|| VAMPIRES PET BOOK 2 ||
Akala mo tapos na,
Akala mo ayos na.
Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo nyan kahit makawala ka wala ka pa ding takas sa kanila.
Dahil sa mga kadenang mag didikit sayo sa na karaan mo.
Kadenang mag kukulong sayo.

ZEN LIVIUS

ZEN LIVIUS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PROLOGUE

Kinapa ko ang libro sa lamesa ng kwarto ko at binitbit ito palabas, hinanap ang door knob at pinihit ito.

Pilit na kumakapit sa hawakan ng hagdan para makababa dito at sa wakas narating ko ng maayos ang unang palapag ng bahay namin.

"Nana?" Tawag ko sa lola kong alam kong nagluluto na ng umagahan namin.

"Oh Alice gising kana agad? Maaga pa, ah," ngumiti ako sakanya kahit hindi ko alam kung nasan siya banda.

"Opo balak ko po sana ulit mag-aral ng pagkapa ng mga letra sa libro." narinig ko ang paghalo niya ng niluluto niya sa kawali.

"Ah ganun ba, sige kumain ka muna bago ka makinig sa pagtuturo sa TV," sabi niya at tumango ako saka hinanap ang upuan na lagi kong pinupwestuhan.

Unting panahon na lang masasanay at masasaulo ko na din ang bahay at pwesto ng mga gamit dito.

Kinapa ko ang lamesa at nandoon na ang kutsyara at plato na kakainan ko.

Napabuntong hininga ako.

"Masamang magbuntong hininga sa harap ng pagkain Alice," rinig kong sabi ni nana, sabay ng pag-urong na upuan.

"Nana, sorry po." naluluha na naman ako at pilit na nagpapakatibay sa harap ng lola ko.

"Alam mo apo ako ang dapat na humingi ng paumanhin sayo." sinisisi niya na naman ang sarili niya dahil sa nang-yari sakin.

"Pasensya na apo at ganito ang pamumuhay natin, sobrang hirap at hindi ka na ulit na kapag-aral pa." umiling ako at naiyak na lang tuluyan.

"Apo mapapatawad mo ba ko sa lahat ng pagkukulang ko at magagawa ko?" Tumango ako at narinig ko ulit ang pag-urong ng upuan sa harapan ko kasabay ng mga yapak niya papunta sa tabi ko.

Niyakap niya ko at bumulong sa tainga ko.

"Apo patawarin mo ko ha, mahal na mahal kita." sabi niya sakin kasabay ng pag-iyak naming dalawa.

Ang hindi ko alam, sa mga salitang iyon may itinatago na pala syang sulosyon sa lahat ng problema naming dalawa.

Solusyon na hinding hindi ko makikita.

Iyon ay ang sulat na humihingi ng tulong sa taong tatapusin ang lahat ng mga paghihirap naming dalawa.

Sulat kay Zen Livius.


MY BLOOD IS YOURS

MY BLOOD IS YOURS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon