{ nineteen }

48 3 3
                                    

TAO's

Para akong tangang nakangiti dito sa sala, nanunuod silang horror movie kaya nevermind nalang. Ba't kaya ang hilig hilig nila, dun? Tss. Hindi ba sila natatakot?

Saka, akalain niyo? Pumayag si JiJin makipag date sakin, hindi ko talaga inaasahan yun. Saka kung alam ko na gusto ni Baek hyung si Jijin? Oo, alam ko. Pero may Taeyeon naman siya diba?

Ng matapos ang movie, nag-akit na matulog si Suho hyung.

Nagpasukan na sila, pero ng akmang tatayo narin ako para pumasok sa kwarto ko, tinawag ako ni Baek hyung, kaya kami nalang ang natira sa sala.

"Ano yun, hyung?" Tanong ko sakanya.

Nanatili siyang tahimik.

"May kelangan ka, hyung?" Tanong ko ulit sakanya.

"Akala ko ba walang talo-talo? Diba lahat tayo nangako sa isa't isa? Na kapag may nagustuhan tayong babae? Walang talo talo!"

"What do you mean?" Tanong ko sakanya.

Napabuntong hininga naman  siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko,

"Ano? Tapos ngayon, parang wala kang alam? Alam mong gusto ko si JiJin, pero bakit inaya mo magdate?!" Ngayon, alam ko na sa tono ng pananalita niya na galit na galit siya sakin.

"Tinraydor mo ko..." mahinang sabi niya.

"Trinaydor? Hyung! Wala akong tinatraydor! Bakit? Wala ba akong karapatan magkagusto sa isang babae?--"

"WALA! Walang problema! Kahit sino pwede, but spare my girl!" Sabi niya sakin.

"Alam mo! Ang makasarili mo, so ganun? Okay lang yung gusto nina Suho hyung, Chanyeol, basta wag lang yung sayo?!! Ang selfish mo!" Sabi ko sakanya.

"Hindi ako selfish, sinasabi ko sayo na kapag may nagmamay-ari na, wag ka na magtangkang kunin pa." Seryosong sabi niya gamit ang malalim niyang boses.

"Ahh, tinutukoy mo ba si Taeyeon?" Sarcastic na sabi ko sakanya gamit ang blankong expresyon ko.

"Dmn! Alam mo naman ang tungkol dun hindi ba?!"

"Oo. Pero teka, bakit ba tayo nag-aaway? Hindi naman kami ah," sabi ko sakanya kaya nakita kong medyo kumalma siya. Sa totoo lang pinaka-ayaw ko ang may nakaka away sa mga hyungs ko.

"May the best man... win?" Sabi ko at inilahad ang kamay ko.

Mga ilang segundo pa kaming nakatanga bago niya tanggapin yung kamay ko.

"May the best man, win."

***

JESUB's

Ano ba namang buhay to!! Nalaman na nga ni manager na nag-alis kami kahapon, tapos ngayon? Nagkaproblema sa kapatid ko? Grabe, imbis na gumiginhawa ang buhay namin dahil sa pagiging idol ko... hindi eh. Hayss!

*tok tok tok*

"Ako na!" Sabi ni HyunKi at siya na ang nagbukas ng pinto.

At napabuntong hininga kaming lahat nung nalaman namin kung sino yun.

"I've decided..." sabi ni Manager Sang.

"Dahil sa pagsuway niyo sakin, wala kayong gagawing trabaho like guestings, o kahit anong appearance, pero kelangan niyo magpractice... araw-araw."

"What?" Rinig kong sabi ni RaeMun.

"Wala na kayong magagawa! Kayo ang gumawa nito sa sarili niyo." Sabi ni manager.

Boy who cried WolfWhere stories live. Discover now