Chapter XIV

5 1 0
                                        

A K I R A


Sinumpa ko sa sarili ko na magiging loyal ako kay Julian. Na kung hindi mag-a-asawa si Julian ay magiging matandang-dalaga ako. At kung mag-a-asawa naman siya ay doon lamang ako titingin sa iba. Alam ko namang kahit maging loyal ako sakanya ay hindi niya iyon masusuklian. Sa gwapo at sikat ni Julian, for sure ay ang dami na ding nakapalibot sakanyang magandang mga babae. At dadating din ang araw na sasabihin nya sa lahat ng fans nya na may nagmamay-ari na ng puso nya. Aware ako sa lahat ng iyon. Pero kahit ganoon ay gusto ko pa din siyang hangaan at pangarapin. Dahil ang maging loyal sakanya ang nagpapasaya saakin.

Pero sa isang iglap ay nasira ang lahat ng iyon dahil lang sa isang anak ng may-ari ng school na sa dinami-dami ay nakabangga ko pa at nasira ko pa ang mamahaling phone.

"Anyway, hindi mo naman kailangan umagree. Dahil pag tumanggi ka, I will contact your parents and tell them how much you owe me. Hindi mo naman siguro gustong malaman pa nila ito."

Ilang beses kong inulit iyon sa utak ko. Ilang beses ko na ding nasampal ang mukha ko para magising sa bangungot. Pero kahit anong sampal at kirot ko sa balat ko ay walang nagbabago. Isa na ako ngayong unloyal fan ni Julian. Isang fan na sa isang iglap ay naging girlfriend ng pinaka-kinaiinisan kong tao.

Narealize ko ang katotohanang ito dahil sa tuwing madadaanan ako ng mga estudyante ay agad silang tumatabi mula sa daan. Inisip ko kung iniiwasan ba nila ako dahil nawi-weirdo-han sila saakin. Pero mali ang akala ko. Sinabi sakin ni Joshua noong ibalik ko sakanya ang kanyang coat na kaya ginagawa ng mga estudyante iyon ay dahil ako ang girlfriend ni James. Hindi ko na tinanong pa si Joshua kung naniniwala ba sya sa nakasulat sa article. Inassume ko na lang na alam din ng grupo nila ang naging deal namin ni James.

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula ng lumabas ang artice na iyon. Hindi na din ako nilalapitan nila Verna at Elizabeth. Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi na nila ako ginugulo o mas gugustuhin ko na lang na awayin nila ako kaysa maging girlfriend ni James. Hindi naman dineny ni James ang article kaya automatic ng naniwala ang lahat dito. At isa pa, lagi na din kaming nagkikita ni James after class para magpractice. Panigurado ay iniisip ng lahat na nagdidate nga kami.

Isa pa sa naging problema ko ay ang pagpapaliwanag kay Ethan na first time kong makitang magalit ng sabihin ko sakanya na totoo ang nasa article. Hindi sya makapaniwala sa nangyari dahil alam naman niya kung gaano ko dineklara sa mundo na magiging loyal ako kay Julian.

Halos parang mangiyak ngiyak pa nga ito sa galit. Ano ba daw ang nakita ko kay James? Bakit daw ang hilig ko sa love at first sight? Yun na lang kasi ang nadahilan ko. Ani ko ay hindi naman malabo iyon dahil na love at first sight din naman ako kay Julian. Sa huli ay napaniwala ko naman sya pero simula noon ay hindi na kami masyadong nag-uusap. Hindi nga ako sanay na ganito kami ni Ethan dahil siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Pero naisip ko na lamang na mas mabuting dumistansya sya saakin dahil baka madamay pa sya sa trip ni James.

Gustuhin ko mang aminin kay Ethan ang nangyari ay paniguradong gagawa ito ng paraan. At ayoko namang gumawa siya ng gulo at banggain pa si James. Alam kong mayaman sila Ethan pero wala itong laban sa mga Laurier. Ayokong pati sya ay madamay pa sa gulong pinasok ko.

Natapos ang buong week ko ng ganoon. At ito ako ngayon, nakatulala sa poster ni Julian. Nagbabakasakali na lumabas sya sa poster at pigilan ako sa lakad ko. Sabado ngayon at magkikita kami ni James para magpractice. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin magkita ng weekend. Kung pwede lang ay sa school ko lang sya gustong makita. Pero sabi nya ay para hindi kami magahol sa oras dahil one week from now na lang ang event. May point naman sya e.

Entangled with the TwoWhere stories live. Discover now