Chapter 1: Introducing

62 6 6
                                        

Tiffany's POV

"Grabe nakakatawa talaga yung adviser natin kanina" girl 1

"Oo nga eh, ang lakas ng trip. Pumipick up line pa" girl 2

Edi kayo na, kayo na may friends, kayo na may kakwentuhan at kasabay sa pagbreakfast 😔 Makaalis na nga dito sa cafeteria, nakakainis eh 😒

A/N: BITTER lang, Tiffany? 😂

*******

Andito na ako sa room, wala pa yung adviser ko. Ay! muntik ko nang makalimutan hindi pa pala ako nagpapakilala. Miss Author naman 😅

A/N: Aba malay ko ba, alam mo namang sayo nakatutok yung story eh

Aish, Oo na ako na may kasalanan 😣

A/N: Kasalanan mo talaga (evil laugh)

∞ back to story ∞

Ako nga pala si Tiffany Janine Buenaventura, 16 years old. Walang nakakaalam ng second name ko maliban sa parents ko at kaisa isa kong bff na si Nj. Aish naalala ko na naman siya, miss ko na yung makulit na yun. Kung hindi niya sana ako iniwan edi sana magbff pa parin kami hanggang ngayon 😢 4th year high school na pala ako. Anak ng may - ari ng paaralang pinapasukan ko. So it means na sa amin 'tong school na ito, ang Buenaventura University or B.U. Sabi ni Dad sa akin niya ipapamana 'tong school because I'm the only child of Margaux and Gabby Buenaventura 😏 Napag - usapan na rin namin ni Dad kung paano ko ito ihahandle.

∞∞ Flashback ∞∞

Nakahiga ako sa kama ko habang nagbabasa ng book ni Steve Berry, hindi ako nerd mahilig lang talaga ako dito dahil feeling ko nakikisabay ito sa emosyon ko.

"Knock, knock, knock"

Ay, may kumakatok pala

"Wait lang"

"Tiffany si Yaya Lilia mo ito, pinapatawag ka ng Daddy mo sa work office niya, may pag - uusapan daw kayo"

"Sige Yaya, sunod na lang po ako"

"Okay, sabihin ko na lang sa Dad mo"

Ano kaya ang pag - uusapan namin ni Dad? Makababa na nga baka magalit pa si Dad. Madaling mainip pa naman yun.

"Hello, Dad"

"Hi baby"

"Dad, pinapatawag niyo daw po ako"

"Yes baby, tungkol sa school ------" pinutol ko agad yung sasabihin ni Dad

"Bakit Dad nalugi po ba? Mahirap na po ba tayo ah? Dad!!"

"Pwede ba Tiffany, patapusin mo muna ako?" hala, nagalit ko ata 😓

"Okay, sorry Dad"

"So yun nga diba dahil mahal na mahal mo yung school....."

"Tapos" ano ba yan pabitin 'tong si Dad eh 😅

"By next year after mo grumaduate, tuturuan na kita kung paano imanage ang school"

"Ahhh"

"So I hope that your answer is yes"

"Wait Dad, sabi mo next year, ang bilis naman ata. Agad - agad" grabe ah, ambilis walang pahinga - pahinga.

"Please baby para alam mo na kung paano ito ihandle" with matching puppy eyes pa

"Okay, Dad" walang magawa eh, puppy eyes ba naman ipanglaban. Sure, talo na ako!!

"Dad, pwede ba magrequest"

"Ano ba yun baby"

"Hmm, Dad pwede huwag mo na akong tawaging baby kasi hindi na ako bata, You know I'm 16 na at -------" pinutol ni Dad yung sinabi ko

"Yun lang ba baby?"

"Dad naman diba sabi ko huwag mo na akong tatawaging ganun at pwede patapusin mo muna ako" kainis naman

"Sorry Tiffany, natutuwa lang ako kasi pumayag ka sa gusto ko" buti naman madaling makaintindi si Daddy kung hindi ay naku 😑

"So pwede po ba tayong pumunta ng mall, kasama si Mommy kasi last week pa nung last tayong pumunta dun ng kompleto, please. Pretty please ^_____^"

"Okay baby, magbihis ka na at tatawagin ko lang ang Mommy mo, isama mo na rin si Yaya Lilia"

Oh Yessss 😝

*******

Buti na lang at love ako ng parents ko. Lalo na si Dad, Daddy's Girl ako eh. Minsan nga nagagalit si Mommy kasi lagi akong kinukonsinte ni Dad 😂

"Pst, pst, pst" Ay 😮 tinatawag pala ako ng katabi ko, dada kasi ako ng dada

"Bakit?"

"Nagsasalita na si Ma'am Solis sa harap kanina ka pa tulala kaya tinawag na kita baka kasi makita ka pa ni Ma'am" oo nga kanina pa pala ako nakapalumbaba, ang sakit tuloy ng leeg ko

"Okay, thanks sa pagpapa - alala" sabi ko kay unknown, hindi ko alam pangalan eh

*******

Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na first day ng school na namin ngayon kaya syempre same ritual last year tuwing first day ang 'getting to know each other'

Isa - isa kaming tinatawag para pumunta sa harapan at magpapakilala. Hindi ko namalayan na katabi ko na pala ang sunod.

"My name is Abigail Fortalejo, 16 years old. I'm from section 2 last year so I hope we can be friends, that's all thank you!!"

Ah Abigail pala ang name niya. Kaya pala hindi ko siya kilala kasi galing siya sa section two at hindi ako masyadong palapunta sa mga rooms dito kaya hindi ko rin sila mamukhaan.

"Buenaventura, Buenaventura"
Ay tinatawag na pala ako, kung anu - ano kasi pinag - iisip ko 😅

"Yes, Ma'am?"

"Ikaw na sunod"

"My name is Tiffany Buenaventura, 16 years old. The daughter of the owner of this school. Nice to meet you all, I hope we can be friends!!"

Yehey 😄 tapos na kaming magpakilala at dahil tapos na, ano ang kasunod
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
CLASS DISMISSED 😍

*******

ⓐ/ⓝ: Grabe ka talaga, Tiffany ikaw na pinakasuwerte!! Spoiled Brat ka noh? Daddy's Girl eh. Haha.

Maganda ba? Please vote and comment. Thank po mga sa nagbasa na ng Prologue nito, sana po basahin niyo parin yung mga susunod na Chapters. Atsa Thanks, readers!! And wait, Tiffany on the multimedia.

Love, Trix34 💕 na nag - iiwan ng mga
                                katagang:

Nagsisimula ang lahat sa pagpapakilala ng mga bida hanggang sa tuluyan ng
mabuo ang storya ▷▶

A PROMISEWhere stories live. Discover now