''Alright. Take care, Selena'' wika niya at pinatay na ang tawag.

Gael Seymour Tobar is the CEO of La Tocarita.

Ang kompanya rin nila ang pinaka tanyag at kilalang pagawaan ng alak sa buong Pilipinas. He also has an exclusive bar for the elite, businessmen, and politicians. Na siya rin mismong nagmamanage rito.

He's known for being a ruthless business tycoon. Business is his forte. Marami na siyang negosyo, maski kompanyang pinabagsak.

''Sara,'' tawag ko sa'king sekretarya.

Agad naman 'tong lumapit sa'kin. ''Yes, misis Vasco? Ano hong ipag uutos nila?''

''Pakihanda na ang van at ang mga gamit ko. Pupunta na tayo sa next shoot ko.. sa may Quezon.'' Banayad kong utos dito.

Tumango lamang ito sa'kin at umalis na. Maya-maya rin ay nandyan na ang aming van.

''Armand, thank you ulit. Mauuna na ako,'' paalam ko rito.

Binuksan ng aming driver ang passenger seat at agad akong sumakay sa loob ng van. Medyo malayo ang biyahe papunta sa Quezon. Kaya naman isinandal ko muna ang aking ulo sa head rest ng upuan at pumukit. Sinubukan kong umidlip, pero hindi rin naman ako makatulog. Dinilat ko ang mga mata ko at naisipang magcellphone na lamang sa gitna ng biyahe. Nilabang ko ang sarili ko sa pagtingin sa'king cellphone. I opened my social media account. Una kong binuksan ay ang aking personal na twitter account, dalawa kasi ang twitter ko. Ang isa ay hawak ng management, ang isa naman ay personal kong ginagamit.

Sa pagbukas ko sa'king personal na twitter ay ang unang tumambad sa'kin ay ang mga larawan ni Lucian at Amelia. Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Ramdam ko ang nagbabadyang luha sa gilid ng aking dalawang mata. Mapait akong ngumiti sa'king sarili.

Amelia @amelia.tryne

Thank you for coming in my product launching.

89K Likes. 45K Retweets.

Ayon ang nakasulat sa kaniyang caption. Tinignan ko rin ang iba't ibang litrato mula sa iba't ibang anggulo. Meron din candid at halata mong masaya silang nag-uusap. Lucian was smiling widely in every picture he had with Amelia. I felt a throbbing pain inside my chest. He never smiled in front of me like that.

Alam kong mali ang maiingit sa kapwa, pero hindi ko maiwasan... hindi ko maiwasan, hindi makaramdam ng inggit.

Sobrang naiinggit ako.

I laughed bitterly with the thought that I am his wife, yet I never saw him smile like that he's always been cold and so distant to me. Para bang kahit asawa ko na siya ay ang hirap-hirap niya pa ring abutin. Hindi ko pa rin siya maabot-abot.

My eyes drifted to the ring I'm wearing. It's an Alexandrite round-cut rose wedding ring. Tumagal ang paninitig ko roon. Natauhan lang ako nang biglang tumunog ang telepono ko dahil sa text ulit ni Lucian.

Lucian:

Huwag mo na kong hintayin mamaya. Hindi ako uuwi. Make sure to double lock the door. Sa kwarto natin mag lock ka rin.

Ayon ang kaniyang text sa'kin. Bumuntong-hininga ako sa'king sarili bago tuluyang nagtipa ng reply sa kaniya.

Ako:

Uhm, may problema ba sa trabaho?

Ilang sandali lang ay tumunog ulit ang aking telepono.

Lucian:

Baka nakakalimutan mo, Selena, na asawa lang kita sa papel. Na kasal lang tayong dalawa dahil ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin. You have no damn right to ask me or even interfere in my life. Basta hindi ako uuwi ngayong gabi. Do you understand that?

Happily Never After (Fairytale Series 1)Där berättelser lever. Upptäck nu