Manghang mangha ako sa nakikita kong makulay at masasayang syudad na malayonng malayo sa malamig at tahimik na paligid sa loob ng palasyo

"Ito ba ang bagay na pilit pinrotektahan at pinanatili ng Emperor na naging dahilan ng pagiging pabaya niya bilang isang ama sa kaniyang mga anak?" Hindi ko mapigilang tanong ko sa aking isip

 "Aaminin ko naging magaling siyang tatay ng buong Emperyo kung nagawa niyang mabigyan ang mga tao ng ganitong lugar na kung saan pwede silang maging masaya at malaya ng walang kahit anong pinoproblema pero ang problema ay nakaligtaan niya ang kanyang anak na nagdulot ng hindi niya pagiging mabuting ama sa mga ito"  dagdag ko pa

Sana nagawa ding protektahan ng Emperor ang kanyang mga anak katulad ng mga mamamayang ito

Naputol lamang ang aking pagkritisismo sa Emperor ng may isang hindi katandaang babae ang lumapit sa akin at inaalok akong subukan ang kaniyang mga panindang pagkain

"Binibini, ikaw ay mukhang dayuhan sa lugar na ito, nais mo bang subukan ang kilalang masarap na pagkain mula sa aking kainan? Nasisigurado kong ito ay lubos na masarap dahil dinarayo din ito ng mga aristokrata" pag-aalok niya sa akin na nakakuha ng aking atensyon dahil sa ito ang unang beses ko na makakatikim ako ng mga pagkaing galing labas na hindi niluto ng mga tagapagluto ng palasyo

Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa kainan at binili ang lahat ng nasa listahan ng binebenta ng kainan na hindi mga pamilyar sa akin

Tinikman ko ito mula sa kanin na may kulay dilaw na sabaw, sa pulupot na pagkain hanggang sa kulay itim na parisukat, at hanggang sa likidong inumin na may kakaibang tapang na hindi ko maipaliwanag.

Pagkatapos kong kumain ay kaagad na akong tumayo at inilagay ang napkin sa ibabaw ng mesa 

"Teka, sandali saan ka pupunta?!" Sigaw ng isang tagadala ng pagkain na nakapagpakunot sa akin

Ano ba namang klaseng taong iyan? Syempre aalis na ako kasi tapos na akong kumain

"Aalis na ako" simpleng  sagot ko

"Anong aalis ka na? Hindi ka pa nga nagbabayad ng mga pagkain na kinain mo" galit na utas nito na nakapagpakunot sa akin dahil dati naman sa palasyo at sa bahay ng aking mga pamilya ay hindi ko kailangang magbayad pagkatapos ko kumain

Kailangan ko pa bang bayaran mga kinain ko? Akala ko wala itong kabayadan dahil inalok ako ng babae

"Wala akong pambayad" sagot ko

"Ano? Kakain kain ka ng marami tapos wala ka palang pambayad?!" galit nitong utas

Malay kong kailangan ko palang bayaran iyon ganoong wala naman sinabi ang babae na kailangan kong bayaran atsaka ano bang bayad ang kailangan? 

Pero nawala ang pansin ko sa pamomroblema sa kung ano ang aking ipambabayad ng makarinig ako ng sabay sabay na yabag ng paa at ng malalakas na awra na nakilala ko bilang mga kawal ng pamilyang Imperial.

Ang bilis naman nila parang ilang oras palang akong nakakatakas tapos nalaman at nakapagpadala na agad ang Emperor ng mga taong maghahanap sa akin.

Bago pa ako makatakas ay hindi ko na namalayang nakalapit na pala ang mga kawal sa akin atsaka sila sabay saby na yumuko bilang tanda ng paggalang 

"Lady Adelaide" napakunot ang aking noo dahil sa titulong tinawag sa akin ng mga kawal

"Nandito po kami para kayo ay sunduin ayon sa utos ng Empress Dowager" magalang nitong saad at walang anu-ano ay inalalayan na ako ng iba pang mga kawal bago pa ako makapalag

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Moon's LiesWhere stories live. Discover now