His Side

179 7 5
                                    


Dear, Marlyn Licuanan

"Kahit nakakainis ka, I Love You pa rin."

Hindi ko alam kung bakit ako may hawak ng ballpen at nagsusulat ngayon sa isang papel. Hindi ko rin maintindihan tong mga kamay ko at nagtutuloy lang ako sa pagsulat. Ang sabi nila mas maganda daw ie-express ang feelings mo through writing, kaya siguro dito lang ako naglakas loob na sulatan ka after of how many years.

Marlyn, natatawa na lang ako sayo kapag kinikilig ka habang nangungulangot ako, dinaig mo pa ang apoy sa sobrang pula ng muka mo. Eh pano pa kaya kapag ngumiti ako sayo, edi ni-rape mo na ko. Nagtataka ako kasi nag-hi ka sakin sa isang event sa school nag-hello naman ako sayo, ako naman tong halos hindi makagalaw ang mga tenga dahil sa hindi ko maintindihang feeling.

Nung second year highschool tayo, lagi na kong tumatambay sa may hallway para lang hintayin kitang dumaan at para makita din kita, nang nakita kitang maglakad sinalubong kita at kahit na halatang sinadya mong mahulog ang mga bitbit mo tinulungan kita, ang bango bango mo, ang naisip ko nun siguro nagtatrabaho ang magulang mo sa isang perfume shop at pinanliligo ito.

Nakasabay naman kitang pumasok, hindi ko alam at tinanong kita kung makakapasok ka ba ng first subject mo, ang sabi mo hindi na kasi nga late na. Dapat aayain kitang magcutting kaya lang nakita ko mga barkada ko kaya I act like I don't really care, but I care about you, A lot actually. You glared at me, hindi na lang kita pinansin baka kasi sabihan mo ko ng feeling close. Kaya yun.

Hinintay kita ng mag uwian busy ako sa pagtingin sayo sa malayo, sinusundan kita lagi hanggang makapasok ka sa gate ng bahay niyo. At yun na ang naging daily hobby ko.

Third Year, I think I'm the luckiest man that time, kasi naman magkaklase na tayo. Magkatabi tayo nun lagi sa upaan at halos hindi ako makapag-concentrate sa pakikinig dahil sa pagtitig ko sa mga kamay mo. Hinawakan ko ang kamay mo nun at sinabi kong ang boring, at ikaw naman nakakagulat ang sinabi mo sakin. "Mamaya pinangulangot mo yan, kadiri ka" ikaw talaga ang pranka queen dito sa section natin. Pero ang cool tignan pagkanagpapaka-pranka ka.

Ewan ko kung bakit ang special ng mga treat ko sayo, I feel like I'm the Prince and you're the Princess. Nang makita kitang natutulog sa klase ni Ms. Mermaid nagtulog tulugan ako, ito kasing si mam once na matulog ka sa klase niya paglilinisin ka niya. Kaya yun ginawa ko yun para pagalitan tayong dalawa.

Habang wala ng tao sa classroom at tayong dalawa na lang ang naiwan. Tinitigan kita, ang ganda mo pag tulog, siguro pinapanaginipan mo ko kasi nakangiti ka habang tulog, kiniss kita sa noo mong napakalawak at nagising ka na ng walang muwang sa mundo. Naglinis na tayo sa room, at hinatid kita sa inyo kasi magdidilim na.

Akala ko nga hindi ko mahahalata eh, pero halatang halata na kinikilig ka ikaw ba naman, tinanong kita ng "Masarap ba yung ice cream?" that time kasi binili kita ng ice cream nun "O ito ba? oo mesherep siya hihi ang sherap niya keya ahihihi gushto mong tikman?" Ang cute mo talagang kiligin parang hindi nangangawit pilik mata mo sa kaka-beautiful eyes.

I hate my Senior life. Hindi na kasi tayo magkaklase. Napakasipsip mo kasi kaya hindi ka umaalis sa section mo.

Nung birthday mo, binili kita ng teddy bear at sinulatan kita ng napaka ikling message. Hindi ko nagawang ibigay sayo yung teddy bear kasi napag alaman ko na ayaw mo nito. Napaka arte mo kaya naman sinulatan na lang kita

"HBD (less than three symbol) mbtc (smiley face)"

Napaka-ikli, napakalayo sa mga gusto kong sabihin sayo, kaya lang baka mareject mo ko, sino ba naman ako diba? I'm just your fucking old friend.

And now hindi ko pa rin alam ang putang rason kung bakit ko sinasabi ang mga yan. Kalalaki kong tao ang korni ko, well sayang naman tinta ng ballpen ko kung hindi ko to maibibigay sayo. Last week na natin dito at ga-graduate na tayo, kaya naman ilalagay ko to sa locker mo para malaman mo na yung punyetang feelings ko sayo.

Request lang, sana gumawa ka ng reflection tungkol dito sa sulat ko, kahit thank you for the letter man lang.

I'll wait hanggang bukas ang sulat mo, at aasahan ko yun. Subukan mo lang hindi ako sulatan, hindi ka na makakahinga pa.

O sige na baka hindi mo na kayanin tignan at basahin ang gwapo kong hand writing. Handwritten love letters will never go out of my style.

PS: WAG MASYADONG LUMAKI ANG ULO

Nagmamahal,

Amiel Pinaquin

.

to be continued....

The Dearest NoteWhere stories live. Discover now