"Okay. Calm down, hmm?" I heard him say before I end the call.

Ako na mismo ang tumawag kay Crowell. Dalawang ring pa lang, nasagot na niya agad.

"Crow, what is it? I'm talking to Tross kaya hindi mo ako ma-contact," paliwanag ko.

Naririnig ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Ayusin ninyo ha. Baka hindi magustuhan ni Miss Kelly iyan..." naulinigan kong boses ng mayordoma namin.

Naglaho paunti-unti ang ingay sa paligid.

"Hollis..." sa pagtawag pa lang ng kapatid ko, kinabahan na ako. I don't know why but I feel like something big happened.

And I guess it right.

"You already know about the sister we lost?" naninimbang ang tono ng kaniyang boses at pakiramdam ko, alam ko na ang patutunguan.

They've been searching for her. Hindi natigil ang De Guia kahit pa ilang beses ng sinasabi ng mga imbestigador na nakukuha nila na maaring wala na nga ang bata.

"We lost her the moment Mommy gave birth to us. She's my twin. No one knows where she is. Kinuha siya sa amin kahit hindi pa nasisilayan nila Mommy and we're fraternal so it's really hard to find her..."

Hindi na ako nakaimik. Hinayaan ko lang si Crowell magsalita dahil pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng lupa.

"We found her, Hollis. Dad went home with a girl at my age and she is so innocent. She came from a small orphanage in Bataan. After years of searching and wanting to meet her..." I heard his voice crack.

"I didn't feel anything when our eyes met. There is no connection, Hollis. Sabi nila na kapag kambal, konektado ang nararamdaman but this girl, hindi. Wala akong maramdamang kahit na ano. It's just plain. No brotherly affection. Pero sila Kuya, Daddy at Mommy ay sabik na sabik sa kaniya..."

Hindi ko alam kung nahihimigan ko ba ng tampo ang boses ni Crowell. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Kahit nga kami na half-siblings lang ay may koneksyon sa isa't-isa. We shared the same feelings. Kapag nalulungkot ako, ganoon din siya and vice versa. May kaklase din akong kambal at lagi nilang sinasabi na konektado silang dalawa kaya... kung nagdududa man si Crowell, nauunawaan ko siya.

"I feel betrayed, Hollis and I don't know why. At isa pa, ikaw ang inaalala ko. I feel really mad upon knowing that you will be more neglected because of her," dagdag niya na lalong nagpabigat ng nararamdaman ko.

Ganoon pa man, I did my best to comfort him. Kasi siya ang mas nahihirapan. Ako? Sanay na siguro akong 'di nabibigyan ng pansin. Sanay na hindi nakakatanggap ng pagmamahal sa mga kapatid kong dalawa at sa aking ama. Maybe matatanggap ko rin naman. I need to, para kay Tita Selena na matagal na nawalay sa kaniyang anak, wala akong karapatang magtampo o masaktan. But Crowell... he needs comfort at kahit 'di ako sigurado sa sasabihin, sinabi ko pa rin.

"B-baka naman sa una lang, Crow. Bago pa lang kayo na nagkakilala at... matagal nawalay kaya siguro ganoon..."

I heard him 'tsk' and a stone clashing.

Nasasaktan ako and I don't if it's because I will be totally forgotten or it's because it pains me hearing Crowell's devastating situation. Siya rin talaga ang pinakaapektado rito kaya kailangan isantabi ko ano man ang nararamdaman kong pait dulot ng nasabi niyang pangyayari.

"And you know what made me mad more? Is that Daddy knows about this for a month kaya naman he pushed you to that marriage para kapag dinala niya rito si Kelly, wala ka na. Kesyo buo kami at wala ka..." he said those words with helplessness.

I smiled bitterly. Is it possible that Crowell is blocking his own emotion? He is ignoring the connection between them because he is afraid of hurting me? He is afraid of losing the love he has for me and gave it to his twin?

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesOnde histórias criam vida. Descubra agora