CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Keesh

"Keesh, may bagong dating daw dito, galing Tondo daw"Nakahiga ako ngayon sa upuang kawayang parisokat, nasa bahay ako ngayon ni Ulysses .

"Maganda ba?"Nakaatas kong kilay na saad .

"Oo ang ganda, mas maganda panga ni ate Bea"

"Bakit nakita mona ba?"

"Kanina, nag-iigib ako , malayo ngalang,pero kitang-kita ang ganda nito"Umiling ako. Kung totoo nga iyang sinabi niyang maganda aba, kailangan nanaming tiningnan iyan.

Kaagad naako tumayo, kumunot ang noo nito.

"Oh,uuwi kana?"Umiling ako.

"Saan ang babaeng iyan at liligawan ko kung maganda man"Humagalpak sa tawa si Ulysses.

"Gago ka, hindi mo pa nga nakita ang bibot liligawan muna"

"Aba,baka maunahan ako"Umiling ito at ngumisi.

"Baka, itakin tayo ni tiyo Fernando"Kumunot ang noo ko sa sinabi.

"Bakit, kaano-ano baniya ang babae"

"Anak ng kaniyang asawa ngayon, ganda din ng napangasawa ni tiyo Fernando"Umismid ako.

"Pangit nun, may magtatangka ba sa lalaking iyon"Tumawa si Ulysses .

"Gago, baka hindi talaga papayag si tiyo kapag narinig kaniyang pinagsalitaan mo siya ng masama"

"Tsk, eh hindi naman niya iyon totoong anak at siyaka galing Tondo,dito na titira? "

"Magbabakasyon lang daw iyang babae dito"

"Edi tayo na at baka maunahan pa tayo" Nakangisi kong saad .

Ang gusto lang namang gawin ni Keesh sa araw naiyon ay makilala ang babae at gawing flavor of the month. Parehong-pareho sila ng kanyang kuya nasi Jack ngalang matino na ito ngayon dahil kay Angelina habang siya naman wala ng makakapagbago sa kanya .

Iyon ang akala ni Keesh,akala niya habang buhay na siyang maglalaro ng babae pero ng makita niya si Salina sa kaunaunhan ay doon niya naisip na sa wakas ipinanganak na ang babaeng mamahalin niya habang buhay.

Kilala siyang playboy sa islang Island of Dame, pero kahit ganun hindi parin siya iniiwasan ng mga babae.

"Magpapakilala lang po sana ako sa anak ninyo tiyo"Nakangiti kong saad kay  Fernando na galit kaagad ang ipinapakita saakin.

Sarap basagin ng bungo ng gago, ayaw na ayaw ko dito, marami naitong kabalastugang ginagawa. Gaya nalang sa paninilip sa mga dalagang naliligo, ilang beses naitong nasuntok ni Kapitan.

Kaya gulat na gulat ako ng marinig na nagkaasawa ulit ito.

"Kilala kita Keesh, kaya mabuti pang tulungan mo ang papa mo sa pangingisda"

"Naku, tapos napo kaming mangisda tiyo, segi napo, grabe kanaman po parang hindi natin kilala ang isatisa,ikaw napo ang nagsabing kilala mo ako" Sabi ki habang tinitingnan ang pintuan nilang nakasarado.

"Isusumbong kita sa mama mo Keesh,kaya umuwi kana"Umismid ako sa sinabi ng lalaki  , nawalan na ng gana.

"Umuwi na tayo Keesh "Si Ulysses sa likuran ko, aalis nasana ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa doon ang isang napakagandang babae .

Para akong nawalan ng enerhiya ng makita ang babae, ngumuso ako tao batong nakikita ko o diwata? She's very beautiful.

Mabuti at may Angelina nasi kuya Jack at baka mag-away pa kami dahil sa babaeng ito.

She's wearing a white dress, namumungay ang mata nitong tiningnan kami .

"Tiyo, lalabas lang po sana ako, pupunta po ako sa  dalampasigan"Siniko kaagad ako ni Ulysses.

Serendipity Where stories live. Discover now