Chapter 17: Vulnerable

Start from the beginning
                                    

"Ilang araw mo na 'yang ginagawa pero hindi mo pa rin natatapos."

I glared at him before going back to my task.

"Tama ba 'yang ginagawa mo?" Usyoso niya at sinilip ang ginagawa ko.

"Stay away from me." At tinulak ko ang mukha niya palayo.

"Ano naman 'yang ginagawa mo?" Makulit na tanong niya.

I knit the chords using my bare hands. Hindi ko matuto-tutunan kung paano gamitin ang crochet hook, that steel used to knit some bags and pockets. Maging ang stick na ginagamit sa paggawa ng bonnet at scarf ay hindi ko makuha.

"Ahh..." reaksiyon niya pagkatapos sumilip sa pinapanood kong tutorial. I sighed and focus on my piece of art. More patience, I'm getting a hang of it.

"Bakit hindi ka pa umaalis? Marami ka pang gagawing school report, maging mga ituturo mo." Sita ko sa kaniya.

"Tapos ko ng gawin ang mga 'yun. Wala ka bang tiwala sa pogi mong propesor? Nakakahurt ka naman ng feelings." Aniya sa madramang tono. Para namang may pakialam ako sa nararamdaman niya.

"Kung gusto mong may maitulong, bilhan mo na lang ako nito." At ipinakita ko sa kaniya ang gusto kong ipabili. Mabuti't hindi siya tumanggi.

I stayed in the hospital for a week. Bagama't natagalan akong makalabas, hindi naman ako naburyo sa pamamalagi ko. I feel a lot better kaysa noong mga nagdaang araw.

The breakdown after arguing with my father was caused by a psychological imbalance. I don't have any idea about it. Ang tanging alam ko ay ang pagkimkim ng galit tungkol sa nakaraan. Dumagdag na rin marahil ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko na hindi ko magawang maipaliwanag.

"Sigurado ka bang kaya mo ng umuwi mag-isa?" Tanong ni Professor Jed habang nakadungaw ito mula sa bintana ng kotse niya.

"Who do you think I am?"

He sighed deeply bago ulit lumingon sa akin.

"Bumili ka na ng bagong cellphone para man lang macontact ka kung may emergency."

I waved my hand off, gesturing him to leave already.

Because I stayed in the hospital for a long time, ramdam ko ang paninibago sa paligid. The air feels so thin. My heartbeat is uneven na parang hinahabol ko ang paghinga. Maging ang hanging nilalanghap ko ay sobrang lamig. I feel the pain inside my lungs.

It's a good relief that I arrived in the apartment building nang hindi hinihimatay. Paunti-unti ay masasanay din uli ako sa labas. It's good as well that my things were brought here ahead kaya't ang tanging dala ko ay ang magaan kong backpack.

Entering the place, I look around. As usual, malinis dahil kay Paolo, but the thing that I'm baffled about is his other things weren't here. Napagtanto ko na lamang ng mapansin ang sulat na iniwan niya sa mesa sa sala.

Dahil sinira ko raw ang cellphone ko, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumulat. Dinaig niya pa raw ang sinaunang tao na gumagamit pa ng telegrama ayon sa sulat.

He won't be around for a week. Umuwi siya ng probinsiya para sa tatay niyang may sakit. Umalis siya ngayon-ngayon lang. Humihingi rin siya ng pasensiya dahil kahit alam niyang ngayon ako uuwi ay hindi niya na ako mahihintay dahil sa paghabol niya sa maagang biyahe.

He's unbelievable, naisingit niya pa sa abala niyang schedule ang paglilinis. Maging sa sulat ay tinadtad niya ako ng mga bilin, na mukha tuloy na nagmumukhang huling habilin.

I roamed the kitchen and saw the food he prepared para sa pananghalian.

"Pakiinit na lang ang ulam kung kakain ka na. Hindi ko alam kung anong oras ang dating mo." Ang sabi sa sulat niya. Tsk, as if I'm a kid who can't prepare foods for myself.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now