Chapter 47

11.2K 404 43
                                    


"Okay lang ba siya? Bakit hindi pa rin siya gumigising?" He heard a faint worried voice in the background. Kahit napapikit siya at kilalang-kilala niya kung sino ang nagtanong at humawahawak sa kamay niya.

"Cza, lampas sampu mo na 'yang tinatanong. Yes, he's fine. Magigising rin 'yan lalo na kung hahalikan mo sa lips!" Pang-uuto ni Homer.

"Puro ka naman kalokohan, eh!" Reklamo ni Czaven.

"Totoo 'yong sinasabi ko! Bakit, n'ong hinalikan nga ni Belle si Beast ay nagising si Beast. Kayo rin kasi kasingganda ka ni Belle at si Heazen ay papasa na ring Beast." Giit pa ni Homer.

"Huh? Mukhang ibang Beauty and the Beast ata napanood mo, Homer. Si Sleeping beauty naman ang hinahalikan para magising, eh!"

"Ay, ganoon ba? Oi, Heazen, dumilat ka na. Palpak 'yong palusot ko ngayon. Hindi nakalusot kumpara n'ong kahapon." Sabi ni Homer kaya napadilat tuloy siya ng wala sa oras at sinamaan ito ng tingin.

Kumaway na ito paalis kaya silang dalawa na lang ni Czaven ang naiwan.

"Heazen!" Napatayo si Czaven sa tuwa ng makitang gising na siya.

Nasa silid lang pala siya. He can hear his cousins outside, mukhang nilalaro pa rin ang mga anak niya.

"Okay ka lang ba? Nasa garden kami ni Mommy ng tawagin ako kasi nahimatay ka." Nag-aalalang saad ng dalaga at sinipat pa ang mukha niya.

Napalunok siya at nanatili lang nakatitig sa dalaga. He clearly remember Angel's baby face that he opted to forget. Kamukhang-kamukha pa rin ni Angel ngayon. Kahit siguro nasa singkwenta na ang dalaga ay hindi pa rin ito magmukhang matanda.

Nagpapasalamat siyang nakalimutan niya ang parte ng buhay niya kung saan nangyari ang kay Angel, ngayon ay pinagsisihan na niya. Mag-iiba siguro ang ihip ng hangin kung naalala niya pa rin si Angel, at n'ong unang nakita niya ito sa veranda ay mapapatunayan niya sa Benjamin na totoo ito, na wala talaga siyang sakit. Maaaring nagpakasal na sila ng dalaga agad at nagka-anak.

But their story is written on different manner. It was destined to be like a roller coaster ride, or more like a total circus. Pero ewan, kahit masakit at nakakaputang-ina ang nangyari sa kanya, kung si Czaven lang rin ang may gawa, lulunukin niya.

Pero hindi muna siya magmarupok ngayon. Siguro slight lang.

Napakunot ang noo niya ng makitang iba na ang damit ng dalaga. Lantad na ang cleavage nito at mukhang sinasadyang ipakita sa kanya dahil sa pagdukwang dito.

"Okay ka lang ba, Heazen?" Malambing na tanong ni Czaven. At ngayon niya napagtagpi-tagpi na mula ng magising siya ay doble na ang pag-aalal at pagiging malambing nito.

She's touchy, too! Does it have to do something with his mother? Ano't biglang naging ganito ang asawa niya pagkatapos makipag-usap sa kanyang ina?

"I-I want us to talk." Sabi niya saka napalunok habang hindi maalis ang tingin sa dibdib nito.

"But you just wake up for passing out, Heazen. Mabuti siguro kung...." Pabiting saad nito at hinawakan ang balikat niya at marahan na minasahe, "...kung mamasahiin muna kita." She whispered the last line on his innocence seductive tone.

Napapikit siya at napahilot ng ulo. May isa pang ulo sana ang gustong hilutin kasi biglang nagalit.

"I haven't heard na may minamasahe pagkatapos mahimatay." Sabi niya at inalis ang palad nito sa balikat niya.

Nakita niya ang lihim nitong pagsimangot. Lihim naman siyang napangisi. So, she really have a plan, huh? Did his mother taught her to seduce him so that he'll forgive her? Hmm, we'll see.

GGA (4th Gen #18)Where stories live. Discover now