Ang kutsara ang sinubukan kong kunin. Hindi niya agad binitawan ‘yon. But when I look at him with pleading eyes, bumuntong-hininga siya at walang nagawa kundi tumango.

I heard a fake cough on my right kaya naman bumaling ako roon. Labis na lang ang hiya ko  nang maalala na kasama nga pala namin si Crowell sa mesa at pinagmamasdan lang kami.

“If I don’t know that you two is a product of fixed marriage, I would thought that you are deeply in love with each other…”

Umawang ang labi ko at pinanlakihan ng mata si Crowell. Sumilay ang ngisi sa labi niya na siyang ikinatigil ko. Ang malamig na ekspresyon niya ay nawala at napapalitan ng kulit na katulad noong magkasama kami rito sa bahay.

Nawala ‘yong problemadong Crowell kanina.

“I told you that I will treat her better…” si Tross iyon na nang lingunin ko ay relax na nakasandal sa upuan habang ang braso ay nakasuot sa baywang ko.

Sumabog ang panibagong kabog ng dibdib ko sa posisyon namin at sa narinig. Alam kong ang nararamdaman ko ay ‘di na normal. Alam kong bukod sa paghanga ay may iba pang dahilan iyon kung bakit abot-abot ang tahip ng dibdib ko sa tuwing magsasabi siya ng bagay na masarap sa pandinig o gagawa ng bagay na bago lang sa akin.

“You better be…” I heard Crowell said before his voice was swallowed by tons of voices in front.

Doon napako ang tingin ko. Dahil sa dalawang kasama, nakalimutan ko panandalian kung anong party nga ba ang napuntahan ko.

Both Tita Selena and Ciara are clinging in Crisosmo’s arms. Nililibot nila ang bawat mesa at mga bisita na siya namang paulit-ulit silang ikino-congratulate. Sa gilid nila, naroon ang dalawang magkapatid na nakaantabay.

Nang isang lamesa na lang at amin na, naramdaman ko ang balak na pagtayo ni Crowell kaya mabilis ko siyang nilingon at inilingan. I took his hand again, wishing that I could give him strength and will to do this.

Nagpapasalamat ako nang hindi na siya tumuloy sa balak niyang pagtalikod sa pamilya niya.

When they reached our table, tumayo kami ni Tross. Tita Selena gave him a kiss on his cheek, Crisosmo shake hands with him. Tita Selena went on my side and hugged me tightly.

“Thank you for coming, Hollis… You made my night,” she whispered on me.

Tumango ako at bumulong din sa kaniya, saying congratulations for finally having her daughter beside her. Naging maliit ang ngiti niya, parang nahihiya. Bumaling siya kay Crowell na saka lamang tumayo para yakapin ang ina.

“This is my daughter, Crowell’s twin, hijo…” nilingon ako ni Crisosmo.

“Hollis, meet our Ciara…” dagdag niya.

Sinalubong ako ng ngiti nito. Napakaganda niya. Dahil sobrang mature ang itsura ay nakakapanliit sa pakiramdam. We’re on the same age but the way she move elegantly, na parang sanay na siya sa mga ganito… nakakapanliit.

“Hello…” she said it to me.

Crosson and Carden is now beside Ciara. I faked a smile and returned her hello.

“Glad that you’re back… Ciara…” I managed to stop myself from stuttering.

“Anong masasabi mo sa unica hija ko, hijo?” si Crisosmo na sobrang proud sa mga oras na ‘to.

Ciara’s eyes went to my husband beside me. I saw how her eyes sparkled in happiness. Kahit pa medyo madilim sa side namin at nakapupulag ang may kalakihang mga ilaw sa harap, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpula ng kaniyang pisngi.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin