CHAPTER FIVE | Tailed

Comenzar desde el principio
                                    

"Are you ready for these cold cases?" tanong pa niya at hinawakan ang mga iyon. Inisa-isang tingnan tapos ay may hinugot na folder. Napahinga ng malalim si Chief Sierra nang buklatin iyon. "This one was the oldest one in this department. An abduction case that was never solved." Inilapag niya sa harap ko ang folder at nakita ko ang litrato ng isang batang babae na nasa edad sampu. Dinampot ko ang folder. Elisse Madrigal ang pangalan ng bata. Year 2010 pa nawala at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.

"Twelve years na ang nakalipas pero ang nanay niyan, pabalik-balik pa ring nagpupunta rito para alamin kung ano ang nangyari sa anak niya. Sa katunayan, kagagaling lang sa opisina ko ngayon. Nangungumusta kung may feedback sa kaso ng anak niya. Ilang imbestigador na ang humawak diyan at lahat binitawan. Lahat sinasabing hindi na makikita ang batang iyan. Sabi ni Mrs. Madrigal, tanggap na niya kung hindi na niya makikitang buhay ang anak niya. Ang tanging hangad na lang niya kung wala na nga talaga si Elisse, kahit ang mga buto na lang. Mabigyan man lang daw niya ng magandang libing ang anak niya."

Seryosong nakatingin si Chief Sierra sa folder na hawak ko at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Ramdam ko din naman iyon. Sa mga nawalan ng mahal sa buhay ng biglaan, iyon na lang naman ang hinihiling ng mga naiwan. Closure.

"I wanted to give Elisse's mom closure that's why I want you to handle that case. You can start by talking to Attorney Eli Suarez. Siya ang lawyer ng napagbintangan na kumidnap kay Elisse. 'Yong ninong ng bata na best friend ng tatay ni Elisse pero na-absuwelto dahil sa abogadong iyan.

Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang pangalan ng abogado na iyon.

"The hot shot criminal attorney?" Paniniguro ko.

Tumango si Chief Sierra. "Defense lawyer for the rich criminals."

Hindi naman ako na-impress. Naririnig ko na ang lawyer na iyon. Mga kriminal ang ipinagtatanggol. Itinatama ang mali dahil sa pera.

Tumayo na si Chief Sierra. "Goodluck, Zoe. If you need help, just tell me. If you need to assemble a team for these cold cases, let me know. You will be the lead investigator for that."

Natawa ako at umiling. "What for? So, they will hate me? We all know that investigators hate cold cases. They want fresh and solvable cases. Not those that are buried in the dust."

"Kaya nga sa iyo ko ibinigay ang mga iyan dahil alam kong kaya mong gawin. I'll be in my office." Kumaway na siya sa akin at dere-deretso nang umalis doon. Sinundan ko lang siya ng tingin at napatingin ako sa folder ni Elisse Madrigal. Napahinga ako ng malalim at kinuha ko iyon tapos ay isinilid sa bag ko. Dinampot ko ang susi ng kotse ko at umalis na din doon. Deretso ako sa parking at sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko iyon at dumeretso ako sa tinutuluyan kong townhouse.

Pagpasok sa loob ay deretso ako sa kuwarto ko at inilapag ang bag sa kama. Hinubad ko ang suot kong damit at pumunta ako sa banyo at naligo. Nakatapi ako ng tuwalya at tinutuyo din ng tuwalya ang buhok ko nang lapitan ko ang bag ko. Inilabas ko doon ang folder ni Elisse Madrigal at ang mga reports tungkol kay Gregorio Laxamana. Kaya ko naman trabahuhin ito ng sabay. Sige ako sa paglatag ng mga reports nang tumunog ang telepono ko. Nakita kong Daniel ang pangalan na naka-register. Napangiti ako. I hope he got good news for me.

"Good news na ba 'yan, Daniel?" iyon agad ang bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.

Daniel has been working for me for a  year. He was an investigative journalist and I could pay him to follow someone I was investigating. Magaling din kasing magtrabaho 'tong si Daniel. Kaya kahit mahal ang singil niya sa akin, ibinibigay ko ang rate na gusto niya kasi basta may pinasundan ako, nalalaman talaga niya ang whereabouts ng mga ito.

THE LYING GAME (on-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora