Chapter XI

80 20 0
                                        

J A M E S


I was about to come after her nang bumukas ang pintuan. Nakita ko namang pumasok si Professor Abella kaya naman walang nagawa si Akira kung hindi ang bumalik. May balak pa itong umupo sa ibang upuan dahil tinatangka niyang pumunta sa ibang bakanteng upuan. Buti na lang at mabilis makaramdam ang mga kaklase ko. Wala ding nagawa si Akira kung hindi ang bumalik sa pwesto niya kanina. Agad kong sinipa ang upuan at lamesa niya pabalik sa dati nitong pwesto ng makita kong pabalik na sya sa tabi ko. Akala niya siguro ay makakatakas siya sakin ng ganun ganun lang. I won't let her off that easily.

Matapos i-explain ni Professor Abella ang Freshmen's Best College of the Year event ay tinuon nito ang pansin saakin. "James."

"Maam," sagot ko naman.

"You better."

Tumango naman ako. Kilala naman kasi sa University ang banda namin and everytime na may events ay walang palya kaming tumutugtog. Syempre hindi din namin palalagpasin ang event na ito. Hindi man ako ganoon kaseryoso sa academics ay siniseryoso ko naman ang kahit anong music related event and classes.

"Okay, that's all. See you on Wednesday," paalam ni Prof. Abella tsaka na lumabas ng classroom.

Pagkalabas niya ay agad akong tumayo at nagtungo kay Akira. Sigurado kasing magmamadali nanaman itong umalis. "Come with me," utos ko dito na pahawak na sana sa bag niya. Sinasabi ko na nga ba.

"Bakit naman ako sasama sayo?" diin niyang tanong. Magmamatigas pa talaga siya pero wala namang magagawa ang pagmamatigas niya. Nakukuha ko at nagagawa ang kahit anong gustuhin ko. Kahit siya pa.

"Because you will," ani ko tsaka na hinawakan ang braso niya at hinatak siya palabas ng classroom. "Don't follow us!" sigaw ko nang marinig kong tinatawag ako nila Liam. Panigurado ay naguguluhan na din sila sa nangyayari but I don't have the time to explain it to them. Ang alam ko lang, I'm more into action than use my brain.

Nang makalabas na kami sa classroom ay nararamdaman ko ang pagpupumiglas ng braso ni Akira mula sa kamay ko but she can't do anything about it. I won't let her go no matter what.

"Ano ba? San mo ko dadalhin?!" sigaw nito saakin.

"Shut up," sagot ko. Ang ingay naman kasi. As if I'm going to do something to her. "Get out of my way!" sigaw ko pa sa mga nagkukumpulang mga estudyante sa hallway. Kailangan ko pa talagang sumigaw para lang lumayo sila sa dinadaanan ko. I'll deal with them later on.

Patuloy lang ako sa paghila kay Akira hanggang sa makarating kami sa aming destinasyon, sa Laurier Garden which is exclusively own and used by me. Walang ibang pwedeng gumamit at makapasok sa garden na ito kung hindi ako lang, not even my friends. But today, I will grant someone this once in a lifetime opportunity na makapasok sa loob nito and to spend time alone with me. Agad kong nilabas ang susi nito mula sa bulsa ng pantalon ko tsaka na pilit na binubuksan ang padlock nito with one hand.

"Bitawan mo kasi ako para mabuksan mo!" ani ni Akira..

"No. You might run somewhere."

The moment na bitawan ko sya, for sure ay agad itong kakaripas ng takbo. Matapos ang ilang minuto ay nabuksan ko din ito. Agad kong hinatak si Akira papasok sa loob. Nang makapasok na kami ay dahan-dahan akong naglakad habang hawak siya para mapagmasdan niyang maigi ang napakagandang lugar na ito na pinapahintulutan kong makita niya. Sinusulyap-sulyapan ko sya para makita ang expression ng mukha niya at mukha namang kumikinang ang mga mata niya sa mga magagandang bulalak sa paligid.

Entangled with the TwoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt