Her Side

239 7 10
                                    

Dear, Amiel Pinaquin

"Dear crush, hindi ko naman inaasam na maging tayo. Basta maging close lang tayo, masaya na ko."

Hi Amiel natatandaan mo ba ko? syempre sa libo libong babaeng maganda ang nakikilala mo kada taon malamang hindi mo na ko matandaan, naalala mo ba na naging crush kita? Nung Freshmen tayo nakilala kita kase kumanta ka sa stage nun kahit hindi maganda boses mo, kinikilig pa nga ako pag nakikita kitang nagungulangot eh, lalo na nung one time may isang event nun sa school at magkasama tayo nun nag hi ako sayo at nag hello ka naman sakin, hello lang yun pero halos mahulog na ang sipon at panti ko nun.

Sophomore naman na tayo nun ng nalaman ko ang facebook account mo, in-add kita at after ilang months inaccept mo din akong puta ka. Ay hindi joke lang. Chinat kita ng chinat at naaawa ako sayo kase kapag siniseen mo ko? hindi kaya ako naiinis kinikilig ako kase hindi ka makapagreply dahil sa kinikilig ka na nagchat ako.

Tapos ng magkabungguan tayo sa hallway sinasadya ko talagang mahulog ang mga libro ko para ikaw ang pumulot ang bigat eh, ay hindi joke lang pero hindi man halata kinilig ako nun kasi nagsorry ka sakin nun. Kaya lang bigla kang umalis hindi mo man lang ako dinala sa clinic dahil nabunggo mo ang napakaganda kong shoulder. Feeling ko nga magkaka-cancer ako dahil dun. Charot ang OA ko na.

Then nagkasabay tayo nun ng pasok sa gate, kasi tinanghali ako ng gising. Nag hi ako sayo tapos nag hello ka naman. Tinanong mo pa ko kung makakapasok pa ko sa first subject ko ang sabi ko hindi na kasi akala ko aayain mo ko magcutting tapos yun pala wala kang pake dumiretso ka na sa mga kaibigan mong nagwa-one day. Puta nag assume nanaman ako. Pero alam mo ba simula nun tanghali na ko laging pumapasok at excited ako nun na pumunta ng principal office. Tangina feeling yung akala ko may pake ka yun pala wala dafaq.

Junior na tayo at ang saya saya ko dahil magkaklase na tayo, at lagi tayong magkatabi ng upuan dahil magkalapit lang apelyido natin, alam mo ba simula nun ihi na ko ng ihi sa school dahil sa kilig, syempre joke lang yun baka maniwala ka agad.

Tapos yung nasa kalagitnaan na tayo ng klase bigla mong hinawakan ang kamay ko sabay sabi ng Ang boring noh? nakakainis kasi feeling close ka sakin, joke lang kinilig ako nun sa totoo lang alam mo ba muntikan na kong hindi makagraduate dahil dun? joke lang medyo lang tayo naging close kasi napakasuplado mo.

At dahil parehas tayong gago, ay ako lang lang pala yun. Natulog tayong dalawa sa klase ni Ms. Mermaid at yun ang dyosang guro natin pinaglinis tayong dalawa. At hinatid mo ko sa bahay dahil nga madilim na yun dahil dun muntikan na ko matanggalan ng esophagus sa kakasigaw sa kwarto at halos matanggal na ang kutchun sa kama ko sa kakasipa nito.

Senior na talaga tayo, pero hindi na tayo magkaklase bumaba ka, kasi ang bobo mo pero wag kang mag alala crush pa rin kita.

At nung birthday ko binigyan mo ko ng letter nun, at may less than three symbol sa huli, alam ba naging impact sakin nun? lagi ko yun binabasa everytime na umiihi ako, habang tumatae, habang naliligo, habang kumakain, habang nangungulangot basta walang sigundo na hindi ko babasahin yun.

Nang malaman kung tuli ka na, nagpaparty ako sa bahay at natuwa ako dahil no worries tayo kasi magkakaron tayo ng anak, di joke lang wag kang mag assume. di joke lang uli.

Naaalala mo pa ba ko? Feeling ko hindi dahil peymus ka na, kumbaga kapag nagpost ka 5 minutes later 500+ na yung likes samantalang ako aabutin pa ng taon para magka 10 likes siya, see the difference diba?
At ako? hindi ako maganda morena lang, pero andito ako lagi nagmamahal ng patago sayo. Put tang in a lung ang korni ko takte.

Ibibigay ko sayo to ngayon, I mean I lalagay ko sa locker mo. Alam kong matagal mo ng pinangarap na sulatan kita hindi joke lang, sana pagnabasa mo to, wag kang mailang sakin okay lang kahit may gusto ka sakin di joke lang.

Hihintayin ko bukas ang letter of reaction mo dito, sana meron maga assume ako Amiel. Pagka hindi ka nagbigay sakin hindi ka na makakauwi sa inyo na may tenga.

So yun hanggang dito na lang ang drama ko na baka lalo ka pang mainlove sakin hindi joke lang, okay bye na.

PS: WAG LALAKI ANG ULO.

Love,

Marlyn Licuanan

The Dearest NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon