Chapter 16: Outburst

Start from the beginning
                                    

The fine radiant sun rays touch my pale skin, but somehow, I still feel cold.

"Mr. Meneses, may bisita kang naghihintay sa room mo." A nurse suddenly approached.

"Sige, susunod ako."

Inilibot ko muna ang mga mata sa buong garden ng ospital bago tuluyang sumunod habang dala ang dextrose. Wala akong inaasahang bisita sa araw na'to alinsunod na rin sa pakiusap ko.

I heaved a deep sigh ng matapat na sa harap ng pinto. I slowly opened it and I wasn't expecting the person inside the room.

"Hindi mo dapat pwersahin ang katawan mo. You should be resting."

Nagsalubong kaagad ang kilay ko sa pagkainis ng makita ulit siya.

"Hindi ko kailangan ang paalala mo. Makakaalis ka na." At nilagpasan siya at dahan dahang naglakad patungo sa hospital bed ko.

"Ginagawa ko ang makakaya ko para makabawi man lang sa'yo. Gusto kong gawin 'to para na rin kay Stara..."

Huminto ako at dahan dahan siyang hinarap.

"Kung ganun, pasensiya na at naistorbo pa kita. Kung ako sa'yo, bumalik ka na sa mas importante sa'yo kaysa sa mismong pamilyang inabandona mo." at tinalikuran ko ulit siya pero kaagad niya akong pinigilan.

"Eve, maniwala ka. Importante kayong pareho ni Stara sa'kin..."

Naikuyom ko ang aking mga kamao para subukan pang pigilan ang sarili ko.

"Why didn't you come back that night?" I calmly ask.

Hindi na niya nagawang makapagsalita at nanatiling walang imik kaya't hinarap ko siya at tiningnan ng masinsinan. He can't look at me.

Nagtagis ang bagang ko dahil hindi na mapigil ng mata ko ang maluha. The memories two years ago flashed in my head like it's only yesterday.

"Bakit hindi mo magawang makasagot? Kung totoo 'yang mga sinasabi mo, edi sana noon bumalik ka at bumawi sa'ming pareho." pagtutuloy ko.

He looked down and get his handkerchief on his suit pocket, wiping off something on his eyes. Mas lalo akong nainis. Wala siyang karapatang umiyak sa maling bagay na ginawa niya.

Ang mga luhang pinipigilan kong tumulo ay sunod-sunod nang dumaloy sa pisngi ko.

"H-humihingi ako ng kapatawaran..." Aniya sa garalgal na boses.

"Hinding hindi na niyan mababawi ang sinira mong pag-asa kay mom!" My rage exploded inside me. "Bakit hindi ka nga ba nakabalik?!"

"I w-was..." he's trying to make an excuse again.

"Because you're with another woman that night. Tama, hindi ba?" I said, smirking at him. "Noong gabing iyun, pinahanap ka ni mama sa akin. Sobrang nanghihina na siya nun..."

Nakatitig siya sa akin ng may halong pagkagulat at pagkalito.

"She said that at least, in her last breath, she can see you beside her... that we will both set her off that night..." I looked up and sobbed while saying it. I tried keeping those tears while remembering what happened.

Kahit labag sa loob, iniwan ko si mama para hanapin siya. Umalis ako ng ospital kahit hindi ko alam kung saan siya hahanapin pero inikot ko pa rin ang buong lugar.

It was raining that night, I almost lost my hope to see him. He's not answering his phone. I'm soaking wet while tiredly trying again and again.

I need to find him, iyun ang nasa isip ko. Kahit doon lang sa sandaling iyun ay maramdaman ni mama na ayos ang lahat. Sobra akong umasa... but after what I saw, that ruined everything and I am succumbed in hatred.

PAINTED CANVAS (Under Revision)Where stories live. Discover now