"Chantal!" Napataas si Joseph nang makita ako. Nagmadali siya sa paglapit.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Joseph," bati ko at tumango. "Ang aga mo... Akala ko mamaya ka pa dadating."

Wala pang alas-singko kaya medyo nagulat pa akong nakarating na siya agad. Imposible namang nakapag-early out siya. Knowing Xaiver's work schedule, he would have to stay until six to eight in the evening lalo na't siya na lang ang nag-iisang sekretarya nito.

"Uhm, napaaga ng uwi si Sir Xaiver. Medyo masama ata pakiramdam..." nag-aalangan niyang sagot at mabilis na sinuyod ng tingin ang lamesa. "Magkakape lang ba tayo? Let's eat dinner! Maghahapunan na rin naman. Sagot ko na!"

To be honest, I didn't really wanna eat out since I was doing my best to save money as much as I could. Having no source of income from being unemployed depleted my savings. If I don't get hired until the next two months, hindi ko na alam kung saan ko kukuhanin ang panggastos sa maintenance na gamot at dialysis ni Mama.

Nagsisisi ako kung bakit hindi ko ginawang mag-invest sa kahit maliit na negosyo. Huli na nang naisip kong hindi dapat natutulog ang pera sa banko. Hindi lang dapat sa sahod nanggagaling ang pera. You should look for other ways to earn money. Or else, unforeseen circumstances like my situation at that moment would humble you.

It was unfortunate that not everyone had the opportunity to save, though. Karamihan ng tao sa bansa ay pinagkakasya lang ang sahod sa kanilang pamilya at wala nang natitira. They are only working to pay their bills, buy necessities, and survive the cruel world. Kung sana ay may mas magandang job offers at benefits dito katulad sa ibang bansa. But before anything else, we should first fix the employment system in the country. That way, more people would be employed instead of resorting to earning dirty money.

I was still somehow fortunate that I had saved enough to cover our expenses without a job. Kaya nga lang, hindi na rin 'yon magtatagal. Kailangan ko nang kumilos.

"Uhm, ayos lang ba sa 'yo kung dito na lang tayo?" tanong ko kay Joseph. "Sandali lang naman. May mga gusto lang sana akong itanong."

"Hay nako, Chantal! Kung ano ang mga gusto mong itanong, pag-usapan na lang natin over dinner. Hindi pa ako nakakain nang maayos kaninang lunch. May meeting kami kanina mula umaga hanggang hapon," reklamo niya.

Naawa naman ako agad sa kaibigan. Pumayag na rin ako agad na kumain kami sa labas. Joseph took me to an expensive restaurant na malapit lang din sa DVH. I wanted to stop him, pero tuloy-tuloy lang ang pasok niya sa loob pagkatapos i-confirm ang reservation.

"You made a reservation?" nagtataka kong tanong habang naglalakad kami papunta sa lamesa.

"Ah! Oo!" Hilaw na tumawa si Joseph. "Nagke-crave kasi ako rito kaya nung inaya mo ako kanina, nagpa-reserve ako agad."

Napakunot ang noo ko. "Sana sa fast food na lang tayo... Masyadong mahal dito, Joseph."

"Don't worry, Chantal. Sagot ko naman!"

"Kaya nga mas magandang sa iba na lang tayo..." mahina kong sabi dahil baka marinig kami ng waiter na nag-assist sa amin.

I appreciated Joseph's generosity, and I loved the food there, but the prices were insanely expensive for a single meal. Ilang beses na rin akong kumain dito kasama si Xaiver. I didn't mind it back then dahil siya naman ang nagbabayad at kadalasan ay may ka-meeting kaming mga clients at business partners. Pero kung si Joseph, I didn't want him spending that much.

"Okay lang, Chantal. Ngayon na lang tayo ulit nagkita. Sulitin na natin 'to!"

I pursed my lips and just followed Joseph until we reached the table reserved for us. Agad kaming pumuwesto roon. The waiter served us water and waited while Joseph was still busy scanning the menu.

Play PretendOnde histórias criam vida. Descubra agora