Chapter 3

3.9K 100 10
                                    

Di ko mapigilan ang sarili kong mapatayo sa kinauupuan ko ng ipakilala ng emcee ang batang paslit bilang nag iisang tagapagmana ng nasabing hotel.magkahalong galit at poot ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon.

Awtomatikong napahawak ang mga kamay ko sa may bahagi ng tiyan ko.di ko napigilan ang makaramdam ng awa para sa batang ipinagkait sakin ni xander dahil sa kasakiman nito.

"Let them be."pigil sakin ni seth ng akmang susugod sana ako.upang ipangalandakan sa lahat ng taong naririto kung anong uri o klase ng pagkatao ang meron si xander na itinatago nito sa maskarang suot nito.

"It used to be my daughter!it used to be my long lost daughter!."angil ko kay seth habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak nito sa kamay ko.

Napakunot ang noo ko dito.dahil sa nagtataka ako at tila di ito apektado man lang sa mga pangyayari.

"If you make a scene now..everything will be falling into nothing."madiing sabi sakin ni seth habang palinga linga ito sa mga taong napapatingin samin.

Tila natauhan naman ako sa sinabi nito.kaya napasimangot akong naupo sa upuan ko.

Tama nga naman si seth sa sinabi nito..tama nga siguro na wag akong padalos dalos at magpadala sa bugso ng damdamin ko.dahil base sa pagkakatanda ko.ay nadala ako ng bugso ng damdamin ko sa pagiging durog ko.at pagkawala sakin ng anak ko.

Pagkalipas ng ilang oras ng pananalita ng emcee ay nagsimula na ang kasiyahan.nakangiting ibinalandra ni xander at ng kabit nya ang anak nila sa labas sa mga bisitang dumalo.

Bakas sa mga mata ni xander na masaya ito.base na din sa abot tengang ngiti nito habang karga nito ang bunga ng pagtataksil nya.

"Ang kapal ng mukha."saisip ko habang matama ko silang pinagmamasdan.

"Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha nyang ipakilala sa publiko ang anak nya sa labas.kasama pa ang kabit nito.na kung umasta ay tila may karapatan ito."sulsol sakin ng utak ko habang nakatingin ako ng diretso at pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga ito.

"Be careful."anya seth ng tumayo na ako sa kinauupuan ko upang sundan si martina na tila ay kung saan patungo.

"You don't need to remind me."nakangiti kong saway kay seth tsaka agad na sinundan si martina na sa pagkakatantsya ko ay papunta sa may lamesa ng mga kaamiga nito.

Nang makarating na si martina sa lamesang pupuntahan nito ay nagmadali na akong puntahan ito upang banggain at pakunwaring tapunan ng alak na hawak hawak ko.

"Ooops?sorry!."nakatatwa kong sabi dito ng sadyain kong banggain ito mula sa pagkakatayo nito.muntik pa itong matumba sa sahig kundi lang dahil sa pagkakatukod ng siko nito sa lamesa ay malamang na napatilapon sana ito sa sahig sa lakas ng pagkakabangga ko dito.

Nakaawang ang mga labi ng mga tao na nagtitinginan sa amin ni martina.halos lahat sa kanila ay nabigla sa pangyayari kaya napangiti ako ng lihim.lalo pat bakas sa mga mukha nila ang pagtataka kung sino ako at ano ang ginagawa ko dito.

"Oh!my!god!your wet,hindi ko sinasadya."pagkukunwari kong paghingi ng despensa kay martina habang pinupunasan ko ang bahaging likuran nito na sa ngayon ay basang basa dahil sa dami ng alak na itinapon ko dito.or should I say.,isinaboy ko dito.

"Don't you dare touch me!."angil nito sabay harap sakin.

Nag aalab ang tingin nitong napatingin sakin.ngunit bigla itong napalitan ng pagkagulat at pamumutla.nakaawang ang labi nito at napaatras ng bahagya.tila nanlambot ang tuhod nito dahilan upang mapahawak ito sa may lamesang nasa gilid nito.

"Athena?!."nanlalaking mata nitong sabi.agad itong luminga linga sa paligid na tila ba may hinahanap ito.

"Still remember me?"pagkatamis ng ngiti kong sabi dito.pasadya kong nilinga linga ang mga mata ko at napaluwang ang ngiti ko ng makita kong nakatawag pansin na pala ako sa mga bisitang naririto.

"I must be special,for you to remember me."patatwa kong dagdag pa habang si martina ay namumutla pa din na tila naubos ang dugo nito sa ulo nito.

Narinig ko ang mga bulong bulungan sa paligid namin na lalong nagpadagdag sa kumpiyansa kong dalhin si martina sa dapat na kalagyan nito.

"You were just made of my illusion.,patay kana athena!!patay ka na!".tila nawawala sa sariling sabi ni martina.bakas sa mga mata nito ang pagkabalisa base sa paglinga linga nito ng tingin sa paligid.

Pumikit pa ito ng mariin.sa pagbabakasakaling minumulto ko sya.

Di ko tuluyang napigilan ang sarili ko at matawa sa inaasal nito..

Kaya agad ko itong nilapitan sa pagkakabukas ng mga mata nito.

"Why so tense martina?!sinisingil ka na ba ngayon ng kunsensya mo?!".matalinghaga kong sumbat dito.habang nakatingin ako ng diretso sa mga mata nito.

Sinalubong ako ni martina ng napakaalab na tingin nito.bago ito tuluyang magsalita.

"Wala akong alam sa sinasabi mo.so better yet umalis kana!dahil wala kang lugar dito!."matapang nitong banta sakin.

Humalakhak ako ng mahina ngunit malutong tsaka ko pinameywangan ito.

"Isn't it funny and ironic na ako na mismong nagmamay ari ng "hotel"na ninakaw nyo!ay sinasabi mong walang lugar dito?!."mapang inis kong bulyaw kay martina na lalong nagpalakas ng bulong bulungan at nakapahiya dito.

Akmang magsasalita sana si martina ng biglang may pumaibabaw na pamilyar na boses na nagmumula sa may bahaging likuran ko.

"May problema ba martina?!."pumailalang na boses ni xander na ikinaputla ni martina.

Ganti ng ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon