"May point sya," ani ko sa sarili habang nakatitig sa poster ni Julian. Napabuntong-hininga naman ako. Nakangiti lang kasi si Julian at para bang sinasabi nya saakin na magiging okay ang lahat. Siguro ay pinapagaan ko na lang din ang loob ko. Kahit ano namang kasing gawin ko ay walang magbabago.
Napatayo na ako mula sa kama tsaka na kinuha ang bag ko. Mabigat ang mga paa kong naglakad palabas ng kwarto at umalis ng bahay namin.
Nagtungo ako sa Hon to Café, isa sa mga kilalang café malapit sa J. Laurier University. Hindi lang kasi ito isang café. Meron ding mga libro sa café na ito na pwedeng basahin ng mga customers. Sa totoo lang ay pangarap kong makapasok sa loob nito dahil mahilig din akong magbasa ng mga libro. Libre naman ang magbasa ng mga libro dito, ayun nga lang ay medyo may kamahalan ang mga menu dito kaya pinangarap ko lamang ito.
Nang makarating na ako sa Café ay napahinto lamang ako sa tapat nito. Sa labas pa lamang ay magarbo na agad ang itsura nito. Dalawang palapag ang café at medyo may kalakihan ang istraktura nito. Mula sa labas ay matatanaw mo na ang loob nito. Napabuka lamang ang bibig ko habang nakasilip sa loob. Nakaramdam tuloy ako ng hiya habang tinitignan ang mga customers sa loob na mukhang mayayaman dahil sa suot nila. Napatingin naman ako sa suot ko. Nakasuot lang kasi ako ng mumurahing jeans at ang pang-itaas ko naman ay kulay itim na merch t-shirt ng Moonlight. May cartoonized picture nilang pito sa harap at sa likod naman ay may nakasulat na Moonlight. Ang sapatos ko naman ay simpleng puting rubber shoes.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Ikinagulat ko naman ang boses na narinig ko. Pag tingin ko sa kanan ko ay nakita ko si James. Nabaling agad ang paningin ko sa suot niyang damit. Naka coat ito ng black and white stripes na may panloob na white plain t-shirt. Naka blank pants ito at white sneakers. Napa-angat naman ang paningin ko sa mukha niya.
'Ganito ba talaga ang itsura niya dati pa lang? Alam kong gwapo sya pero talaga bang ganito siya kagwapo?'
"Anong tinitingin-tingin mo?"
Agad namang nabasag ang thought bubble ko. Napasampal pa ako sa mukha ko.
'Ano ka ba, Akira? Nakakalimutan mo bang si James ang kaharap mo?!'
"Huh? A-Ano... Bakit kasi ganyan yung suot mo?!" sabay turo ko sa damit niya. Napatingin naman si James sa suot niya. "Bakit ang gara naman niyan? Nakakahiya tuloy pumasok kasama ka. Baka sabihin ng mga tao, yaya mo ko."
"What? This is my ordinary look. I wear these kinds of clothes every day."
"O-Ordinary? 'Yan?" napatingin naman akong muli sa damit niya. "Anong ordinary diyan? Naka coat ka palagi?"
"O-Oo. W-What's wrong with that?! Alam mo pumasok na tayo sa loob. Pinagtitinginan na tayo ng mga dumadaan." Agad namang naglakad si James tsaka na nagtungo sa pintuan ng café.
"S-Sandali, hintayin mo ako," ani ko tsaka na sumunod kaagad sakanya.
Pagbukas niya ng pintuan ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Bubungad sa mga mata mo ang namumukod-tanging ambiance ng lugar. Ang ganda sa mata ng loob. Ang interior colors sa loob ay naghahalong kulay pula, dilaw, orange, cream at brown. Karamihan sa furniture ay gawa sa kahoy. Sa bawat sulok ay may mga shelves ng libro. Ang mga ilaw naman ay hindi sobrang liwanag. Yung tama lang para sa mga magbabasa. Marami ding matataas na halaman sa paligid na tila nagsisilbing mga kurtina.
"Woah."
"Ngayon ka lang ba nakapasok dito?"
Napatango naman ako sa tanong na iyon ni James habang nakatingin pa din sa paligid.
VOUS LISEZ
Entangled with the Two
Roman d'amourSi Akira Villaruel, ay isang die-hard fan ni Julian, isang miyembro ng sikat na bandang, Moonlight Band. Para kay Akira, si Julian ay isang pangarap na hindi niya maaabot. Nang pumasok sya sa J. Laurier University, ay nagkrus ang landas niya sa isan...
Chapter XIV
Depuis le début
