PROLOGUE

8.7K 144 16
                                    

Nadatnan ko ang sarili kong mga paa na tinatahak ang mahabang pasilyo ng isang simbahan.

Nakatuon sakin ang halos lahat ng mga mata na aking madaraanan.nakangiti silang lahat sakin.ngunit bakas sa kanilang mga mata ang paghuhusga.,samantalang ang ibang mga mata naman ay maaninag mo sa kanilang mga mata at inggit.may iba namang nakangiti sakin na totoo at walang bahid ng kung anong kaimpokritohan at pagkukunwari.

Bumuntong hininga ako at ibinaling ang aking mga mata sa may harapan ng altar.ngumiti ako ng bahagya sa kabila ng kabang nararamdaman ko dahil sa dami ng mga matang nakatingin sakin.

Agad na nasilayan ng aking mga mata ang pigura ng isang lalaki.nakasuot ito ng pang amerikanong pormal.may kalayuan ito sa aking kinatatayuan.kaya di ko maaninag ang mukha o itsura nito.pero base sa tindig at gayak nito.ay masasabi kong magandang lalaki ito.lalo pa't halos lahat ng babaeng mabungaran ko ay nakatingin at tila may pagtingin dito.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko sa mahabang pasilyo ng napakagarang simbahan.maingat ako sa bawat hakbang ko lalo nat ang suot kong wedding gown na kulay puti ay napakahaba.na paniguradong ikakatalisod ko kapag nagkamali ako sa paglalakad ko.

Habang papalapit ng papalapit ang paa ko sa harap ng altar ay panay ang bigat na nararamdaman ko.idagdag pa dyan ang kaba na kanina pa ay pinipilit kong itago.ngunit nababakas naman sa mga mata ko.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko.kaya mahigpit kong hinawakan ang bouquet ng rosas na hawak hawak ko.pumakawala ako ng isang makapigil na isang buntong hininga.bago ko tuluyang inilapat ang mga paa ko sa isang mumunting paanan ng hagdan ng altar.

Pagkatapos kong akyatin ang lahat ng palapag ng hagdanan ay tumambad saking harapan ang isang lalaking may matipunong pangangatawan,matangos na ilong,at nagtataglay ng kulay asul na mga mata.

Tila may kung anong hangin akong naramdaman sa bahaging gitna ng aking tiyan ng magkasalubong ang mga mata namin.

Matatalim ang tinging ipinupukol nito sakin.,kaya napayuko ako.at tila napako ako sa kinatatayuan ko.

Punong puno ng pagtataka ang utak ko sa mga sandaling iyon..hanggang sa nakita ko nalang at naramdaman ang presensya ng lalaki ng hawakan ako nito sa braso ko.

Mahigpit ng pagkakahawak nito sakin.,dahilan upang mapa angat ang tingin ko dito.nakangisi ito sakin.,ngunit sa ngisi nito ay mababakas mong di ito natutuwa sakin.,bagkus ay may poot o galit itong ikinukubli sa mga mata nito.

"Welcome to hell!my dearest wife!!welcome to hell!"aniya saka ito humalakhak ng napakalakas na halos bumalot ng takot saking katawan.

Bigla akong binitiwan nito.kaya napatumba ako sa paanan ng isang hagdan.,naramdaman ko ang biglaang pagkirot sa bahaging puson ko.kaya agad na napatingin sa parteng iyon ang mga mata ko.

"Dugo.,dumadaloy na dugo na nagmumula sa aking sinapupunan."dikta sakin ng utak ko.

Nadatnan ko ang sariling sumisigaw.ngunit tila wala akong naririnig na boses na lumalabas sa bibig ko.

"AAaHhhh!!!"nagising akong pawisan sa loob ng madilim na kwarto.

"Athena!binabangungot ka!gumising ka!"anya ng pamilyar na boses na yumuyogyog sakin dahilan upang mapalingon ako dito.

"May dugo!!maraming dugo!!"sabi ko kay seth habang humahagulhol ako.

"Nananaginip ka lang!panaginip lang ang lahat.,anya seth sabay yakap sakin.

"Panaginip nga ba lang ang lahat?!"saisip ko.

"Pero mukhang totoo ang lahat.,at ang lalaking nakita ko.,ay tila pamilyar sakin."kontra ng isang bahagi ng utak ko.

"Panaginip lang ang lahat athena.,panaginip lang ng lahat.."pagpapakalma sakin ni seth.habang hinihimas nito ng bahagya ang bahaging likuran ko.

Umalis ako sa pagkakayakap nito sakin at binuksan ko ang isang lampshade na nasa bahaging gilid ko.

Awtomatiko akong napalingon kay seth sa di malamang dahilan.

"Your eyes..,they are the same eyes that I saw with the other man in my dreams."naibulalas ng bibig ko kay seth.ng matitigan ko ang mga mata nito na para bang napako ako sa kakatitig dito.

"Sino?!sinong lalaki ang nasa panaginip mo?!nakakaalala ka na ba?nagbalik na ba ang mga alaala mo?!"balisa nitong usisa sakin.

May pagtataka ako sa inasal nito.kaya bigla akong nakaramdam ng pagdududa dito.

"May dapat ba akong maalala na di ko alam?!"naitanong ko dito.

Napapikit ito ng mariin na tila nag iisip.bago ako tuluyang sagutin nito.

"Meron athena.."matipid lang nitong naisagot sakin.

"Ano yun seth?ano ba ang dapat kong malaman?!"kabado kong itinanong dito.

"May anak tayo athena.,pero.,sa kasawiang palad ay pinatay sya ng kapatid ko sa labas."tiim baga nitong sabi sakin.

Halos malaglag ang puso ko sa sinabi ni seth.napakapit ako sa may ulunan ng kama habang pilit kong binabalikan ang panaginip ko kanina.,panaginip na kung saan ay may dugo sa aking bahaging tyan.

Awtomatikong napahawak ang kamay ko sa aking tyan.,at sa paghawak ko dito.ay nakapa ko ang tila pilat o sugat sa ibaba ng aking tyan.

Nagmamadali akong umalis sa kama at agad na dumiretso sa may banyo.binuksan ko ang ilaw at tummabad ako sa may mahabang salamin.itinaas ko ng bahagya ang aking suot mahabang bestida at tumambad nga saking harapan ang may kalakihang mahabang pilat na sa pagkakatansya ko ay magaling na.

"Were going to get even to them athena.,we need to get even with them."anya seth na nasa likuran ko.

Napatango nalang ako dito.ngunit may parte pa din sa sarili ko.na parang pakiramdam ko ay may mali o di tama sa sitwasyong kinalalagyan ko.

Ganti ng ApiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon