Pinaharurot ko lang yung kotse ko habang siya ay umiidlip. Maganda naman siya eh.


Huminto ako sa isang convenience store saka bumili ng softdrinks saka alak habang natutulog sa sasakyan ko yung babaeng kanina ko pa lang  nakilala.


Pagkatapos kong bumili ay dumuiretso na agad ako sa sasakyan saka pinaandar ulit ito. Balak kong pumunta sa isang lugar na walang katao-tao.


Kaya naisipan kong doon sa tambayan namin ng mga barkada ko tuwing umuuwi ako ng pinas. Isang mataas na lugar at klarong-klaro ang tanawin ng boung syudad.


Maraming ilaw mula sa City at malamig na hangin. Ihininto ko ang kotse ko saka bumaba, ginising ko na rin si Hazel para samahan niya akong uminom dito.


Kesa naman dun siya sa bar maglasing, mabastos pa siya ng mga lasing. Kawawa naman saka pareho naman kaming brokenhearted eh.


"Hoy! Gising! hoyy!" pag-aalog ko sa kanya

"Oo na" mahinang sabi niya *yawn*


Nauna na akong umupo sa may damuhan kung saan kitang-kita ko ang ilaw ng syudad. Nararamdaamn kong papunta siya sa direksyon ko.


Binuksan ko yung isang bote ng alak saka ininom ito. Umupo siya sa tabi ko saka kinuha yung can ng softdrinks.


"Pano mo iniinom yan? eh ang sama ng lasa?" sabi niya napakunot tuloy ako nang noo "ano? eh umiinom ka nga nito eh" sabi ko.


''Ano? hindi no"


"eh ano yung iniinom mo sa bar kanina?"


"aah softdrinks lang" saka siya uminom nung softdrinks na hawak niya.

"So boyfriend mo yung Marco?"  tanong ko, hindi niya ako hinarap pero nagsalita parin siya "Ahh oo EX boyfriend" sabi niya na tumatawa pa ng pilit

"Ah mahal mo siya?" 


"Oo naman no, handa nga akong ibigay sa kanya ang lahat eh" sabi niya tapos tiningnan niya ako "Eh ikaw? Mahal mo yung babaeng yun?" dagdag niya


"Tsk si Bettina? oo no at gaya mo handa rin akong ibigay ang lahat sa kanya" sabi ko.


"Tss pareho pala tayo eh" sabi niya na tumatawa parin pilit "Kaso, nakipagbreak na siya sa akin at alam mo ang mas malala?" tanong niya.


"Hindi, pero sa tingin ko mas malala yung sinabi ni Bettina sa akin" sabi ko. Umiling lang siya tapos.


"Sabi niya sa akin, We're over Hazel, yung totoo? Di ka enjoy ka*** kasi ignorante ka" 


"Sabi niya sa akin, Napakaboring mong kasama Miko It's Over" 


nagkatinginan kaming dalawa saka tumawa ng malakas na malakas "HAHA akalain mo yun, yung boyfriend ko at girlfriend mo ay nahuli nating nagsese*?" sabi niya


"At ang mas malala pa ay hiniwalayan nila tayo dahil hindi tayo marunong makipagse*" dagdag ko sa sinasabi niya at sabay kaming nagtawanan.


Bumuntong ako at ganun din siya. Nakatingin lang kami sa baba kung ay may mga illaw, pumaibabaw ang sandaling katahimikan, tanging hangin, saka mga kulisap lang yung nadidinig namin.


Illang sandali pa ay bigla siyang nagsalita "Mahal mo pa ba siya?" Hinarap ko siya at nagsalita "Oo naman, handa nga akong pakasalan siya eh ikaw?" sagot ko sa kanya.


"Oo mahal din, mahal na mahal! uhmmp" sandali siyang tumigil saka nag-iisp isp "Gagawin mo ba lahat para makuha siyang muli?" dagdag niya


Ewan ko ba kung anong pinagsasasabi nang babaeng ito, pero oo gustong-gusto ko. Dahil si Bettina lang ang babaeng mahal ko. "Oo" sagot ko.


"Kung ganun, eh di... matuto tayong makipag-se* para bumalik na sila atin" tapos ngumiti siya ng kay lapad-lapad. "Ano??" di makapniwalang sigaw ko sa kanya


"Kung makasigaw naman eh" tapos may patakip-takip pa siya sa tenga niya "Eh diba kasi, hiniwalayan nila tayo dahil hindi tayo marunong sa bagay na yun kaya naman..."


Di ko na siya pinatapos at nagsalita ulit ako "Turuan natin ang isa't-isa para sa ganun matuto tayo at makuha natin sila uli?" tanong ko sa kanya.


"Oo?" patanong niyang sabi. At ano sa tingin ng babaeng to ang binabalak niya eh napakainosente ng mukha niya tsaka yung pananamit niya tsk


———-


Hazel's POV


Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa tapos "Sige" tumango at ako? well tinatanong mo expression ko? simple lang napa...


"WAAAAH! yes yes yes!" napasigaw lang namn ako. Marco i'm comming :) mahal.


itutuloy....

a/n: Short lang po 'to kaya sisikapin kong umabot ng 10 ka chapters hihi :)


Turuan ang IgnoranteWhere stories live. Discover now