"Wait for me." Pinisil niya ang palad ko bago siya lumabas sa nakabukas na pinto na siya ring kinasinghap ko.

"C-colosas!" Agad ko siyang tinitigan sa nakabukas na pinto doon sa kinabagsakan niya. Kita kong tinitigan lamang niya ako hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

"Isarado mo na ang pinto, Iha. Huwag kang mag-alala dahil kaya nila ang mga sarili sa labanan." Pagpukaw sa'kin ni Tita Carolina na agad kong ginawa. Pagkatapos ay nilingon ang likuran ko. Hindi ko na matanaw sila Colosas at Tito Connor.

"S-silang dalawa lang po lamang ang nandoon.. tumawag na po kaya tayo ng pulis, Tita?" Pag-alala kong sabi at hindi ako komportable na maupo na lamang dito na walang may ginagawa para mailigtas sila Colosas.

Nilingon ako ni Tita Carolina na may ngiti sa kaniyang mukha, ngiti na nagpapahiwatig na huwag akong mag-aalala. Habang nagmamaneho pa din siya ng medyo may bilis na andar.

"Sige, tatawagan ko si Tita Abrielle mo para magpadala ng back-up!" Sabi niya bago kinuha ang cellphone sa bag nito at saka may dinial. "Hello, Brielle! Oo. Tumawag ako para humingi ng tulong sa'yo! Ayos lang kami—sila Connor at Colosas nasa panganib at kailangan ng back-up! Nandito kami sa Cainta! Sige, salamat! Bye!" Agad niyang ibinalik ang cellphone niya sa bag bago tinuon ang pansin sa unahan, saglit siyang sumulyap at saka ngumiti sa'kin.

"Ayos na po?" Mahina kong tanong.

"Oo, Iha. Si Tita Abrielle mo pala ay asawa ng quadruplets ni Connor na si Conrad. Isa siyang matapang na Pulis." Patuloy niya pero biglang lumapad ang pagkakangiti. "Pero pagdating sa Tito Conrad ay mahina siyang babaeng nagmamahal." Bumungisngis pa siya at saka napailing bago tumingin sa unahan.

"Quadruplets? Ibig sabihin po ba ay apat silang ipinanganak ni Tito Connor?" Pagtatama ko. Ngayon ko lang kase narinig na may apat na sabay ipinanganak.

"Oo, Iha! Si Mommy Erinmay at Daddy Conrado ang mga magulang nila. At alam mo ba na may dugong bughaw din ang Lola nila Connor?" Muli niyang pagsulyap sa'kin. Namangha naman ako sa narinig ko. Nagkainteres ako na malaman ang lahing pinagmulan ni Colosas.

"Dugong bughaw? Ano po ang ibig sabihin niyon?" Tanong ko naman bago nilapit ang mukha ko sa likod niya, pasulyap-sulyap siya sa'kin.

"Si Lola Catherine Elizabeth Stones ay isang princess na anak ni King Edweirk Stones, hari ng Romania." Nakangiti niyang sagot. Napaawang naman ang labi ko sa pagkamangha.

Hindi isang simpleng pamilya pala ang kinabibilangan ni Colosas. Kaya halata sa mga kilos at awra nila ang pagiging maotoridad, dahil iyon pala ay may dugong bughaw ang lahi nila.

"Mahal na mahal niyo po si Tito Connor." Biglang namutawi sa labi ko. Kase naman ay halata iyon sa mga kilos at tinginan nilang dalawa.

Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya nang sulyapan ako. Bumungisngis pa siya na para bang may iniisip siya sa mga alaalang iyon.

"Kung alam mo lang ang mga ginawa sa'kin noon ng Tito Connor mo ay maiinis o magagalit ka, Iha!" Kita ko ang pag-iling niya ng ilang beses habang tinuloy ang pagmamaneho. "Nobyo siya dati ni ate Clarita nang magkakilala kami at ako noon ay isang apa pa. Na love at first sa'kin ang magaling mong Tito, kaya lahat ay ginawa nito kahit sa ilegal na paraan para makuha lang ako. Nahulog din ang loob ko sa kaniya at kahit mali ay umibig din ako kay Connor."

Biglang nalungkot ang mukha niya na kita ko sa may itaas na salamin. Siguro sa mga alaalang naisip niya noong nakaraan nilang dalawa.

"Mahal din po kayo ni Tito Connor, Tita." Sambit ko na kinangiti niyang muli at sulyap sa'kin.

"Addict nga iyon sa'kin, Iha!" Tumawa siya kaya napangiti na din ako pero ang tawa ay may bahid na palang iyak noong mapansin ko ang paggaralgal sa boses niya.

"A-ayos lang po kayo, Tita?" Marahan kong pagtapik sa balikat niya na siyang kinapitlag at sabay pahid niya sa kaniyang mga luha.

"A-ayos lang ako, Iha. Pasensya na sa kadramahan ko! Naalala ko lang kase ang nakaraan na'min ng Tito Connor mo...." Pagngiti niya.Umiling naman ako at ngumiti din. Siguro ay luha din iyon ng lungkot at kasiyahan nang maalala ang mga nangyari noon.

Siguro ay madami silang pinagdaanan noon ni Tito Connor bago nila narating ang kaluwalhatian sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

Sa totoong buhay ay hindi naman maiwasan na magkaroon ng problema sa isang mag-asawa. May pagsubok din o suliranin, kase kung puro lang kasiyahan ay paano magiging matatag ang relasyon? Kung puro tamis ay nakakaumay naman. Maghahanap ka pa din ng maalat na pampakawala ng umay mo.

Dapat may balanse din sa isang relasyon para maunawaan ang salitang communication, patience, and respect para maging matatag pa ang samahan sa relasyon.

"Nauunawaan po kita, Tita. Naging mahaba po ang inyong pagsasama dahil na din po naging sentro ang Diyos sa inyong mag-asawa." Marahan kong saad na siyang kinatango niya at kinuha ang palad ko na nasa balikat niya at marahan iyong pinisil. Saglit niya akong sinulyapan at nginitian.

"Huwag mong iiwan ang anak ko, Raquel. Nakikiusap ako na mahalin mo siya at tanggapin ang pagkatao niya... Kung ano man ang malaman mo, Iha." Ramdam ko sa tono ng boses niya ang pagsusumamo at kung may anong kahulugan doon sa huling sinabi niya. Pero agad na akong tumango at ngumiti sa kaniya.

"Opo, Tita Carolina." Alam kong mali ang ginawa ko, ngunit dito sa puso ko ay alam na iyon ang sagot ko.

Diyos ko.... Ano po ba itong nangyayari sa akin? Sana gabayan Mo po ako sa tamang gagawin ko.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

© MAYAMBAY

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now