"James Laurier."

Nabaling naman ang atensyon kong muli kay James na nasa harap ng reception area.

"James Laurier and Akira Villaruel," ani ng lalake sa harapan namin habang nakatingin sa screen sa harapan niya.

"Yes," sagot naman ni James.

"Alright. Would you like us to show you around or do you prefer to walk around on your own while looking for a seat?" pagtatanong ng receptionist.

"No need."

"Alright, sir. Will there be anything else?"

"We're good."

"Alright, sir. A waiter will approach you once you settled on a seat. You can get and read any books you want for free. If there is a book that would be out of reach, kindly ask for any staff and they will gladly assist you. Before leaving the premise, kindly return the books on the book information and return area," tsaka na napatingin ang lalake sa may gawing kaliwa tsaka na tinuro ang isang mahabang desk doon na may nakatayong ilang staff. Sa taas nito ay may nakasabit na signage at nakasulat ang Book Information and Return. "Our Librarian will check on the books you'll return. For any damage, you will pay for a fine amounting to 500 pesos. So please be careful in handling the books. For any questions related to our books, you can also ask our librarian. Any questions, sir and ma'am?"

"Five hundred?!"

Napatingin naman si James saakin. E kasi naman ang mahal pala ng babayaran namin kung sakaling may masira kaming libro.

"No, we're good," ani ni James tsaka na hinila ako.

"Paano kung may mabasa akong libro? Wala akong pambayad, James!" bulalas ko habang naglalakad na kaming dalawa.

"Then don't read," sagot naman nito saakin.

"E kung hindi rin naman ako magbabasa e sana sa ibang café na lang tayo na may murang menu."

"Then read."

"E paano nga-"

Napahinto naman si James tsaka na hinarap ako.

"Read anything you want. Eat whatever you want. I'll pay for everything even if you damage all the books around here."

Napabuka naman ang bibig ko. "Tapos? Idadagdag mo sa utang ko, ganoon ba?!"

Napabuntong-hininga naman ito. "Ganoon na ba kasama ang tingin mo saakin?"

"Oo." Napakunot naman ang noo nito. "I mean..."

"Enough. I don't care whatever you think of me. But I'm serious when I say I'll pay for everything. And I don't need you to pay me back for that because you're my girlfriend," ani nito tsaka na hinila na akong muli nito.

Napatingin ako kay James na likod lamang ang nakikita ko. Pagkatapos ay napunta naman ang mga mata ko sa kamay ko na ngayon ay hawak niya habang hinihila ako. Isang deal lang ang lahat pero bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito? Wala naman kami sa school. Hindi naman namin kailangan magpanggap sa harap ng ibang tao kagaya ng mga ginagawa niya kapag nasa university kami.

Hindi niya ako hinahawakan ng ganito sa university. Pero lagi siyang nasa tabi ko kahit saan ako magpunta. May times na nagiging gentleman sya saakin kagaya ng paglagay niya ng coat niya sa mga binti ko sa tuwing uupo kami. Sa tuwing susunduin niya ako sa gate. Kung minsan ay sinamahan niya akong pumunta sa library at kinukuha ang mga libro na hindi ko abot. Now that I think about it, wala pa siyang ginawa na kaiinisan ko sakanya for the past week. Kahit pag magkasama kami at nag-aaral lang ako para hindi ko sya makausap ay tahimik lang siya sa tabi ko. Hindi niya din ako bina-bother sa klase. Hindi ba kaya niya binuo ang deal na ito para mas pahirapan ako? Para anytime ay masisira niya ang araw ko? Pero bakit ganito ang turing niya saakin?

Napatingin akong muli sakanya at sakto naman ang paglingon niya saakin.

"Saan mo gustong umupo?"

"James."

"Ano nanaman?"

Napabuntong-hininga naman ako. "Umamin ka nga sakin. May..."

"May?"

"May pinaplano ka bang masama?"

"Huh?" Napahawak naman siya sa mukha niya na tila hindi makapaniwala sa tanong ko. "Gusto mo bang may gawin akong masama?"

"W-Wala- Teka James!" agad akong hinila ni James at naglakad ito ng mabilis. Pinagtitinginan na nga ata kami ng mga tao sa paligid pero hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad hanggang sa may natanaw na akong mga kurtina. Pumunta siya sa isa sa mga kurtina at hinawi ito. Pagkahawi niya rito ay agad akong napatingin sa sectional sofa na kulay berde. Tinulak niya ako paupo doon tsaka na sinara niya ang kurtina. "J-James..."

Lumapit ito saakin tsaka na pinatong ang kanan niyang tuhod sa sofa. Ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa may ulonan ng sofa habang ang kaliwang kamay niya ay nakapatong din sa sofa sa tagiliran ko. Gumapang ito palapit saakin.

"Ganito ba?" pagtatanong niya saakin habang nakatitig sa mga mata ko. "Ito ba iyong hinihintay mo?"

Entangled with the TwoWhere stories live. Discover now