ba kasing nangyari ha? Tsaka itak? B-bakit?"

"K-kasi ako nga yung nauna dito sa librong 'to e, tapos sabi niya sa kanya daw 'to, e diba sabi ni daddy share daw kami, tapos ayan nagalit siya kaganina nung hindi ko binigay, binantaan pa nga ako mommy na ako daw yung pansahog niya mamaya sa Tinola."

Pinigilan ko na hindi matawa sa sinabi niyang iyon, mga batang 'to talaga, pasaway!

"Mommy, nakita mo po ba si bongbong? Kaganina ko pa 'yun hinahanap e." tanong ni Imee. Hindi ko alam kung sasabihi ko ba yung too pero...

Pasikreto kong inutusan na magtago si bongbong sa likod ng kurtina.

"A-ahh, hindi anak e, bakit mo ba hinahanap? At bakit ka may hawak na itak!? Magpapatayan ba kayong magkapatid?"

"Mom, relax walang mangyayaring patayan, pero bugbugan meron, paano ba naman kase ayaw niyang ibigay sa akin yung libro ko! May oras lang yung pagbabasa nun e!"

Napakamot na lang ako sa ulo, mga anak napakadaming libro sa mundo, tapos isa lang 'yan halos magpatayan na kayong magkapatid. Ewan ko na lang talaga.

"Anak, kapatid mo naman 'yan e, pagbigyan mo na...tsaka marami pa naman tayong libro dyan, hindi ba? Iyon na lang muna yung basahin mo,"

"Hindi mo ako naiintindihan mommy e, isa 'yon sa pinaka-paborito kong libro, okay? So, Bongbong! Labas na dyan!!"

Wala naman akong magagawa, kasalanan 'to ni Ferdinand e, bibili ng mga books tag-iisa lang, 'yan tuloy tignan mo nangyari, dahil lang sa libro nag-aaway mga anak namin. Kuripot kasi masyado. Tsk!

Nakita ko na mabilisang lumabas si bongbong galing doon sa kurtina. Saktong nakita siya nitong panganay ko kaya hinabol niya na naman.

"BONGETTTTTT! HALIKA DITO! BAKLA KA TALAGAA! DUWAGGG!" sigaw ni imee habang patuloy ang paghabol sa kanya.

- Imee Pov

"BONGETTTTTT! LABAS DYAN! IKAW NA PANGET KAAAA!!"

Naghabulan kami hanggang sa garden. Hawak hawak ko parin yung itak. Don't worry panakot ko lang naman ito sa kanya.

Medyo mapuno dito kaya pwede siyang magtago kahit saan, nagsimula na akong mag-ikotikot sa paligid.

"Bongett?? Labas na dyan....ibigay mo na kasi yung libro ko.." mahinahon kong wika,

"AYOKO!!" sigaw niya. Malapit lang pala yung pinagtataguan niya e.

At saktong nakita ko yung paa niya sa likod nung puno. Nandyan ka lang palang bakla ka ah, yari ka sakin.

Naglakad ako tungo doon na walang ginagawang kahit anong ingay, nakuuu! Lagot talaga 'to sa akin e.

"GOTTT YOUUUU!" sigaw ko ng mahuli ko siya.

Agad naman syang tumakbo palayo, doon pa talaga sa putikan ha?

"Hindi mo ako mahahabol, bahala ka dyan!!"

"Oh talaga baaa! Humanda ka sa akin, lalo mo lang dinadagdagan kasalanan mo!!"

Patuloy ang habulan naming dalawa, at dumating yung pagkakataon na nadapa siya mismo doon sa putikan. Kadireee!

Natawa ako ng sobra dahil don, buong katawan niya napapalibutan ng putik. Tapos hawak pa din yung libro.

Pilit siyang tumayo saka nagsimulang tumakbo na naman.

"WAHAHAHAHAH! Sige lang bonget, takbooo paaa! Akala mo ha!"

Mas binilisan ko pa ang takbo papunta sa kanya, nang makakuha na ako ng tiyempo, tumalon ako saka siya sinakyan sa likod.

"HULI KAAA!!"  pinipilit niya akong ihulog ngunit di niya magawa. Habang nakasampa ako sa likod niya, yung isa nasa kong kamay nakapalupot sa leeg niya. Wala akong pakielam kung masakal man siya.

"ANO BAAAA! UMALIS KA NGA DYAN!!" sigaw niya sa akin at nagpupumiglas. Paano kung ayoko?

"Talaga baa? Akin na muna yung libro ko!"

"Sige na nga! Oh ayan na." ang akala ko na ibibigay niya ng maayos, binato doon sa putikan!

"AHHHHHH! Yung libro ko!!" agad ko itong kinuha, punong-puno ng putik yung favorite kong libro.

Naririnig ko yung nga pagtawa ni bongbong. Iniinis mo talaga ako ha!

Hinila ko siya sa dalawang kamay at kinaladkad sa putikan.

"Ikaw kaganina kapa, sinira mo yung libro koooo!!" sumbat ko sa kanya, sinubsob ko yung mukha niya sa putikan. Kadiri naligo ng putik.

Maging ako naliligo na ng putik, wala na akong pakielam don basta makabawi lang ako dito.

Napasigaw naman ako dahil hinila niya din ako sa putikan. Kaya napahiga ako doon.

"HAHAHAHA, buti nga sa'yo!" sigaw pa niya din sa akin.

Hindi ako papayag na nilalamangan ako! Kaya gumanti ako sa kanya. Nagpatuloy yung awayan namin sa putikan.

Ng biglang sumigaw sila Yaya Biday.

"MS.IMEE, MASTER BONGBONG, Kayong dalawa! Y-yung--...a-ang Mommy niyooo!!" natatarantang sigaw ni Yaya Biday.

Napatigil naman kaming dalawa ni bongbong.

"S-si Mommy??"

Halos madapa-dapa kami dalawa, nagmadali kaming dalawa na bumalik sa loob. Kahit naliligo na kami ng putik.
______________________________
__________________

TO BE CONTINUED....


















The Unexpected BlessingDär berättelser lever. Upptäck nu