Prologue

103 10 2
                                    

THE END SHALL BE THE BEGINNING

"DADDY! Gusto ko po maging katulad ni Michael Jackson!" pag-uulit ni Francesca habang nagpapatugtog sa stereo ng Black & White song. Nasa loob sila ng sasakyan. 'Yong ama ang nagda-drive, sa passenger seat ang ina, at siya naman sa backseat. Papunta sila ngayon sa Batangas sa isang private resort para mag-bakasyon. Pero wala silang kamalay-malay na ang pang samantalang bakasyon ay mauuwi sa panghabang buhay.


"Piling ko po may ibubuga ako katulad nila," dugtong pa ni Francesca. Tinutukoy niya yung mga paborito niyang dance group dito sa Pilipinas. Labing dalawang taong gulang pa lamang siya ngunit puno na ng pangarap ang puso. Mga pangarap na gumigising sa mahimbing niyang tulog. "Please payagan na po ninyo akong mag-workshop sa ATY Inc, 80k per year lang naman po!" Hindi niya alam ang kahalagahan ng pera, patunay na immature pa siya.


"Singer kaba para magaling katulad ni Michael Jackson?" tanong ng ina habang nakatingin sa rear mirror at inaabangan ang magiging responde ng anak.


"Hindi pa po, mommy!"


"Song writer kaba? O lyrics composer? Kasi kung gusto mong pumasok sa music industry dapat all out mayroon ka," sabi ng ama niya na halatang nagtitimpi na rin. Kanina pa kasi nagpupumilit ang anak.


"Hindi rin po, daddy! Siyempre paano kong matututunan ang mga iyon kung walang professional na magtuturo sa akin? Kaya nga papasok ako sa workshop para malaman natin!" Hindi siya gaano narinig ng magulang dahil nagka-problema sila sa Waze.


"I'm a good dancer naman po, 'di ba?"


Napailing ang ina. Naiinis siya kay Francesca, ngunit mas nainis siya sa asawa dahil hindi tumawid sa overpass, namali tuloy ang routine ng Waze nila. Mas napalayo ang byahe.


"Helluuh? Mommy? Daddy? I'm here!"


"Anak, ilang beses na kayong sumayaw sa school?" tanong ng ina.


"Three? Why? Pumapayag na po kayo?"


"Nagkaroon kaba ng gantimpala kahit isang beses?"


"Wala?"


"Anak, kung talagang magaling ka dapat nananalo ka. Kapag nanalo ka at na-recognized ng marami, malaki ang tyansa na may mag-offer sa'yo ng free workshop. Besides, we can also be your sponsors, but only then if we see you shine on your own effort. But as of the moment, wala ka pang napapatunayan. Let your dream be a just morning dream, okay?" Palalim ng palalim ang usapan nila, pero kahit papaano ay nagagawa namang makasunod ng anak.


"Mommy! Paanong hindi ako mananalo sa school e ibang sayaw yung nandoon? Buong section, ang chaka-chaka! Tapos zumba steps pa, no challenge. Eww. I want EDM po!"


"What the heck is that?!" sigaw ng ama na kanina pa stress sa pagda-drive.


"Dad, hindi mo po alam iyon? Its Electronic Dance Music. Iyan po ang genre na gusto ko. Iyang po ang aaralin ko sa workshop. Kaya please, let my dream sour high! Bigyan lang po ninyo ako ng consent letter and bayaran yung pang-one-year tuition fee ko. Promise, magiging sikat din ako—katulad ng idol ninyo na si Michael Jackson! Hehe."

La Riviere ShineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon