"Uhm, hija, can you please wake my son on his room, the food we're preparing will be ready," sabi sa 'kin ni Mrs. Evilord habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa mesa. Katulong niya sa pagluluto sina yaya Niña at iba pang mga baguhang kasambahay.

Iniwan ko na sa isa pang kasambahay ang ginagawa ko at hindi lang halata, pero sobrang excited na naglakad ako patungo sa kwarto ni Zach. Sobra kaming nag-iingat sa mga kilos namin nitong mga nagdaang araw lalo na kapag na sa malapit lang si Mr. Evilord kaya ganito na lamang ang excitement ko dahil magkakaroon na naman ako ng rason para puntahan siya sa kaniyang kwarto.

Maingat kong pinihit ang doorknob pabukas at maingat ding isinarado ang pinto pagkatapos pumasok. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa malaking kama ng kwarto kung saan siya natutulog balot ng color gray na comforter sa nasisilip kong topless niyang katawan. Gano'n naman siya, palaging walang damit pang-itaas kung matulog.

Marahan akong naupo sa gilid ng kama at sa halip na gisingin ay pinagmasdan ko lamang ang maaliwalas niyang mukha na payapang natutulog. Wala sa sariling napangiti ako sa isiping wala pa rin talagang pagbabago, halatadong suplado tulog man o hindi, pero wala naman ding dudang gwapo.

Marahan kong hinaplos ang tuktok ng kaniyang ulo habang pinagmamasdan lamang ang mukha niyang nilamangan lang ni Mario Maurer ng isang paligo. Kung panlabas lang talaga ang pag-uusapan ay malapit na siya sa salitang perpekto. Gwapo at ang talino pa. Kung hindi ko pa siya nakilala, hindi ako maniniwalang may ganitong klaseng nilalang na nag-eexist dito sa mundo.

Sa mga iniisip ko ay wala sa sariling napakunot ang noo ko. Bakit nga ba ganito na lang ako kung purihin ko siya sa isip ko? Napangiwi ako at akmang tatayo na sana nang hawakan niya bigla ang pulso ng kamay kong na sa tuktok ng kaniyang ulo at hinila palapit sa kaniya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niya at walang ano-ano'y kinulong ako sa mga braso niya.

Hindi ako nakagalaw sa yakap niya. Titingala pa lamang ako para tingnan siya ay mariin ng napapikit ang mga mata ko nang mapagtantong dibdib na niya ang katabi ng mukha ko.

"Zach..."

"Hmm," ungol niya. "Good morning, babe," matapos magsalita ay mas lalo pang humigpit ang yakap niya.

"Tawag ka na ng mommy mo, bangon na," naiilang na sambit ko. Pwede ko naman siyang gisinging nakatayo at hindi ganitong yakap niya ako.

"Five minutes, babe," usal niya at napasinghap ako nang hilahin niya ang baywang ko palapit lalo sa kaniya. Ilang segundo ang tuluyang nasayang bago ako nakabawi sa nangyayari at dahan-dahang kumilos para kumawala sa yakap niyang matinding epekto ang dala sa puso kong pinanghihinaan.

"Oh... s-sige... f-five minutes-"

"Yeah, five minutes of hugging you tight."

Napakunot ang noo ko sa kaniyang tinuran. Anong five minutes of hugging you tight, eh five minutes lang pagkatapos ay babangon na dapat siya?

"Zach, huwag na pala. Bangon na-"

"I missed you, babe."

"Nambola pa, huh, araw-araw kaya tayong nagkikita," sambit ko.

"But not as usual as before, when no one's around and I can hug you whenever and wherever I want."

"Alam naman nating hindi pwede 'di ba? Mas mabuti na rin 'to, kasya mapaghiwalay tayo ng dad mo."

Sa huli ay hindi na rin siya nakaimik pa. Alam kong ayaw niyang itago namin ang relasyon naming dalawa pero wala siyang magawa dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang isugal ang relasyon naming dalawa para lang maipaalam sa lahat ng tao lalo na sa dad niya na kami ngang dalawa.

Unwanted MiseryWhere stories live. Discover now